Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga pero hindi ako makagalaw. Tiningnan ko naman ang dahilan at nakita ko si Light na nakayakap sa akin.
She's so lovely.
Sinubukan ko uling tumayo pero dahan-dahan lang para 'di siya magising. Light is a heavy sleeper kaya feeling ko kahit na hindi ako maging maingat ay hindi pa rin siya magigising.
Dumiretso na ako sa banyo at nagsimulang maligo.
'Good morning.'
'Good morning, Darko. The others?'
'Asleep.'
May sariling lugar ang lahat ng partners na naka-spirit mode. At sabi ni Darko, magkakasama daw sila sa iisang lugar dahil iisa lang naman daw ang partner nila.
Si Sylph ay bumabalik pa rin sa Higher Realm. Doon siya nakatira eh. Si Efreet naman, hindi ko na palaging nakikita. Si Sylph lang naman daw talaga ang dapat papupuntahin dito. Baka raw kasi maligaw si Sylph then doon ko nalaman na ang pinakabata ay si Sylph though months lang ang pagitan nila ni Efreet.
About sa Royal Battle, like I expected, sila Blue ang nanalo. Yung tungkol naman kay Gold, nanghingi na siya ng tawad sa akin na tinanggap ko naman. It was a very weird situation after all.
Dumiretso ako sa kusina at nagsimulang magluto. Magaling ako magluto, 'di lang halata. Si Mom ang nagturo sa akin. Si Light naman, ako na ang nagturo sa kanya dahil nagpresinta rin naman ako.
"Bango. Bacon!" excited na sabi ni Light habang naka-back hug sa akin. Hinayaan ko nalang. Nakakapagluto pa rin naman ako ng maayos.
Bacon is one of her favorites. Kaso hindi naman pwedeng araw-araw ay bacon kaya minsan lang ako magluto nito.
Hinanda ko na ang pagkain namin at natuwa naman ako dahil maraming kinain si Light.
"Halika na." sabi niya matapos ligpitin ang pinagkainan namin at tuluyang lumabas ng bahay. Ako kasi ang taga-sara.
Nginingitian ni Light ang mga nakakasalubong namin hanggang sa tuluyan kaming makarating sa room. Imagine kung gaano karami ang nginitian niya. Hindi ba siya nangangalay kakangiti?
"Hello, my love." bungad ni Red sa amin. Gandang bungad.
"No one owns me." wika ni Light. Napasimangot naman yung isa.
"Good morning everyone." biglang dating ni Gold na humihikab pa.
"Antok ka pa yata?" bigla namang sulpot ni Blue.
"Baka may ginawa kagabi si Gold kaya ganyan. Sino yan ha? Pakilala mo naman." sabat naman ni Green na alam kong may ibang meaning.
"Lakas ng trip mo ah. Napaka mo." sabi ni Gold sa kanya.
"Ano, napaka ano? Ikaw nga tong kung anu-ano ang iniisip eh." sabi ni Green. Kakaiba talaga.
"Guys wala daw tayong teacher. May meeting daw sila kasama sila King Zues at King Hades. Kasama rin ata ang mga magulang natin I think." sabi ni Yellow na kakarating lang kasama si Orange.
"Hey, you okay?" rinig kong tanong ni White sabay hawak sa kamay kong nakayukom palad. Huminga ako ng malalim tsaka tumango.
"Red. Duel. Arena. Now." sabi ko sabay teleport sa arena at dahil nakahawak sa kamay ko si White, kasama ko siyang na-teleport.
Buti nalang walang mga studyante ngayon. Walang audience. Pumwesto na agad ako sa gitna at hinintay na pumwesto rin si Red. Si Red ang niyaya ko dahil alam kong kating-kati na siya na kalabanin ako.
"Rules. Dahil alam naman nating lahat na shogan si Red, bawal ang paggamit ng power at spells ha? Yun lang." sabi ni Light at umupo na kasama yung ibang Royals.
"Let's make a deal. Kapag nanalo ako, White will be mine." sabi niya na ikinagulat namin.
"Light is not some sort of prize." seryoso kong sabi at bahagyang sinamaan siya ng tingin.
"Black looks mad. Violet, do you think he's mad? I think he's mad." tanong ni Blue na hindi ko binigyang-pansin. Ayos na yung si Violet nalang ang pumansin sa kanya.
"Scared that I'll manage to defeat you?" binato ko siya ng isang dark dagger sa balikat na hindi niya napansin. Salita kasi nang salita.
"Madaya ka!" singhal niya sa akin. What? Sinabi naman na ni Light ang rules kaya pwede na magsimula.
"Me? Scared of you?"
"Summon, Nova Sword!" pag-summon niya sa sword niya at mabilis na sumgod sa akin.
Hangin lang palagi ang tinatamaan niya. Naiinis naman siya kasi parang ang dali ko lang naiiwasan ang mga tira niya. Hindi dapat siya nagpapadala sa kanyang emosyon kapag nakikipaglaban.
Pagkawasiwas niya ng espada niya mula sa taas pababa sa ulo ko ay hindi ako umiwas. Sa halip, sinalo ko ito gamit ang dalawa kong daliri lang. Sa sobrang dami kong pinagdaanan sa Higher Realm, ang isang sandata na isang mahinang nilalang ang may hawak ay malabong umubra sa akin.
"What's happening?" kinakabahan niyang tanong nang makita niyang mula sa hawak kong parte ay nagiging itim ang espada na hawak niya kaya mabilis niya itong binitawan.
"Corruption. Isa sa mga abilities ng isang demon. He is corrupting your sword." seryosong sabi ni Light.
Sinalo niya ito pero pagkasalo niya ay bigla itong nabasag at nagawa pa siyang asarin ni Gold, "You need a new weapon now, the guy that Black fears."
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...