"Siguradong magtataka yung mga 'yon. Hindi tayo pumasok." sabi ni Light habang nakahiga sa damuhan ng garden katabi si Zero na yakap naman ang aso namin na si Hiro. Ako naman ay nakaupo lang. Iniisip ko ang tungkol sa kapangyarihan ni Zero. It's the first time that I have encountered a shadow user. Walang kahit anong information about dito. Or maybe there is pero hindi ko lang alam kung saan mahahanap.
"Who's 'mga iyon' po Mom?" Zero asked.
"The other royals, Zero. You'll meet them soon. Shadow, why don't we enroll Zero to the academy? Para na rin mabantayan natin siya kahit pumapasok tayo." suhestiyon ni Light na aking ikinatango. Yun naman talaga ang plano ko.
In order to know what a shadow user is, mukhang kailangan pang sila Chaos na mismo ang tanungin.
"Hey, lalim ng iniisip mo." sabi sa akin ni Light kaya naman si Zero ay napatingin sa akin.
"It's nothing. Don't mind me." sabi ko tsaka ngumiti. Napangiti naman din silang dalawa tsaka tumango.
--
Nag-enjoy kaming tatlong magkakasama. Buong araw ay namasyal lamang kami. Walang ibang ginawa. Ngayon na nasa bahay na kami, kasalukuyan akong nagluluto habang sila Zero at Light ay nakikipaglaro kay Hiro.
"Luto na ba? Nagugutom na raw si Zero." biglang sulpot at tanong ni Light.
"Malapit na 'to." sagot ko. Tumango naman siya.
"Labas na muna ako. Kuhanin ko na si Zero."
Pagtapos ng limang minuto ay naluto na rin ang pagkain. Pinaghanda ko na silang dalawa. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin sila Light.
Masaya naman kaming kumain. Paminsan-minsan ay nagkwe-kwentuhan din hanggang sa matapos kami. Nilagay na ni Light ang mga pinagkainan namin sa lababo at hindi muna iyon hinugasan. Siguro bukas nalang. Malalim na rin ang gabi.
"Akyat na tayo sa kwarto Zero, Shad." yaya sa amin ni Light. Sabay-sabay kaming umakyat sa kwarto at nahiga sa kama.
Nasa gitna namin si Zero. Nasa kaliwang bahagi ako habang nasa kanan naman si Light.
"Good night to the both of you." sabi ni Light at binigyan pa kami ng tig-isang halik. Ang pinagkaiba lang, kay Zero ay sa noo habang ang sa akin ay sa labi.
"Good night."
"Good night Mom, Dad."
--
"Hey stop! Ang gulo niyong dalawa."
"Eh si Violet kasi eh. Wala naman akong ginagawa."
"Wala raw. Eh bat nakita kita kahapon na may nakayakap sa'yong babae!?"
"Shh, be quiet."
"Oo nga. Tama si Indigo. Baka magising."
"Yun naman talaga ang dahilan kung bakit tayo pumunta dito sakanila. Ang gisingin sila."
"Psh, fine."
Ang ingay ha. Napabangon ako dahil sa mga nakakairitang boses ng mga Royals. Si Red lang ang wala dito.
"What are you guys doing here?"
"Eh baka kasi hindi nanaman kayo pumasok so pumunta na kami dito para makasigurado." sagot ni Orange.
Hmm, nakakapagtaka. Hindi ata sila nagulat na may kasama kaming bata- oh wait. Kaya pala. Natatakpan ng kumot si Zero kaya hindi nila makita.
Dahan-dahan na ring bumangon si Light dahilan para bahagyang magalaw ang kumot na tumatakip kay Zero. Napasinghap naman silang lahat.
"Ano yan!?" sabay-sabay nilang sabi. Masakit sa tainga. Nagising tuloy yung bata.
"Kailan pa nabuntis si Light?" tanong ni Violet. What?
"Kailan pa siya nanganak?" tanong ni Blue. The heck is he talking about?
"Ano pangalan?" tanong ni Yellow. Sasagutin ko sana ang tanong niya pero nagsalita si Orange.
"Wala akong maalala na buntis si Light. Hindi nga lumaki tiyan niya eh." sabi ni Orange.
"No comment nalang ako. Bahala na kayo diyan." sabi naman ni Gold. Buti pa siya. Tsaka si Indigo rin pala. Hindi na nagsalita at mukhang nagulat lang.
"Papaano mo siya binuntis, Black?" tanong ni Green na naging dahilan ng biglang pag-ubo naming lahat.
"May bata!" halos sabay-sabay nilang sabi. Napa-peace sign naman si Green. Kahit kailan talaga ang isang ito.
"Guys, calm down. Hindi ako nabuntis or nanganak, okay? Ampon namin si Zero. Para namang ewan yang mga tanong niyo." natatawang sagot ni Light sa mga katanungan nila.
"What's happening?" tanong ni Zero habang nagkukusot ng mata at bumabangon.
"Ay ang cute." sabi ni Yellow sabay lapit kay Zero at pinisil pisil ang pisngi nito. Yellow is fond of kids.
"Ay oo nga. Imposibleng anak nila yan. Cute yung anak. Tas yung nanay, hindi?" pang-aasar ni Orange kay Light.
"Hoy kagigising ko lang ha. Huwag mo akong inaano." babala sakanya ni Light.
"Sabi ko nga tatahimik na."
"Eto ba yung dahilan kaya hindi kayo pumasok?" tanong ni Blue. Tumango ako habang um-oo si Light.
"So, i-eenroll niyo siya sa academy?" tanong ni Violet.
"Yeah."
"Eh ano pang ginagawa niyo diyan? Maligo at magbihis na kayo!"
--
Hindi kami nahirapan sa pag-enroll kay Zero at maaari na rin siyang magsimula ngayong araw. Magkahiwalay ang building ang mga five to fifteen years old at sixteen and above kaya napahiwalay siya sa amin.
Pinaalalahanan na muna siya ni Light bago ito umalis. Si Yellow naman ay pinisil pa uli ang pisngi nito bago siya umalis. Nagwave sa amin si Zero habang papunta na siya sa building niya.
"Sana maging okay ang first day niya." sabi ni Light. Palihim akong sumang-ayon sa kanyang sinabi.
--
Third Person
Kasalukuyan na naglalakad si Zero at hinahanap ang magiging silid niya. Sinabi ni Black sa kanya na alam na daw ng teacher na may bago siyang estudyante. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya na rin ang room 307.
Kumatok siya ng tatlong beses hanggang sa may nagbukas ng pinto. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa bata ang mukhang nasa twenty years old pataas na babae.
"Oh, class. Nandito na pala ang bago niyong kaklase." saad ng guro bago papasukin si Zero.
"Maaari ka bang magpakilala, Mr. Deciel?"
'Deciel daw?'
'Kaano-ano niya kaya si Prince Black?'
'Ewan but I want him to become my friend.'
'He looks strong.'
'And cute.'
'And a little bit scary.'
"Zero Deciel. Eight years old. Shadow user."
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...