Chapter 30

492 33 1
                                    

Nagdulot ng malakas na pagsabog at makapal na usok ang ginawa kong atake.

I'm alive. Yey.

"Shadow! Shadow! Ayos ka lang ba!?" rinig kong sigaw ni Light pero hindi muna ako sumagot.

"I can't feel his presence anymore. Mukhang natalo mo siya." sabi ni Xargo.

"How about Wailey? Ayos lang ba siya?"

Nakikita ko si Wailey kahit mausok. Konting galos lang ang natamo niya. Teka, ganoon ba kahina yung atake ko para galos lang ang matamo ng katawan niya?

"Hindi naman siya ang kumokontrol sa katawan niya kanina kaya ang nasaktan ay si Metalo. Pero sa kanyang paggising, makakadama siya ng kaunting pagkasakit ng katawan." paliwanag ni Thalia. My metal dragon.

Kung ganoon, parang si Metalo ang nagtamo ng mga pinsala. I wonder kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Air controllers and users! Remove the smoke!" rinig kong sigaw ni tito Zues.

Maya-maya ay tuluyang nawala ang usok at nakita na rin kami ng mga iba pang nilalang na nandito. Lumitaw sa aking harapan si Light at niyakap ako.

"Bakit hindi ka sumasagot? Tinakot mo ako." sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap.

"I'm perfectly fine, wife." sabi ko at bahagya siyang natigilan.

--

White

"I'm perfectly fine, wife." sabi niya at bahagya akong natigilian doon.

'I'm perfectly fine, wife.'

'I'm perfectly fine, wife.'

'I'm perfectly fine, wife.'

'Wife.'

'Wife.'

'Wife.'

--

Black

"Natulala ka riyan?" tanong ko sa kanya at bumitaw sa yakap tsaka siya tiningnan. Umiling naman siya.

"Wala pa ngang kasal, wife agad? Baka sa susunod tana- aray naman Violet!" yan. Ingay kasi ni Blue. Nahahawa na talaga kay Green.

"Son! Are you okay?" tanong ni Dad pagkalapit niya sa amin.

"Yeah. Better check on Wailey's condition."

"Ano bang sinasabi niya, Shadow?" takang tanong ni Light. Pabawas ng pabawas na rin ang mga studyante na nandito. Marahil umalis na sila dahil sa takot na may iba pang mangyari.

"I don't know either." sagot ko sa kanyang tanong. Nakita kong may ilang bumuhat kay Wailey at sa isang iglap lang ay naglaho na sila.

"Kahit ganito ang nangyari, tuloy pa rin ang grand competition. Maghanda kayo, okay? Maaari na kayong umuwi. At Black, magpaiwan ka saglit. May pag-uusapan tayo." sabi ni Dad. Bago magteleport pauwi ay binigyan na muna ako ni Light ng halik sa pisngi.

Ano kayang pag-uusapan namin? Yung nangyari ba kanina?

"Son." lumingon ako kay Dad pagkabanggit niya non. Sobrang seryoso niya.

Ano ba kasing-

"Kamusta yung request ko na apo?"

Ah. I got nervous for nothing.

"Ay ano ba yang hinihiling mong request Hades! Hindi pa nga sila kasal!" sabi ni tita Irene. Green's mom. Nagpatuloy lang sila sa pagsasalita at mukhang hindi na ako kailangan dito kaya umalis na ako doon at dumiretso na sa bahay.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon