AMBER'S POV
"Com'on Amber, give me a nice shot!" Pagmamaktol ni Kyle, nandito kami ngayon sa labas kung saan sobrang ganda ng ambiance ng paligid. Mag-a alasais palang ng umaga. I personally wake up Kyle by calling him endlessly para samahan akong personal na mag-paalam kila Miss Lico at Sir Tumang.
Hindi ko naman kasi maistirbo si Vince o Vj kasi pareho silang galit sakin, si El naman, mahimbing ang tulog kaya ito nalang si Kyle.
Pero ang kapal ng mukhang magdemand!!
"Ang arte mo ha!" Sagot ko sa kanya. Well, I can't blame him naman. Nanginginig kasi ako dahil sa lamig ng temperatura dito dahil nga maaga pa.
Sumandal muli si Kyle sa makalumang pader at nagpose. Ang kapal ng mukha nyang gawing photographer ang isang Amber Beatrice Flores!!
"Goodmorniiing!" Patakbong lumapit si Ally sa direksyon namin ni Kyle, sa likod ny naman si Joshua naglalakad, may bitbit na dalawang kape sa magkabilang kamay.
"Ang aga nyo naman." Puna ni Ally habang inagaw sakin ang camera ako at tiningnan ang mga litrato ni Kyle.
"Ang gagandaaa."
"Syempre, pogi ang modelo" Payabang na tono ni Kyle habang hinawi pa ang buhok.
"Pictures lang, hindi ikaw." Sagot ni Ally na may kasama pang irap.
"Anong oras ba tayo luluwas?" Tanong ni Joshua matapos sumimsim ng kape.
"After lunch, kaya may time pa tayong mag picture ahaha" Sagot ko naman. Pangatlong araw na rin namin dito sa Las Casas, pero kung ako ang papipiliin, ay dito na ko titira. Kahit na tatlong araw na kami sa lugar na ito ay hindi pa rin nauubos ang pagkamangha ko sa ganda ng lugar. Para akong nanumbalik sa Spanish era dahil sa mga bahay at istraktura na pinreserve para muling itayo at pagsama-samahin sa napakagandang lugar na ito. Napakagaling din ng mga inhinyero at arkitekto na nag istilo ng mga tulay, pader at kalsada dito dahil angkop na angkop sa makalumang tema.
Pero kailangan na naming umuwi, malapit na din kasing mag-Pasko.
Sinusulit naming apat itong lugar sa pagkuha ng litrato at pagsa-sight seeing, pero nawala lahat ng gana ko nang makita ko ang grupo nila Natalia, nangunguha din ng litrato. Kaya naman bago pa ako tuluyang maimbyerna ay inaya ko na sila pabalik ng hotel, dahil baka gising na rin ang mga kasama namin para makapag breakfast na din.
" That Natalia really annoys you huh?" Nakangising tanong ni Josh habang nalakad kami. Hindi ko kasi direktang sinabi sa kanila kung bakit bigla nalang ako nag-aya pabalik.
"More than you know." Asar kong sagot sa tanong niya.
Hindi naman na kasi kailangan pang itanong yung mga ganitong bagay, nakakasira lang ng mood ng buhay.
I really thought that is the worst already!! But we just met ways with Jill and El, and guess what??
"Uy ayan na si Andie, papicture na tayo!!" Maharot na bigkas ni JIll habang humawak pa sa braso ni EL na nakangisi, alam nya kasing yamot ako at lalo pa akong nayamot.
Syempre, wala akong choice, ako lang naman ang may photography skills dito e, kaya naman kinuhanan ko na sila ng mgalitrato kahit na labag sa loob ko.
" ANO YON JOSHUA, KAYO DIN NI ANYA?" Malakas na pang-asar ni Kyle kay Joshua, believe it or not, hindi pa rin nag aaminan itong dalawa.
Umamba naman si Josh kay Kyle dahil sa sobrang kasat, pero nang mapatingin kay Ally e napahinto at napakamot sa ulo.
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...