"Prince." halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. Hindi niya ba inaasahan na may makakahuli sa kanya? Grabe naman pala ang tiwala niya sa kanyang sarili.
"One rule. You can do anything in our kingdom. If it's legal then good, if it's not, then don't get caught. One rule and you still fucked up." unfortunately for him, ako pa talaga ang nakahuli sa kanya.
"Please give me a second chan-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya, itinarak ko na ang Killiard Sword sa kanya. I didn't bother to check if he's already dead. I will let the higher beings decide his fate.
Inilabas ko ang pakpak ko at dumiretso na sa Deciel Castle. Lucifer is his name. Younger sibling of my father, Hades. My mother is named Persephone. Cliché? True. Still sounds cool though.
"Maligayang pagbabalik pamangks!" bungad sa akin ni tito Lucifer. Tumango naman ako sa kanya. Kaunting taon lang ang tanda niya sa akin kaya naman sanay na ako sa mga bati niyang impormal.
"Anyway, kamusta ang lakad mo?"
"That guy was the leader of those who robbed a shop in the Demon Plaza."
"And?"
"I killed him." killing those who commit crimes is acceptable here in the Demon Realm. The moment you got caught doing something illegal, you're dead. A bit cruel when you compare it to the laws of the other realms but it is the way of the demons.
Why would I give a second chance? Giving one is like giving someone another chance to stab you after they missed the first time.
"So, have you already achieved the Angel Form and Ancient Form?" tanong niya na inilingan ko. Demon Form pa rin ang nagagamit ko hanggang ngayon.
Ang Demon Form. Ito ang form ng Killiard Sword na lagi kong ginagamit, for obvious reason. It has a black blade which is undeniably rare because most swords have the color of an iron for their blade. It has a red aura surrounding it. Kulay black din ang handle nito pero may ruby na nakalagay sa pinakagitna nito. If I'm against a demon, mas lumalakas ito. Pag hindi naman, hindi ito gaano kalakas. It will be like a normal sword.
Sabi sa librong nabasa ko tungkol sa Killiard Sword, the Angel Form, just like a normal sword, has an iron blade. It also has an aura but instead of red, blue ito. Kulay puti ang handle at sapphire naman ang nakalagay sa gitna. Sa Angels at Fallen Angels naman mas malakas ang isang to.
Ancient Form. Ito ang form kung saan pwede kong magamit ang dalawang espada ng sabay. Pinakamalakas na form.
"Oo nga pala, nasa dining hall ang ama't ina mo. Nandoon din ang Royal Family ng Xyroneon Kingdom at Fallen Angels" sabi niya. So that explains why kung bakit pinatapos agad ni Dad sa akin ang lalaking yon. Para masiguro na walang ibang issue. Walang sariling Realm ang mga Fallen Angels. Nasa Human Realm lang sila laging namamalagi dahil bawal na sila sa Angel Realm noon pa man pero kahit ganon natanggap din nila ang isa't isa kahit papano.
Tumango na ako sa kanya at nagbow naman siya ng bahagya sa akin kahit na noon pa ma'y sinasabihan ko niyang huwag dahil tito ko naman siya at ayaw ko rin ng tinuturing ng ganoon. Umalis na ako para makapunta sa dining hall.
"Nasaan na ba ang anak mo, Hades?"
"Masyado naman atang mainit ang ulo mo, Hermes."
Hinahanap ako ni King Hermes?
At oo, siya ang hari ng mga fallen angels. Nabasa ko sa isang libro na nagmula sa mundo ng mga tao na ukol sa Greek Mythology na Zues ang pangalan ng namamahala sa langit, Hades sa ilalim ng lupa, at Poseidon naman sa tubig. Tamang tama naman ito kay King Zues at kay Dad. Hermes naman ang pangalan ng parang messenger ng mga diyos at diyosa ng Greek Myth. Pero tignan mo naman dito, isa siyang hari.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...