Chapter 15

419 18 0
                                    


" Mommy,"

You must be dreaming, Amber. Hindi siya si Niel.

Hindi pwedeng magyari yon.

NO! NO! NEVER! NO WAY IN EARTH!

Hinampas-hampas ko yung makabilang pisngi ko.

Sana effective! Magising ka, Amber Beatrice!

" Ah Tita, si Niel po?" I repeated. Lahat kasi kami, sa direksyon nya nakatingin.

Tapos nagtinginan si Grannie, Tita at 'tong peste na 'to at sabay-sabay silang tumawa. Pagtawanan ba naman daw nila ako? Tama ba yun?!

Fine. Hindi ko alam kung sino si Niel, at dahil nakita ko ang mokong, wala akong balak na malaman kung sino siya kasi baka siya at si Niel ay - - -

" Miss me that much?" He smirked and walked near me.

" What? You're kidding right?" I scoffed.

I heard it right.

Pero umaasa ako na nag-jojoke lang siya ng sabihin niyang siya si Niel. Kumag talaga! Bakit siya pa? Tapos patakbo siyang lumapit para mag-bless kay Grannie at mag-kiss kay Tita Lyka.

" Tingin ka dyan? Gusto mo rin ng kiss?" Mahina niyang sabi habang papalapit sakin. Speechless naman ako dahil totoo na ba talaga 'to?

" Hi Tris! Miss me?" Tapos naghihintay naman si Grannie at Tita Lyca sa response ko, pero ngumiti lang ako. Fake smile! Ang plastic niya kase!

Gustong gusto kong ipamukha sa kanya na si Niel ang namiss ko at hindi siya. Kapal ng mukha! Bakit ba ang yabang-yabang ng nilalang na toh? Noong nagpasabog ba ng kayabangan si Bathala eh gising na gising siya kaya nakuha niya lahat? Gosh, super duper yabang!

" Antahimik mo yata?"

" Get lost. Magsasalita ako I swear, "

" Ahaha. No need. Ayan na nga oh, nagsalita ka na. Di mo ba talaga ako namiss?"

" Aww, super! Hindi pa talaga ako nagsasawa sa pagmmukha mo sa school e. Happy?! " I sarcastically said.

Ewan ko lang ha, kanina pa kase tawanan lang ng tawanan si Grannie at Tita Lyka. Siya ba yung pinagtatawanan nila... o ako?

Buti nalang at masarap ang pagkain kaya andami kong nakain. At nabaling yung attention ko sa foods. Puro BEEF!

" Yuck! Bakit ba ang hilig mo dyan? Kaya siguro mabaho yang hininga mo."

What the hell?

" Excuse me, mas mabango pa nga yata yaung utot ko kaysa sa hininga mo!"

Sorry na, hindi ko napigilan eh! Sasabog na yata ako sa pagka-highblood dahil sa kayabangan niya. Nakakahiya tuloy kay Grannie at kay Tita. Pero hindi, tumatawa parin nga sila eh. Siguro di nila kami pansin kasi nag-uusap sila about business. Okay, ganun na nga siguro.

" Hindi ako bad breath, want a proof?"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at iginilid yung upuan ko at hinarap sa kanya. At unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Kung hindi lang mahigpit yung pagkakahawak niya sakin eh napektusan ko n siguro tong panget na to. Lechugas! Super lapit ng face nya to me.

He blew air to me.

Gosh! Kadiri!

Kadiri to death!

"Asshole!" Sinabunutan ko siya nag mariin at tumakbo siya palayo, siyempre, hinabol ko. Kadiri kasi e!

" Oy Tris, kalma lang.. "

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon