Chapter 20

605 50 1
                                    

"Ate, kuya, bakit kayo aalis? Makulit po ba ako?" umiiyak na tanong ni Hailey. Hapon na at kanina tulog pa siya kaya sinamantala na naming umalis pero nakaramdam siguro. Nagising kasi siya at nakahabol sa amin.

"Hindi naman." sambit ni Wailey. It hurts me for seeing her sister in such state. Ngayong araw kasi ay babalik na kami sa Central Realm.

"Then why po?"

"Hailey, kuya Black will train me so that-" nagsalita si Hailey.

"You can train here!"

"Hailey, anak, tumahan ka na." pagpapatahan ni tito Warren sa kanya.

"No! I hate you! I hate all of you!" sigaw sa amin ni Hailey sabay takbo papalabas.

Agad namin siyang sinundan pero lahat kami ay nagulat dahil hindi niya napansin ang isang malaking truck na masasagasaan siya.

"Hailey!!!" sabay sabay na sigaw namin. Lumingon naman siya sa amin pero malapit na sa kanya ang truck. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at tinulak siya.

Bago ako mawalan ng malay, nakita ko pa ang gulat at paluhang itsura nilang lahat.

--

Third Person

Ilang oras na ang nakakaraan nang mabundol si Black ng isang truck. Mabagal ang naging recovery niya dahil sa Human Realm siya naaksidente. May benda ngayon ang kaliwang paa niya pati na rin ang noo niya. Nasa isa siyang ospital sa central realm ngayon. Nasa kwartong yon ang mga Royals maliban kay Red na hindi dumalaw.

"Hindi pa ba siya gising?" tanong ni Yellow na halata naman ang sagot.

"Tanga lang Yels? Mukha ba siyang gising?" pangbabara sa kanya ni Orange.

"Maka-tanga ah!" singhal sa kanya ni Yellow at akmang aatakihin siya nang magsalita si White. Biruan lang naman ang gagawin nilang pag-atake sa isa't isa ngunit pinigil agad sila nito.

"Tama na yan. Nagpapahinga si Shadow oh." pang-aawat ni White habang nakatitig lang kay Black.

"Inlove ka nanaman." pang aasar nila Yellow.

"May idea ba kayo kung bakit siya nagkaganon last week?" pang-iiba ni White ng topic.

"Baka si Sylph meron o kaya si Wailey. Kela Wailey raw siya tumuloy diba? Sinama pa nga niya ang pamilya ni Wailey sa outing niya." sagot ni Gold na mabait naman talaga at wala lang sa sarili noong araw na nagalit niya si Black.

"Duga nga eh! Hindi tayo sinama!" nakangusong na sabi ni Yellow. Pagkaraan ng ilang segundo ay may kumatok sa pinto ng kwartong kanilang tinutuluyan.

"Pasok po." magalang na sabi ni White.

"Kamusta na siya?" tanong ni Warren. Ang ama ni Wailey.

"Hindi pa rin po siya nagigising" sagot ni Orange.

Hanggang ngayon, umiiyak pa rin si Hailey. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari kay Black. Bakas pa rin sa mga mukha nila ang pag iyak. Ang mukha naman ni Wailey ay hindi mapakali sa natuklasan na kakayahan.

--

Wailey

Nakita namin si Black na tumakbo papunta kay Hailey at itinulak ito papunta sa kabilang kalsada. Hindi ko alam kung bakit hindi nalang niya piniling magteleport.

Hit and run ang nangyari. Hindi manlang huminto ang truck na muntik nang makasaga kay Hailey at nakasagasa kay Black.

Hindi namin napigilan ang mga luha namin nang nakita namin ang kanyang itsura.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon