Ano ng nangyari sa 'I want to spare time with you' niya? Tsaka sa 'I miss you.. I really do. Kaya gusto kong bawiin yung oras.' Na sinabi niya sakin. Nung una, ayos pa eh. Medyo ayos lang sakin na umalis siya kasama yung Sophie na yun. Kinalimutan ko na nga eh. Pero naalala ko nanaman na DAPAT AKO YUN. Tapos ngayon, ganito makikita ko? Nakakabadtrip lang. nakakasira nang araw.
TSk. Umayos ka nga Andie, wag mong sirain ang mood mo dahil lang sa 'dalawang' yun. They don't deserve your mind, so cheer up. Haler! Nasa Baguio ka kaya. Sulitin mo nalang. Parang gusto ko tuloy umalis.. nagbihis nalang ako. Aayain ko sana si Ally, kaso naglalaro ulit sila ni Josh kaya di ko na inistorbo. Mumo-moment pa eh! Aalis nalang ako.
" Hey. Andie, saan ka pupunta?" Nakita pala ako ni Kyle. Palabas na ko ng gate eh. Isa pa tong anak ng tipaklong na mahilig manggulat.
" Ah.. ahm.. anywhere? Gusto ko kasing mag-gala." Totoo naman ah.. gusto ko lang malayo sa dalawang 'yun' at malibang.
" Uy. Gabi na kaya, tapos mag-isa ka pa. wait lang, samahan na kita.. sama ko si Mark?" tanong niya. Tinawagan niya nalang si Mark kasi tinatamad daw siyang umakyat ng bahay. Tamad talaga! Pero hindi daw makakasama si Mark, may ginagawa kasi eh. Kaya heto.. kasama ko si Kyle. Unexpected nga eh, gentlemen din naman pala toh at may pakialam sakin.. BUTI PA SIYA, he cares for me, di tulad ng iba... tsk!
" Ano bang pumasok sa utak mo at aalis ka ng gabi? mag-isa pa!" Aba? Isa pang great lecturer?
" I just want na maglibot sana.." Nagpunta kami dito sa may park sa harap ng SM. Nagswing-swing kami . sayang nga eh, wala nang kabayo. Teka, bakit ako naghahanap ng kabayo? Kaya heto... pumunta kaagad kami sa SM at kumain sa Chowking.
" Grabe.. Antakaw mo pala?" tinawanan pa ko, langya! Ano namang masama sa 2 chicken with 3 rice, chowfan, shanghai at siomai tsaka halo-halo. Nakaka-offend naman toh. Lalo na yung tawa niya. Normal lang naman sakin yun eh. Matakaw na ba yun? Siya lang naman yung pumuna. Tsss.
"Grabe naman toh.. normal lang naman sakin toh ha.." totoo naman, kaya siyempre, pinagtanggol ko yung sarili ko. Tuloy lang ako sa pagkain, tapos na kasi siya eh.. SARAP kaya. Tsaka hindi ri naman ako nag lunch. Nawalan ako ng gana eh.
" hahaaha. I don't know kasi.. yung ibang girls nag-da-diet. Lalo na si Sophie, napakapihikan nun." Bigla kong binitiwang yung spoon and fork ko.
" Sophie nanaman!" Ewan ko ha, punong-puno at sawang-sawa na kasi ako. LAGI NALANG SIYA.
" Sabi na eh.. Selos ka noh?" Umiwas ako ng tingin at sunod-sunod na sumubo. Pagkalunok ko ay nag-aya na ko pauwi. Siguro naman, hindi niya na ulit babanggitin yung pangalan nun noh?
Nandito ulit kami sa park. Hindi ko alam kung naka-ilang selfie na kami buhat kanina. Talaga toh! GGSS. Pero ayos lang, atleast sinamahan niya ko diba? Yung iba nga.. pa-aya-aya pa di naman natutuloy.
" Amber.. ahm.. I think, mauna na kong umuwi." Huh? Ano bang sinasabi nito? Nag-aya siya ng samahan ako, tapos iiwan niya rin ako? PAREHAS LANG SILA.
" Are you bored to leave me alone?" nalungkot talaga ako sa sinabi niya.
" No.. Actually. Nandyan si Ray eh. Sige. Uwi agad ha?" Paalam niya sakin. Napalingon naman ako, nandun nga si Ray. Bigla akong kinabahan? Kaba ba toh?
" Ray.. si Amber ha. Ikaw ng bahala. Iuwi mo yan sa resthouse ha? Dun ka na rin matulog.." tinapik pa ni Kyle si Ray sa likod. PERO SERYOSO? NANDITO SIYA?
" Ray.." hindi ko alam ang sasabihin ko pero alam ko sa sarili ko na natutuwa akong makita siya. This time, may kakampi na ko. May makakausap na ko. ".. Baliw ka talaga." Dugtong ko. Eh kasi naman, pumunta talaga siya dito para lang sakin. Iba talaga toh.
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...