Chapter 18

391 16 0
                                    


Pag-gising ko nasa isang normal na bahay ako, may mga furnitures.

Hindi ako nakahubad.

Wala akong galos.

Wala akong saksak.

PERO NAKA-GAPOS AKO.

Pagnakawala talaga ako dito, mapepektusan ko ng todong todo tong mukhang perang kidnapper na toh. Walang hiya! Balak pang perahan si Graniie.

" HEEEEELP! I'M KIDNAPPED!"

"HEEEEEEELP!"

Shems. Bigla akong nagulat nung biglang may nakatalikod na lalaking tumayo mula sa pagkakahiga sa papag. Eh kung bigla kaya akong makawala sa pagkakatali at ipakita ang action skills ko (Kahit wala naman) siguro magdurugo yang panget na pagmumukha mo? Amber Beatrice Flores, itinali mo ng ganito? Ang kapal talga ng pagmumukha mo! Bwisit!

" Ingay naman oh!"

Nakarinig ako nang pamilyar na boses kaya agad akong lumingon kung saan iyon nanggaling. I blinked twice.

Natulala at napanganga lang ako sa nakita ko.

" O, ngayong gising na ko tatahimik ka dyan?"

Hindi kita kakausapin manigas ka dyan!

" Uy, Tris naman eh."

"Kumain ka na?" T

Tanga ka ba? Makakakain ba ko sa lagay na toh?

Bahala ka. Galit ako sayo! Leche!

" Dalian mo. Di ka papasok?"

" Baka may pasok," I bit my lowe lip dahil nagsalita ako unexpectedly, at nagkaroon ng malaking ngiti na abot tenga sa mukha niya.

" Good. Nagsalita ka rin."

"LECHE KA VINCE! BAKIT NAKATALI PA KO?!"

" Ay.. ah. Eh kasi po, muntikan ka ng ma-rape o makidnap o mapatay kagabi. Buti nalang dumating ako at nakita kitang natutulog sa pawnshop, niligtas kita. At bilang kapalit... dahil alam ko na walang 'thank you' akong maririnig mula sayo.. tentenenen! Bihag kita ngayon."

Ini-stretch niya patalaga yung mga kamay niya at nag-shake shake pa. timang talaga.

" Dami mong alam."

" Siyempre ako pa!"

" Pakawalan mo na nga ako!"

" Hmmm. Wait pag-iisipan ko." Argh! Vince.

" Sige na nga. Sabi mo eh." Tapos kinalagan niya na ako.

Hindi ko siya kinausap, basta ko nalang kinuha yung bag ko at umalis para mag-taxi pauwi. Oo magta-taxi ako. Haler! Aarte pa ba ko eh una, wala akong phone para itext si Manong Jonas. Pangalawa ayokong maki-gamit ng phone niya. Pangatlo ayaw kong mag-stay sa lugar na yon kasama siya.

----

" Oh, hija.. where's Vince?"

Pambungad sakin ni Grannie habang nakatingin nanaman sa laptop niya. Hindi ba siya nag sasawang magtrabaho? Teka ano raw?

' Oh hija, where's Vince?' tama ba kao ng rinig?

WOW. AS IN W-O-W! imbis na...

' Where have you been?'

' I'm glad you're safe'

' How are you?'

Eh. 'Where's Vince?' pa talaga ang pambungad ni Grannie sakin. Nakakapanlumo lang. Ano bang pinakain ni Vince kay Grannie bakit favorite sya? E ako naman ang legit na apo. : (

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon