Untitled Part 60

215 6 0
                                    

AMBER's POV

" Good morning Grannie, Good morning Yaya!" Bumeso ako kay Grannie na nakaupo sa sa hapag, at nginitian ko si Yaya na nakatayo sa gilid niya.

" Ganda naman ng gising ni Miss Amber, ganda-ganda ng ngiti oh!" Makulit na bati ni Yaya.

" Ikaw ba naman, pinayagan ng lola mag-boyfriend e!" Sabi ni Grannie sa seryosong tono, habang itinatago ang ngisi sa likod ng cup dahil sumisimsim siya ng kape.

Maganda talaga ang gising ko. Akala ko kasi magtatampo na si Vj dahil sa nangyari kahapon nang umaga. Hindi ko naman kasi alam na magpe-prepare si Vince ng breakfast in bed with coffee para sa aming dalawa. Ayun na din yung huling kita namin ni Vj kahapon dahil may family lunch sila, at ganun din naman ako, may date ako with Grannie. Pero kagabi, he videocalled me para kamustahin. 

Pagkakain ko, agad din naman akong nagpaalam kay Grannie upang pumunta na sa academe. Bitbit-bitbit pa ni yaya ang bag ko habang chumichika pa sakin, talaga to! Sinasamantala ang good mood ko para kausapin ako ha.

" Manong Jonas, why are washing the car already?" Medyo iritang banggit ko. Nahinto naman si Manong Jonas sa pagpupunas ng sasakyan, nahinto din si Yaya sa pagsasalita dahil sa pagkairita ko.

Bakit ba naman kasi babasain niya na yung kotse e hindi pa naman niya ako naihahatid? Kung pupunasan niya pa, edi paghihintayin niya pa ako ng ilang minuto pa?! Nakakainis ha, maganda na sana ang umaga ko!

"Ay Miss Amber sorry po!" Naglakad siya palapit habang kinakamot ang batok. " Akala ko po kasi iba yung maghahatid sainyo." Then Manong pointed outside. It's Vj, leaning on black Mini Cooper. Vj smirked while moving his head side wards. Narinig niya yung sigaw ko, malamang!

Agad akong ngumiti. I snap my finger and pointed at Manong Jonas. " You got me there ah, Manong Jonas!" Tumatawa-tawa sila ni Yaya at nag-apir apir pa. Sinunod naman agad ni Yaya ang bag ko at kinuha iyon ni Vj at pinag-buksan niya ako ng pinto.

" You should've texted me, nasigawan ko tuloy si Manong Jonas!" Bungad ko sa kanya.

" Ganyan ka ba mag-good morning?" He leaned near me and put my seatbelt. " You should be kinder next time baby, wag ka masyadong masungit!" I pouted. Nakakaoffend ha, para namang ang maldita ko. Hindi naman talaga ako mag-susungit kung alam ko lang! 

Bago kami tuluyang pumasok , nag-drive thru muna sya. He ordered burger, and iced coffee. Inabot niya sakin.

" I had my breakfast na." 

" I know, sakin yang burger nabitin ako e. Yung coffee sayo, pagtiyagaan mo na yan kasi I can't make coffee like him." Matawa-tawa kong nilabas ang mga order niya mula sa paper bag. Is he freaking serious? Dahil pa rin ba 'to sa kahapon nang umaga??

" Baby saan mo gusto mag-lunch mamaya?" Seryoso na siya sa 'baby' na endearment namin? Final resort na yun? HAHA I like how he constantly calls me that.

" Cafeteria will do." Sabi ko habang sumisipsip ng iced coffee, nakangisi lang ako sa kanya dahil wala siyang emosyon, focus na focus siya sa pag da-drive, titingin man siya sakin, wala pang dalawang segundo. As in sulyap lang!

" Yah I know but this is our fist lunch as couples." Wala pa ding nagbabago sa emosyon niya, pero ako, halos mabuga ko na ang iniinom ko sa magkahalong kilig at tawa. Totoo pala yung sinasabi nila Kyle sakin, ang corny nya! 

"Ikaw na mag-decide please lang." I said in between laughs.

" Okay, just let me know if may bigla kang kinrave ha?" Aww, ang sweet! Hanep.

On our way, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero binuksan ko ang burger at sinubuaan siya habang patuloy na nagmamaneho.

" Nu yan?" Sabi niya  nang itapat ko yung burger sa bibig niya, bahagya niya lang itong tiningnan. Psh. 

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon