Untitled Part 59

198 8 0
                                    

VIZHRAY's POV

Hinding hindi mangangawit 'tong mga pangang 'tong ngumiti dahil sa kasama kong may pagka-diwata sa ganda. She kissed the tip of my nose for heaven's sake!

Alam kong oo na, corny kiligin ang mga lalaki. Pero at this point, wala na kong planong umalis pa dito sa tabi niya, she's obviously making me feel happy. Sabi niya sakin kanina na wala daw siyang alam sa pakikipag-relasyon, dahil I'm her first boyfriend and yes! I'm feeling entitled. Sabi niya pa na hindi daw sya sweet kaya naba-bother sya baka ma-bored ako, pero look what she did? She just make me experience floating in the sky by just kissing the tip of my damn nose!

I'm her first and I will make sure that I will be her last...

No words can explain how I'm feeling happy tonight. I'm indeed, the luckiest man alive being Amber's boyfriend.

" Vj can you please stop smiling like an idiot?!" Pag-mamasungit niya at hinampas pa ko ng unan. Hinampas ko rin siya pabalik, at naporma ang super shocked expression sa mukha niya, napa-nganga siya sa gulat matapos ay tumawa at nanghampas uli.

" You should rest na it's getting late." Chineck ko kasi ang relo ko at mag-aalas onse y media na, sabi niya kanina ay nakakaramdam na siya ng pagod.

" Aba!" Tumayo sya at pumamewang sa harap ko. " Sino ka para utusan ako??" she pointed a finger on me " Baka nakakalimutan mo, boyfriend lang kita!" Sabay malakas na tumawa dahil sa kalokohan niya. ABA?! Kanina pa talaga nang-aasar 'tong maldita na 'to.

Pinaning-kitan ko siya ng mga mata at pinalupot ko ang mga braso ko sa bewang niya at binuhat siya para ibato pahiga sa kama. " I'M JUST KIDDING!" Hirit niya habang tumatawa tawa pa.

I lock her in between my arms. " Baka nakakalimutan mo, girlfriend kita at boyfriend mo ko!" Saka ko siya nginisian dahil nakangiti siyang nakatitig sakin, nagagwapuhan na naman yata.

Halos marinig ko ang tibok ng puso ko dahil napako kami sa ganong puwesto. Walang may gustong bumasag ng katahimikan, gusto ko lang din siya tingnan. 

I place my nose on her, slowly. Gusto ko siyang tingnan nang mas malapit, pero to my surprise, she breath heavily and close her eyes... 

IS SHE THINKING THAT I'M GOING TO KISS HER? 

I try my best to close my mouth, dahil pag tumawa ako, panigurado magagalit 'to. Hindi naman sa ayaw ko siyang halikan, gustong-gusto ko nga. Pero kasi, baka naman isipin niya na minamadali ko siya. Oo na, I almost kiss her sa program kanina, pero dala lang yun ng emosyon.

Ilang segundo pa ang itinagal ng puwesto namin, halos manginig na ang magkabilang braso ko dahil sa pagpipigil tumawa kasi humihinga pa din siya nang malalim habang nakapikit. Gusto ko lang talaga makipagnose to nose pero hindi ko na magawa dahil ano mang oras ay matatawa na talaga ako.

Hinawakan ko nalang ang ilong niya at itinaas ito, parang ilong ng baboy. 

This time, sobrang tumawa na ko at asar na asar siya.

" Get your hands off me! I hate you!" Nong una, nakita ko siyang nagpipigil ng tawa dahil siguro maging siya ay natatawa sa ini-expect niya. Pero dahil siya si Amber, kailangan niya kong sungitan dahil sa pride niya, jusko talaga 'tong malditang to.

" Sorry na.." I say in between laughs. Hindi pa rin ako makaget-over.

" Sorry mo your face!" For the nth time tonight, binato niya ako ng unan.

" Lika na baby.." Binuhat ko uli siya at pinaupo sa lap ko. Nagpupumiglas pa sya dahil nga sa inis sakin. "...Eto na baby, iki-kiss na talaga kita! MMMM" Hinawakan ko ang baba niya upag iharap siya sa mukha ko at saka ngumuso. Kitang-kita ko kung gano kakunot  ang kilay niya, at sabay non ang pagpula ng mga pisngi niya, napakacute!

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon