Untitled Part 29

290 9 0
                                    


" Goodaftie Tita.." bumeso ako kay Tita Lyca at binigay sa kanya yung box na may laman ng mga souvenirs at foods na nabili ko kanina.

" Thanks Andrea... Ah, si Vince nga pala?"

" Tita he's with S—"

" Hey Auntiiiie!"

Obvious ba kung sinong pumasok kasama ni Vince? Tsk. Hanggang dito kasama siya? Patakbo siyang lumapit kay tita at bumeso siya dito

" Sophie, umuwi ka na pala? Di ka man lang nagsabi.."

At tuloy-tuloy na ang pag-uusap nilang TATLO. Diba? Ansaya ko noh? Tinry ko namang makipag-usap kasi parang ang rude naman kung reklamo ako ng reklamong wala akong maka-usap eh hindi naman ako nagsasalita diba? Pero, hindi lang ako napansin at na-OP nanaman ako.

" Prince, hatid mo na ko sa room ko.. gusto ko dun sa tinulugan ko dati nung nag over-night ako dito ha? Magtatampo ako pag hindi dun." Yumakap siya sa braso ni Vince habang nagpapa-cute. Pero tabi ng kwarto ni Vince, hindi kaya .. yung tinutukoy niya.. yung room ko? The hell.

Napatingin sakin si Vince na parang may sinasabi. ".. Ofcourse, anything for my Princess."

Does it means.. pinapalitan niya na ko? OUCH.

Sa akin yun eh. Vince naman... sakin yun! :'(

Tumakbo ako paakyat sa ROOM KO. At inayos ko agad angmga gamit ko dun. Wala na kong pakialam. Basta alam ko, hindi ko kayang makasama tong 'dalawang' toh. Pagbaba ko, napansin pa pala ako ni Tita Lyca.

" Where Are you going Andie?"

" Ahm. Si Grannie po kasi, nagtext n—"

" You're lying. Saan ka pupunta?" Ang galing na man ni Tita. Nahalata.

" ti..Tita, I wanna go home na kasi."

" Andie, wala kang kasama sa bahay niyo ang besides, samin ka binilin ni Granie mo. Tsaka may dinner pa kayong barkada later??" Dinner?

" ta..talaga po? Maybe I'm not invited kaya uuwi na po ta—"

"HEYO TITA. HEY YOW VINCE!" sabay sabay na bati nung tatlong mokong na nakasalubong ko palabas.

" Hoy. Where are you going?" nagulat naman ako kay Josh.

" Di ka sasama sa dinner?" –Kyle.

" Yoo.. KJ!" hinampas naman ako ni Mark sa balikat. Tapos, kinuha ni Mark yung mga bags ko at tinulak naman ako nina Kyle at Josh paapsok ulit ng bahay nila Vince. Kukulit nila noh? Pero sanay na ko.

Nag-sign alang si Titan a aakyat daw muna siya. Bigla lang umingay tongbahay dahl sa kanila. Sila na talaga.

" Maligo ka naman. Baho mo!" Tiningnan ko ng masama si Josh. Napakahilig niyang asarin ako ng mga ganun. Feeling close. Che!

" Wag mo ngang awayin si Ms. B!" Pag-tanggol naman sakin ni Kyle.

" San nga pala si Vince??" Nagkibit balikat nalang ako sa tanong ni Mark. Hindi ako nag bibitter ha? Hindi ko talaga alam.

" Baka kasama si Sophie." Sagot ko nalang. Bigla namang nagtinginan yung tatlo SAKIN. nakakabwisit lang ano bang meron? Pagkatapos nilang magtinginan, bigla sila nagtawanan at inakbayan nila ako.

" Amber, Okay lang yan. Mas maganda ka naman dun."—Mark. Haler, alam ko naman maganda ako. Tsaka sino bang 'yun' yon. Kaltukan kita dyan Mark eh. Tsaka bakit kailangan pabulong pa??

" Tss.. ganda-ganda kaya ni Abi, ewan ko ba dyan sa Vince na yan."—Josh.

" Wag ka ng magselos dun toh na—" alam ko na kung sino yung tinutukoy nila. Kaya inalis ko ang akbayan naming apat at hininto at bulungan.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon