Untitled Story Part 56

248 7 2
                                    


AMBER's POV


"BILISAN MONG BUMANON PUPUNTA NA TAYONG HOTEL!!" Malakas na sigaw ni Vince, nakahiga pa ako sa kama ko at balot na balot pa sa comforter.


January 5, friday. The day before my debut.


THE H3CK?!!


Nagmadali akong bumangon upang mag toothbrush at maghilamos. All pack naman na ako since tinulungan ako ni  Vince kanina, all settled na pero kinakabahan ako kahit sabihing bukas pa iyon. Ilang oras nalang...


Nilipat nga din pala ang venue, supposed to be, dito nalang sa mansyon pero since sabi ni Grannie na mawawalan ng privacy, sa Crimson Hotel na gaganapin ang debut ko. Si El na ang bahalang kumontact kina Miss Lico at Sir Tumang, si Jill na ang nakikipagnegotitate sa kanila. Si Grannie naman ang kumausap sa hotel pati sa cater at designs, sya na din. Kumpleto naman na pati lights and sounds. Pero nakakakaba talaga.


--


Nandito na kami sa hotel room, I'm sharing room with Jill and Ally. Nasa ibang kwarto naman si Grannie. Ibang kwarto din sina Vince at Tita Lyka. Then isang room nalang ang mga boys. Bukas nang tanghali, magsi-set up na safunction hall at magshu-shoot na kami. Nakapag pamper naman na ko with these girls pero nakakakaba talaga.


"Why does it seems like something's bothering you?" Tanong ni Vince, nasa veranda kami ng hotel room namin.

Tumingin ako sa matitingkad na kulay ng city lights at huminga nang malalim. Kaya pala feeling ko may kulang, kasi may kulan naman talaga.


" I miss my parents..." Tumingin ako kay Vince at nakatingin din sya sakin, pero mukhang hindi ko kayang pigilin ang luha ko kaya linihis ko ang aking tingin at dumungaw nalang uli sa ilaw ng Manila. "...They were suppose to be with me tomorrow."


Hinaplos ni Vince ang likod ko, he can't say a word. 


Wala din naman syang dapat sabihin dahil wala ding makakapagpunan sa hinahanap ko. Hindi ko makakasama sila mommy at daddy sa debut ko...kahit anong mangyari.


" Wala man sina Tito at Tita, pogi naman ng escort mo!" Pagmamayabang nyang biro, na ikinatawa ko dahil nagpapacute pa sya sakin, napakagwapo pero kung alam lang ng mga tao kung gaano sya kabaduy, jusko.


" Gwapo nga, corny naman." Biglang nawala ang ngisi nya sa sinabi ko, tuloy lang ako sa paghalakhak dahil sa reaksyon nya.


" Tris, I want to tell you something..." Wala akong ideya sa kung ano ba ang gusto niyang sabihin pero parang kinakabahan ako na naku-curious. Hindi na ko nagsalita pa upang pakinggan nalang ang sasabihin nya. Yung lamig nang hangin dito sa taas, at yung repleksyon ng mga ilaw sa mata nya...tugmang tugma, it's just so beautiful and it fits so perfectly. "...I know I've done so many things to you, and I hurt you so many times."


Lalong bumilis ang tibok nang puso ko dahil nagflashback lahat sa isip ko, simula nong bumalik si Sophie, napakasakit. Pero bakit tumulo pa ang mga luha ko noong naalala ko, noong bumalik sa ala-ala yung araw na akala ko, aamin na sya ng nararamdaman nya sakin, pero nakita ko silang naghahalikan ni Sophie?

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon