"Andie.." Biglang nabago yung mukha ni Ray, mula dun sa mukhang sarap na sarap asarin si Vince.. nabago yung porma nung nakita niya kong umiiyak. Sana pinigilan ko pa. ayokong may makakita.. pero huli na, si Ray yung unang taong nakakita ng pagpatak nang mga luha ko.
Tumakbo ako paakyat para iwasan siya. Pero hinabol niya ko. Kaya lalo akong naiyak.
" Ray.. Ma..May mali bas a gi..ginawa ko? Nag..nagsaya lang naman ako ha. Ka..kalandian na ba yun?" niyakap ako ni Ray.
" Sssh. Tama na Andie. Hindi ka malandi Andie.. Mahal kita." Ma..MAHAL niya ko?
" Does it means.." Tama ba yung intindi ko o nag-aassume nanaman ako?
" Yes Andie.. I love you. Ayokong nakikita kang ganyan." Napayakap din ako kay Ray sa sinabi niya. First time in my life na may taong nagpakita ng ganung care. Siya lang yung nagpapagaan ng loob ko ng ganito. Kaya very thankful ako sa kanya. Gumaan na rin yung loob ko sa sinabi niya. Atleast ngayon, alam ko na kahit puro kabadtripan nalang ang hatid sakin ng buhay eh may nagmamahal pa pala sakin. ThanksRay.
Hinatid ako ni Ray sa kama ko.
" Enough na ha. Goodnight Sweetdreams My Andie." Bulong niya habang pahiga ako.
" Goodnight Ray."
NAkatulog na rin ako. Akala ko hindi na. Salamat talaga kay Ray.
****
" Goodmorniiii—" Sigaw ni Jillian kaya nagising ako. Pagmulat ng mata ko, nakayukyok si Ray sa kamang hinihigaan ko, kaya may na-form nanamang kakaibang ngiti sa bibig ni Jillian.
" ALLLY GISIIING!" peste talaga tong megaphone na toh. Tumalon pa talaga sa kama ni Ally. Kaya naman napatakbo ako papuntang bathroom kasi, baka biglang magising si Ray at makita akong ganun. Syempre nakakahiya kaya yun. Diba girls? I freshen –up myself nang mabilisan. Kaya naman, paglabas ko, nakita ko sina Ally at Jill naka-tingin kay Ray habang natutulog . pero buti sana kung tinitingnan lang nila eh! Kaso, pinipicturan pa! mga Gaga talaga.
" Hey girls! What are you doing? Baka magising si R—"
" AAaahh." Sabay sa pagmulat ng mga mata ni Ray ang pagtili nung dalawa. Pareho kasi nilang crush si Ray dati.
" Wooah! Ray, you were so cute!" Sabi ni Anya, habang ginulo-gulo yung buhok ni Ray.
" Ang cute talaga ni Ray kahit bagong gising!" Bati naman ni Jillian habang pinipicturan parin si Ray.
" Girls, enough! Kagigising lang nung tao oh! Di na kyo nahiya, ikaw JIllian, isumbong kaya kita kay El." Sermon ko sa kanila with matching cross arms.
" AAAH! *yawns* It's okay Andiie. Goodmorning Ms. B!" Ano raw? Ms. B?
" MS. B?" Sabay na sigaw nung dalawa na nasa kama.
" Ah.. oo, Habang pinapanood ko kasing matulog kagabi si Amber, nag-iisip ako ng pwedeng itawag sa kanya. Ayaw niya naman ng common, mas ayaw niya naman pag-corny. Ehdi Formal nalang, Ms. B. Ms. Beatrice." WOW! Nag-explain pa siya, Corny parin naman. Hahah. Pero aminin kko, ang cute kasi nag-effort pa siyang mag-isip.
" Sweeet!" –Ally
" Ibang klase ka talaga mag-isip Ray! By the way, pano ka pala napadpad dito?" Oo nga pala no? walang alam yung girls sa nangyari kagabi. Pano, tulog mantika. Pero mas maganda na rin yun.
"Goodmorning Guys!" BIgla namang pumasok si Mark sa room namin.. kasunod niya si Josh.
" Kamusta Ray?" tanong ni Josh kay Ray..
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Novela JuvenilMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...