Untitled Part 31

332 8 0
                                    


After nung nangyare sa badminton court, hindi ko na nakausap si Vince mag-dadalawang araw na din. Maybe it's better. I will stay away from him... away from him means away from harm. Nakakalungkot nga lang kase hindi ko pa nababawi yung oras namin ni Vince. Oras na dapat ngayon sinusulit na namin. Antagal din naman naming nagka-hiwalay. Tapos ngayon, ganito pa? Minsan naisip ko, bakit ba kasi dumating pa ulit yang Sophie na yan? Hindi naman mag-kaka ganito ang lahat kung hindi na siya bumalik. But, the fact will still remain... Sophie was once part of their lives. And it can not be erased. I just need to stay away... away from my ONCE bestfriend.

" Ms. B. Still up?" Said Ray. Nandito kami sa School Paper room. Kasalukuyan naming inaayos yung school paper for the Half sem. We're busy. Even though I'm just a photo-journalist here, I helped them in some articles and in lay-out. I just want to keep myself busy. NO THINKING. Not thinking of anything.

" Ahh... Yeah." Nakaharap ako sa PC. While typing. When I realize that he just call me 'Ms.B' Here. Oh, Ray. -____- Annoying.

" I think you need to call home. Gagabihin tayo. Ihahatid na kita pauwi." Said he. Kinuha niya yung rotating chair sa vacant PC sa tabi ng PC ko at umupo sa gilid ko. He gave me a caffuccino coffee in can and Ham and Cheese sandwhich.

" Vj. Will you stay away from me. Baka kung anong isipin ng ibang members.." Bulong ko. I did not look at him. I just focus on what I am doing.

But I notice he smirks. Nagsalubong tuloy yung dalawa kong kilay at nilingon ko siya.

" Why?" He said. But I gave him a look.

" I don't care sa sasabihin nila. Dito lang ako." Naku naman! Baka naman isipin ng ibang members na nandito eh may special treatment ako sa EIC namin. Hindi ko nalang siya pinasin. Bahala siya diyan. Ayaw ko ng gulo.

" Ms. B kumain ka muna..."

" Andie.. baka malipasan ka ng gutom."

" Eat this na."

Pangulit niya sakin. Pero hindi ko parin pinasnsin. Ayaw ko nga ng any special treatment. KULIT.

Tumayo at umalis naman siya sa tabi ko. Hay salamat, walang istorbo. Natapos ko na yung Sports Feature na tungkol kay Isaac Joshua at Tristan Mark. Sports News tungkol sa Captain Ball at Star player na si Vizhray Jasper. Editorial writing about the 'Fallen 44'. Science Feature about Ebola Virus. Feature Writing about Taylor Swift. Feature Writing about Divergent and Insurgent.

Madame na ba? Nag-half day lang kasi kami ni Ray. 6:57 PM na Since puro minor lang naman yung subjects naming sa hapon. Actually si Ray lang yung pinayagan, pero I volunteered na sumama kay Ray. Bukod sa nakakatamad yung klase at ang sarap matulog, hindi ko rin masikmurang makasama sa iisang klase sina Vince at Sophie. Tsk.

Tiningnan ko nalang yung pinned message sa desktop na may lamang subject ng mga articles. Nagba-browse ako ng mga subjects.

' Reg Vs. Star'
' SC Vs. SP'
'Pope Francis in the Philippines.'
' Thinking Out Loud'
' Inter-high in MSA'
' Mr. & Ms. Interhigh'
' Vince and Amber'
' TOP 5 Boys.'
' Extra Vs. Studies'

Babasahin ko pa sana yung iba kaso napako yung tingin ko dun sa 'Mr. & Ms. Interhigh' at 'Vince and Amber' na topic. Naalala ko lang kung gaano ako naiirita sa kanya dati. Yung mga kakulitan at pakikipag-kompitensya niya sakin. Bwiset na Bwiset nga ako sa kanya nun eh. Pero ngayon...

*3 claps of hand.

" Guys. Break muna tayo 10 mins. Yung mga gusto ng umuwi it's okay but just make sure na makakapag-pasa kayo ng atleast 10 articles tomorrow."--- EIC

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon