"Tara na. Gutom na gutom na ako." aya ni Yellow.
"May ideya ako. Bakit hindi nalang tayo sa bahay nila Black kumain?" suhestiyon ni Green.
"Oo nga. Puro yung nasa cafeteria nalang lagi yung kinakain ko eh." reklamo ni Blue.
"Ayos lang sa akin, sayo ba?" tanong ni Light sa akin kaya tumango ako at nagteleport na pabalik sa bahay.
Pagdating ko sa living room, nakita ko doon si Wailey. Matagal ko rin siyang hindi nakita.
"Hi." simpleng bati niya na sinuklian ko ng tango, "Marunong ka magluto?"
"Yeah. Bakit? Paglulutuin mo ko?"
"Yes. Labing-isa tayo." tutulungan ko nalang siya kung kailangan.
"Bumisita lang ako naging taga-luto na." naiiling na sabi niya sabay punta sa kusina.
"I can sense someone. May kaibigan kayong Fallen?" tanong ni Blue na kakarating lang. Lumingon sa akin si Light na parang nagtatanong and I nodded.
Hindi ko na sila binigyang pansin pa at pumunta na sa kusina. Nagluluto na agad siya? Ang bilis niyang kumilos.
"Wailey? What are you doing here?" tanong ni Light sa kanya.
"Just visiting and checking on Prince Black." tumingin sa akin ang ibang Royals at pinasadahan ako ng tingin. Anong problema ng mga to?
"What? Don't tell me may gusto ka rin kay Shad?" tanong ni Light. Sa tono ni Light ay parang nagbibiro lang siya pero seryosong sumagot si Wailey.
"Yeah? That's not the reason kung bakit ako nandito though. I can sense something on him at alam ko na alam mo kung ano ang tinutukoy ko Prince." I don't believe her. Hula ko, nagbibiro lang din siya.
Nasabi niya sa akin na Aura and Power Detector siya. At kahit naka-block, kaya niyang ma-sense. Sinabihan niya akong huwag ipagsabi sa iba and I obliged. Mukhang naramdaman niya na nadagdagan ang power na mayroon ako. I know to myself that I can trust her.
"Gosh, Black! Hindi pa nga kayo ni White may kabit ka na? Hustisya naman! Mahal ka ni White at alam kong mahal mo rin siya kaya paano mo siya nagawang saktan ng ganito—"
"Wailey is just a friend and stop over reacting, Yellow." sabi ko. Ang dami niyang sinabi ha?
"Ay ganon ba? Sorry Wailey, si Orange kasi eh."
"Bakit nadamay ako? Nanahimik ako dito."
"Ayos lang, Princess Yellow. Luto na ang pagkain." sabi ni Wailey habang nakangiti. Siya na rin ang naghanda ng pagkain. Ang bilis. May ginawa ba siyang kung ano?
"Hey, are you serious kanina nung sinabi mong gusto mo si Black?" tanong ni Violet. Naka-upo na kaming lahat at hinihintay ang sagot ni Wailey.
"Nope. Ito palang ang ikalawang beses na nakita ko siya so malabo. Tinitingnan ko lang ang magiging expression ni Princess White." sagot niya at humagikgik. I knew it. Nakita ko namang napanguso si Light.
'I can kiss you infront of them.' sabi ko through telepathy habang nasa pagkain pa rin ang atensyon. Tinaasan siya ako ng kilay, 'Sige nga.'
Akmang tatayo na ako para lumapit sa pwesto niya nang magsalita siyang muli, 'Joke lang. Ang patola mo talaga.'
Nakita ko naman na tinigil niya na ang pagnguso at namula. Cute.
"Bakit bigla kang namula? May sakit ka ba?" tanong ni Red. Hindi siya pinansin ni Light at nagpatuloy nalang sa pagkain. Tahimik lang ako na kumakain habang yung iba ay nakikipagkwentuhan kay Wailey.
"Anong masasabi mo kay Scarlet?" biglang tanong ni Orange.
"Medyo masungit at mataray pero minsan mabait naman siya." sagot niya. Mabait? Hindi nga? What a shocking information.
"Totoo ba yung rumor na may gusto si Scarlet kay Black?" tanong ni Violet. Saan galing yung rumor na yon? Bakit parang wala naman akong naririnig?
"Ah, hindi ako sigurado. Hindi naman kasi kami madalas magkita ng prinsesa."
Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at nilagay ang pinagkainan ko sa lababo. Tapos na rin pala si Wailey.
"Garden." sabi ko at nagteleport na sa may garden. Ilang segundo lang ang dumaan bago siya lumitaw sa harap ko.
"All elements. How could that happen?" tanong niya.
"Training." sagot ko. Training naman talaga ang sagot.
"Really? You were unconscious for a month tapos sinasabi mong nakapagtrain ka pa?" tanong niya. Tumango nalang ako. Totoo naman kasi.
"Ugh! Wala akong makukuhang matinong sagot sayo." sabi niya na parang naiirita na.
"Buti alam mo."
"Pakisabi nalang sa kanila na umalis na ako. Babalitaan kita pag may ginawa na silang hakbang and oh, may dalawang traydor sa Royals pero hindi ko pa kilala kung sino. Usap-usapan na isang babae at lalaki raw. Hindi ko pa sila nakikita sa personal kaya hindi ako sigurado. Kapag nalaman ko na, sasabihin ko kaagad." sabi niya sabay laho. Mga tsismoso rin pala ang mga Fallen? Nakakuha tuloy si Wailey ng information.
"Traydor?" dinig kong sabi ni Light mula sa likod ko. Napabuntong-hininga ako. Kanina ko pa siya nararamdaman pero hindi ko siya sinita. Malalaman at malalaman din naman niya. Pero sigurado akong hindi niya narinig ang sinabi ni Wailey na nararamdaman niya sa akin ang lahat ng elemento. Yun ay isang impormasyon na hindi pa akong handa na sabihin sa kanya.
"Yeah." sabi ko na hindi siya nililingon. Nagteleport na ako sa kwarto namin at nahiga. Sana hindi nalang nagkaroon ng traydor sa grupo namin. At kung mayroon man, sana hindi siya isa sa mga iyon.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...