Untitled Part 66

165 8 4
                                    

VINCE's POV

" Isang order nga ng malamig na beer dyan!"

Nandito na naman ako sa bar nila Tristan. Wow, instant tambayan. Lasinggero na ko, putangina.

" Ser dumadalas ah!" Bati nong bartender, hindi ko nalang pinsansin at lumagok sa beer.

Buti naman at hindi ko pa nakikita ni anino ng Tristan Mark Geronimo na yon dito. Kundi, baka nabasag ko na rin ang mukha non. Mga walang hiya, mga taksil! Hinayaan akong magmukhang tanga tuwing kasama si Amber, tangina talaga hinayaan nila akong umasa sa mga ganun!

Buti nalang at maganda 'tong ambiance ng bar nila Tristan, nakakawala ako sa mundo, kahit papano.

"It's her, right? " Si Samantha, sumulpot sa gilid ko, umiinom ng vodka.

Hindi ko siya pinansin. Bakit ba nasundan nya ako hanggang dito e tapos na naman ang meeting namin?

Kanina, nakita ko pa si Amber don sa Coffee shop. Tss.

" Leave," Hindi ko sya tiningnan sa gilid ko at nagpatuloy nalang sa pag-inom. Parang linta, kagaya ng kapatid nya, psh.

Ilang araw na akong hindi pumapasok sa klase namin, buti nalang at napapakiusapan ko pa ang mga teachers namin pero mukhang hindi na rin magtatagal ang pag-unawa nila sa'kin. Lahat ng rason ay nairason ko na sa kanila, hindi ako namamarkahan ng absent sa class record at nakaka-retake ako ng mga quizzes at activities dahil sa nagtatrabaho naman ako sa SC, hindi lang talaga ako napasok kasi putangina makikita ko silang lahat doon, masaya, habang ako, nagdurusa.

Sa ilang araw kong pagmamasid sa kanya mula sa malayo, kitang-kita ko kung gaano sya kasaya kasama yung Vj na 'yon!

" Hey, nakakarami ka na!" Si Sam. Pang-apat na bote ko na ata.

" Paki mo?"

" She came for you a while ago while with Vj right?" This time, she caught my attention, sumimsim sya sa vodka nya at nagpakawala ng mga banayad na tawa.

" Ano naman?"

" She wants to talk to you, idiot!"

Gusto niya kaya?

AMBER's POV

Another week has passed, nakauwi na si Vj sa bahay nila and days after that, nakabalik na sina  Grannie from business trip. Hindi pa rin pumapasok sa klase si Vince and I haven't seen him yet, besides noong doon sa coffee shop. 

There were times na I want to reach out to him, since sa bahay niya naman pala sya nag-stay, malapit lang samin, pero hindi ko ata kaya.

" You okay?" Si Vj, nasa likuran ko. I'm having lunch with Jill and Ally.

I just nod, hindi naman kasi talaga.

My days were great pero palaging may kulang. I mean, alam ko namang I'm genuinely happy pero may kulang talaga. Hindi ko masabing solid yung saya. Hindi katulad dati.

Vacant time namin, narito lang ako sa room kasama ang iba. Si Vj, nasa SP room. Kaya nakikinig nalang ako ng music, wala rin naman ata sa mood makipagkulitan sina Jill at Ally.

Tapos na ang unang kanta, it's currently shifting to the next one kaya medyo narinig ko ang ingay sa paligid.

" Gabi-gabi nasa bar yung tulok na yon!" Si Tristan.

Nag-uusap sila, and I think it's about Vince kaya pinatay ko muna ang music sa phone ko, naka ear phones ako kaya hindi nila mapapansin na nakikinig ako.

" Sinong kasama?" Josh.

" Madalas mag-isa pero nong nakaraan si Sam."

" Buti hindi ka nakita?" Kyle

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon