Chapter 13

719 56 1
                                    

Matapos ang duel ay lumabas muna ako hanggang sa makarating ako sa park. Ilang minuto lang ang lalakarin papunta sa bahay mula sa park na ito. Uwi nalang siguro ako. Wala naman na sigurong klase.


"HELP!" dinig ko mula sa malapit na gubat. Nakita kong nagkatinginan din ang mga nasa paligid pero isinawalang-bahala lamang nila ang sigaw.

Nagmadali akong tumakbo patungo sa direksyon kung saan ko narinig ang sigaw.

Nakita ko si Res, ang kapatid ni Red, na nakahiga sa damuhan at may nakadagan na lalaki sa kanyang walang pang-itaas at pilit siyang hinahalikan.

"That's enough." sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig niya. Napatigil naman ang lalaki sa ginagawa niya kay Res at hinarap ako.

Imbes na matakot ay ngumiti sa akin ang lalaki. Nakita kong may binulong siya at naramdaman ko nalang na hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"A paralysis spell, huh? Nice try."

--

Nandito ako ngayon sa ospital kasama ang ibang Royals at ang magulang ni Res. Gising na si Res pero tulala pa rin siya.

About the bastard, nasa Bhroplan Kingdom siya. Probably getting tortured.

"Maraming salamat Black. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Res." bigla akong niyakap ni Queen Resana.

"We are truly grateful, 'nak." sabi ni King Derson.

"Sorry po. Kung napaaga lang sana ako, hindi magagawa ng lalaking iyon ang mahawakan si Res." paghingi ko ng tawad sabay yuko. Hinawakan naman ni King Derson ang balikat ko matapos niyang ayusin ang pagtayo ko.

"Huwag kang humingi ng tawad. Mabuti nga at dumating ka. Hindi katulad ng kapatid niya na wala manlang ginawa. Where were you, Red? Hindi ba't may bilin kami sayo na kapag wala kang klase, dapat mong samahan si Res?" sabi niya sa akin tas sa huling salita naman niya ay tiningnan niya ng masama si Red na nakayuko.

"Niyaya ako ni Black na makipagduel sa kanya at sinira niya ang sandata ko." sumbungero.

"Totoo po yun pero may mga salita pong binitawan si Red na hindi maganda. Ginawa niya po akong premyo at kung anu-ano po ang pinagsasasabi niya kay Black dahilan para magalit siya ng sobra." pagtatanggol ni Light sa side ko.

"You treated the White as a prize? Alam mo ba kung ano ang pwedeng gawin sa iyo ni Zues kapag nalaman niya ito!?" sigaw ni tito Derson kay Red.

Habang pinapagalitan niya ang anak niya. Pumunta ako kay Res. Hinawakan ko ang kanyang kamay at palihim na ginamit ang Light Power para mapakalma ang kanyang isip.

Narinig ko ang bahagyang pag-ubo ni Light.

"Ehem. Selos." pang-aasar nila Yellow na sinamahan din nila ng pag-ubo.

"Res tama na yan... Baka magalit sayo si White." saway ni tito Derson na nakatingin kay White.

"Tito naman eh."

"Sorry. Don't worry, White. Hindi ko siya aagawin sayo. But I do have a crush on him though." sabi ni Res kay Light na namumula na.

"Hindi halata." sabay-sabay na sabi nila Blue.

"Una yung babaeng kakaiba ang buhok... may aamin pa ba na may gusto kay Shadow?" tanong ni Light. Sylph? Bakit siya nadamay?

"Ako... gusto ko rin siya..." sabi ni Blue.

"Don't come near me." sabi ko sa kanya nang akma siyang lalapit.

"Chill. Joke lang naman. Baka umiyak pa si Violet." sabi niya.

"Kapal ng mukha." napapairap na sabi ni Yellow.

"Iiyak ba kamo?" natatawang sabi ni Gold.

"Edi wow." bored na sabi ni Green.

"Oo nalang." sabi ni Orange na halatang bored sa usapan.

"Paa ka lang- wait, kuko ka nga lang ata ni Black." pang-aasar ni Violet na dinamay pa ang kuko ko. Ang nananahimik kong kuko.

"Grabe ka talaga sa akin Violet ah. Nakakahurt ka ng feelings. Hindi ba pwedeng suportahan niyo nalang ako?" sabi ni Blue na humawak pasa dibdib niya na para bang nasasaktan ngunit inirapan lang siya ni Violet.

"I'm sorry." hindi ko kasi napansin agad ang nararamdaman niya.

Ngumiti siya sa akin, "Hindi mo kailangan magsorry. Hindi mo naman choice na magkacrush ako sayo. Tsaka crush lang naman. Hindi ko naman sinabi na gusto kitang pakasalan." natatawa niyang sabi.

'I want to play with Li.' biglang sabi ni Darko sa aking isip. Play raw. Maghaharutan lang tong dalawa na ito, pustahan.

'Light, let's go home.'

White

Humanga ako sa kung paano tumugon si Res sa sinabi ni Shadow.

'Light, let's go home.'

Medyo nagulat ako nang marinig ko si Shad. Tumingin ako sa pwesto niya pero wala na pala siya.

"Saan na yon?" tanong ni Blue.

"Excuse me lang po tito, tita. Uuwi na po ako." paalam ko bago magteleport sa bahay. Naabutan ko naman si Shad sa garden.

"Bakit bigla kang nag-aya?" tanong ko sa kanya. Magco-confess ba to?

"Darko wants to play with Li." 'kay.

"Can you stop pouting? Nagmumukha kang bibe." sabi niya sabay iwas tingin. Bibe pala ha? Hindi ako tumigil para lang asarin siya. Naramdaman ko naman bigla ang labi niya sa gilid ng aking labi.

Muntik na. Sayang.

"Pout and my next target will be your lips." banta niya. Ma-try nga.

Syempre joke lang.

"Summon Darko, pet mode."
"Summon Li, pet mode."

Masayang naghahabulan ang dalawa habang magkatabi kami ni Shad na nakaupo habang nakasandal sa pader ng bahay namin. Nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya at hindi naman ako nakarinig ng kahit anong reklamo.

Kailan kaya ako makakaamin sa kanya?

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon