Epilogue

1K 29 5
                                    

Mabilis lumipas ang panahon at taon na ang lumipas. Hindi pa natatapos ang pagbuo sa mga panibagong kaharian pero ang lahat ay nagtipon-tipon muna sa Central Plaza. Kasama rito ang mga mamamayan ng bayang Aleyva at ang mga fallen.

May mga fallen na hindi tanggap ang nangyari kung kaya naman ay walang nagawa ang mga hari at reyna kung hindi ang hayaan silang makulong. Isa sa mga nakakulong ay si Scarlet. Ang anak ng yumaong sila Hermes at Alexa.

Ngayong araw gaganapin ang unang anibersaryo ng pagtatapos ng digmaan. Lahat ay masayang nakikihalubilo sa mga aktibidad ngayong tanghali. Habang ang iba naman ay hindi mapigilang pag-usapan ang gaganapin na sayawan sa Xyriel Academy. Ang iba ay naghahanap na ng maisusuot, may iba na naghahanap ng magiging kapareha, at mayroon din namang iba na nakatambay lang kasama ang mga kaibigan. Katulad na lamang ng mga Royals.

Sila ngayon ay nasa bahay nila White. Makikita ang saya sa mata ni Violet kahit iniirapan niya ang mga banat ni Blue. Si Indigo naman ay nanonood lamang ng telebisyon habang si Yellow ay nakasandal sa kanyang balikat at nakapikit. Si Green ay nasa kusina at pinapanood ang kanyang kasintahan na si Kent na kasalukuyang nagluluto. Nasa garden naman si Wailey habang pinapanood ang tatlong bata na sila Hailey, Zero at Akki. Si Gold ay nagmumukhang wala sa sarili dahil siya ay nananahimik lang sa gilid. Inintindi na lamang ng Royals ang kanyang kondisyon sapagkat alam naman nilang masakit talaga kapag nakipaghiwalay ka sa taong mahal mo. Naulit kasing muli ang nangyari noong nakaraan na taon na nakita niya si Xian na may kahalikan na babae. Binigyan niya ng chance si Xian pero umulit muli ang lalaki kaya hindi na nakayanan pa ni Gold.

"Sayang at wala kayo rito." nakangiting sabi ni White habang nakatingin sa tatlong litrato na nakapatong sa isang maliit na mesa.

"White? Tara na, kailangan na nating maghanda." walang sigla na sabi ni Gold pagkapasok sa kwarto na kinalalagyan ni White.

Napagdesisyunan ng lahat na sila-sila na lamang ang mag-aayos sa kanilang mga sarili. Sila na rin mismo ang pumili ng damit na kanilang susuotin.

Sunud-sunod na pumasok ang mga babaeng Royals. Habang ang mga lalaki ay nasa pinagawa ni White na guest room na katabi lang ng kwarto nila White. Nagawa na rin niyang magpagawa ng sariling kwarto ni Zero pero kahit ganoon ay tabi pa rin sila ni Zero sa pagtulog.

Makalipas ang dalawang oras ay nakarinig sila ng parang sigawan sa baba. Ang isa sa sumisigaw ay mukhang kaboses ni Blue habang ang isa naman ay ang lalaking ayaw ng makita pa ni Gold. Si Xian.

"Huwag niyo siyang itago. Alam kong nandito siya. Ilabas niyo siya! Gold! Mag-usap tayo!"

"Makulit ka ba? Sinabi ko na ngang ayaw niyang makausap ka! Umalis ka rito!"

Nagmamadaling bumaba ang mga babae lalo na si Gold. Agad siyang nagsalita pagkakita kay Xian na ngayon ay pinipigilan ni Blue na makalapit sa kanila.

"Ang lakas ng loob mong mag-eskandalo dito sa bahay ni White. Umalis ka na dito. Huwag mong hintayin na magpatawag ako ng Royal Guards." malamig na sabi ni Gold. Nag-aalalang tinapunan siya ng tingin ng iba. Alam nilang kahit iyon ang mga sinasabi nito ay nasasaktan pa rin siya.

"I won't leave hangga't hindi tayo nag-uusap. Let go of me!" sabi nito habang nagpipiglas pa rin sa hawak ni Blue.

"Hindi pa ba pag-uusap ang ginagawa nating ito? Umalis ka na bago ako maubusan ng pasensya." malamig pa rin nitong sabi. Umamo ang mukha ni Xian.

"Hindi mo na ba ako mahal?" agad bumalik ang emosyon sa mata ni Gold pero agad niya itong pinawala.

'Huwag kang maniwala. Don't make the same mistake thrice.' wika nito sa sarili. Dalawang beses na siyang naloloko ng lalaki. Masyado naman ata siyang nagpapakatanga kung muli niyang bibigyan ng chance si Xian.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon