Untitled Part 64

247 5 3
                                    

AMBER's POV

"Buti nga sayo, pasaway ka kasi!" 

Isang irap ang binigay ko kay Vj habang nakahiga sya sa lap ko. Pinagdadrive kami ni Kyle habang nakasunod sina Joshua at Tristan sa kabilang sasakyan.

Minarapat naming pumunta sa bahay, hindi kasi pwedeng umuwi si Vj sa kanila nang ganito ang itsura kahit na wala doon ang mga magulang niya, panigurado mag-susumbong ang mga katiwala nya. Pag nalaman nila ang nangyari, panigurado lalaki pa lalo ang gulo.

Napapapikit nalang ako habang nakikita ang sugatan at puro pasa ni Vj. Gustuhin ko man, hindi rin sya pwede sa ospital kasi iniiwasan nyang malaman ng mga magulang niya.

" Sure ka ba papayag si Madame G?" Tanong ni Kyle na kasalukuyang nagmamaneho.

Napahinga ako nang malalim, " Sana."

Balak kong sa mansyon muna si Vj hangga't mawala ang mga sugat at pasa nya. His parents and Grannie went to same business trip kaya alam kong less than 2 weeks din bago umuwi ang parents ni Vj.

I called Grannie, pero may hesitation pa rin na baka hindi sya pumayag kasi syempre, si VJ 'to, hindi naman si Vince...

" Grannie I promise he'll sleep on the guest room po and we will not do anything..." Nakita ko sa rear view mirror na nakangisi si Kyle sakin, napakachismoso netong tangang 'to!

(Hija, i-loudspeak mo I want to talk with Mr. Joaquin also.) Hindi ko alam kung ano yung tono ni Grannie, pero binulungan ko si Vj na gusto din syang makausap ni Grannie kaya nagclear throat sya agad.

" Hello po Madame G!"

(Mr. Joaquin, ang galing mong tumiyempo na wala talaga ako sa mansyon ha...) Nagkatinginan kami ni Vj dahil sa tensyon. Wala na kasing ibang choice kundi ayun nalang talaga. (...You promise to take care of my granddaughter and kayong dalawa, you know your limitations, 'wag kayong makagawa-gawa nang kababalaghan diyan, masyado pa kong bata para magkaroon ng great grandchild!)

Kita kong humawak ang isang kamay ni Kyle sa bibig nya upang pigilan ang pagtawa, pero rinig na rinig ko na ang bungisngis nya.

" Yes I promise po Madam G! Ingat po kayo dyan, ako na po bahala sa apo nyo."

" Thankyou Grannie! Take care, I love youuu."

Agad kong binatukan si Kyle pagkababa ng tawag.

"A-aray!" Reklamo ni Vj, nakalimutan kong nakahiga sya sa lap ko.

---

" HALA SER BIDYEY ANU PONG NANGYARI SAINYO?!" 


Sobrang pagkagulat ni Yaya nang makita ang kalagayan ni Vj na buhat-buhat sa balikat nila Josh at Tristan.

" Yaya first aid please and...miryenda na din." Inupo nila si Vj sa may sofa. 

Agad namang bumalik si Yaya dala ang first aid at si Manang naman dala ang miryenda. Pinakiusapan ko sila na huwag nang sabihin kay Grannie ang sitwasyon ni VJ at sumang-ayon naman sila, basta hindi na masusundan pa. 

Sinimulan kong yeluhan ang mga sugat ni Vj, yung tatlo naman, nag e-ML lang.

" Ganda naman ng nurse ko.." Pilit pa syang ngumiti. Hindi ko sya pinansin at inirapan nalang.

Sa totoo lang, nakakainis sya. Yung mga sinabi nya kay Vince kanina, pwede namang sa hindi ganung paraan. Lalo lang tuloy nagalit si Vince...

Yung mga mata niya kanina, ibang iba. Yung boses nya, parang hindi ko na kilala and the saddest thing is I know he is more than just angry, his heart is not just filled with wrath... it is also filled with pain.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon