Untitled Part 68

187 10 2
                                    

AMBER's POV

Niliko ni Vince ang ulo nya, upang bumulong sa tenga ko. "Alam mo, kasing pula ka na ng kamatis."

Nang nanumbalik na ako sa wisyo, buong lakas ko siyang itinulak palayo. Agad kong hinawakan ang magkabila kong namumulang pisngi.

Sinasabi ko na nga ba, pinagtitripan na naman ako neto, tsk.

"Get a life!" I furrowed my eyebrows on him as I march towards the door.

"Amber, saglit!" Rinig kong banggit niya.

Kinakalagan ko na si Moby mula sa pagkakatali. Bwisit talaga sya, nakakainis to death!

" We're going now Moby, 'wag ka nang malikot. No play muna! " Saway ko kay Moby, ang hirap kalagan e, medyo binuhol ko kasi dahil malikot itong asong ito, hindi sapat ang normal na tali lang.

"Tara na,"

Si Vince, nakabihis na, naka hoodie pa.

" Go out with yourself," Umirap ako at naglakad palabas ng pinto.

Pero hindi ko mahatak si Moby. Kainis!

"Paano ba yan, mukhang gusto ni Moby?" Tinaas ni Vince ang kilay nya at binuhat si Moby, pagkatapos ay humakbang palapit sakin.

" Ako'y tigil-tigilan mo ha, Vince Daniel Ibarra! Uuwi na kami,"

Kinarga ko si Moby mula sa kanya, pero hinarangan niya ang daan ko. Parang nagpapatintero na kaming dalawa rito.

"Tara, isaw tayo." Vince hook his arm on my waist and pull me towards his motor.

"Catch!"
Bigla niyang binato ang helmet saakin.

"Ano ba, hawak ko si Moby!" Halos mabitawan ko na si Moby dahil sa pagsalo sa helmet na binato niya, napakaengot.

May kinuha sya sa may bodega niya, isang motor basket, nilagay nya sa harapan ng motor nya. "Dito si Moby," banggit nya habang inaayos ang pagkakalagay.

"'wag na, baka mahulog hahawakan ko nalang." Niyakap ko nang mahigpit si Moby.

Aba, di porke sya nag bigay nito sakin e pwede nya na ipahamak no.

"Hahawakan ko yung tali niya, trust me."

Kinuha niya si Moby at ipinuwesto sa dog basket, medyo maliit pa si Moby para sa dog basket na iyon kaya medyo kumalma ang loob ko.

"Oh bakit ka na naman nakatingin sakin?"

"Wala,"

Inayos ko na yung helmet ko, pero nakatingin pa din sya sakin, kairita!

"Bakit ba, you're bothering me!" Pag mamasungit ko, ayoko na kasing mapag tripan noh!

He leaned his head near mine, pinandidilatan ko na sya nang mata pero nakangisi parin, habang nasa siko pa ang helmet

" Wala lang, ganda mo!" He pinch my cheeks and wink to me.

The heck.

So seryoso pala na mag momotor kame.

" Use your car nalang Vince, please."

Nakasampa na sya ng motor at nag aayos ng suot ng helmet.

"It'll be fine, kumapit ka lang." He lend his hand to me as I ride on his back.

He grab my both wrist and place it on his waist. "Dito ka humawak," kulob na boses nya, dahil sa helmet. "Moby, behave ha." Paalala nya kay Moby at pinalupot ang tali ni Moby sa kamay niya bago tuluyang mag start ang motor.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon