AMBER'S POV
" Can u explain what's that hug for?" Nakacross arms na tanong ni Jill sa harap ko. SI Ally naman, patalon na humiga sa kama habang nakangisi.
"Uhuh-care to explain?" Segunda ni Ally.
HUG? Seriously? Yung kanina ba yung tinutukoy nila, yung sa beach with Vince? I mean, if that so, they already saw us in that position before. What's the issue here?
I sighed heavily, because they are too irritating for me. They don't deserve an answer, so I don't need to explain.
Ala-una na ng tanghali at ilang minuto na lang ay magsisimula na naman kaming mag-shoot. Actually, ako at sina Miss Lico lang. Wala ng shoot ang iba dahil tapos na sila kahapon. Kaya itong dalawang bruha, pagkatapos ako asa-asarin e ayun, siesta.
Natapos akong maligo at magsuot ng komportableng damit, dahil mamaya naman ay sina SIr Tumang na ang magbibihis at mag-papaanyo sa akin, kaya hindi na ko mag-eeffort pa. Ilang sandali pa ay kumatok na sa pinto ang assistant ni Sir Tumang at sinusundo na ako.
"See u later bitch!" Malakas pero halatang antok na paalam ni Jillian habang nakahiga at nakayakap sa unan. Si Ally naman, namamaluktok sa loob ng comforter mukhang himbing na sa pagtulog.
"Ready ka na Miss Flores?" Tanong ni Miss Lico. Nakafitted na navy blue long sleeves ako na bahagyang nagpapakita ng dibdib at naka maluwag na palda. Vintage na vintage ang datingan, napakagaling talaga mag disenyo ni Sir Tumang.
I shyly smile and nodded to Miss Lico for my answer.
Sa kalagitnaan ng shoot ko, natanaw ko si Vince mula sa malayo papalapit sa aming kinaroroonan. Malaki ang ngisi sa labi nya habang nakatingin sakin. Hindi ako makafocus sa shoot dahil sa mokong na 'to.
"What are you doing here?" Agad akong lumapit sa kanya ng sinabi ni Miss Lico na break daw muna. Pinandilatan ko siya ng mata ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay at balikat.
"Bawal? Masama?" He sarcastically said.
Hindi ko na lamang pinansin ang presensya nya sa paligid dahil baka lalo pa akong maistress. Ilang oras na rin ang lumipas, sa palagay ko ay ito na ang huling outfit at location namin ngayon. Mag-aalas singko na. Sunkiss hour.
Nandito kami ngayon sa dalampasigan kung saan kami nag swimming kanina. Nadaanan naman namin sina Josh, Kyle, Tristan, El at Vj na naglalaro ng beach volley ball.
Agad kinantyawan ng mga lalaki si Vj lalo na nang mataaman siya ng bola dahil nakatingin siya sa akin.
"Pare, yung laway mo tumutulo na!" Malakas na asar ni Tristan at nagsimula na naman ang tawanan sa kanila.
Natapos namin ang shoot at mag aalasais na. Hindi na umalis si Vj dito sa location namin para hintayin ko.
"Great job Miss Flores, don't hesitate to call me when you change your mind when it comes to modelling ha?" Banggit na Miss Lico habang nililigpit ang camera nya. Ang iba namang mga tauhan ay nagliligpit na din.
" As of now po, wala po kasi talaga sa isip ko." Magalang kong sagot kay Miss Lico.
Pagkatapos namin mag-usap ay lumapit na si Vj sa kinaroroonan ko. Mukhang pagod na pagod sya dahil sa paglalaro kanina. Agad niya akong hinawakan sa may bewang habang naglalakad tungo sa hotel.
" Napakaganda mo, binibini." Malagkit siyang tumingin saakin saka ngumisi.
Hindi ko alam kung naitatago ko ba o masyado nang halata ang kilig ko. Pero hindi na lamang ako nagreact sa sinabi niya kasi baka lumaki pa ang ulo.
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...