Chapter 16

647 48 1
                                    

Pagkamulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang palasyo sa Higher Realm. Biglaan naman nila akong pinapunta rito.

"Dinala ka namin dito para kausapin." sabi ni Chaos.

"Kailangan mo munang umiwas sa lahat ng Royals." sabi naman ni Shina. Pati si Light? Pati ba naman si Light pinaghihinalaan nila?

"Kilala namin kung sino ang dalawa ngunit hindi namin maaaring sabihin. Ikaw mismo ang dapat makaalam." wika ni Chaos.

Kaya ko kayang iwasan si Light?

"Kailangan mong kayanin." sagot ni Wateria na nagawang basahin ang isip ko. How can I avoid someone I love?

"Hindi namin alam." sagot ni Efreet na halata ang lungkot sa mukha. Nalulungkot para sa akin.

"Light will never betray us. She will never betray me-" naputol ang pagsasalita ko nang may natanggap akong suntok sa sikmura. Nagulat silang lahat sa ginawa ni Killios.

"Don't you understand? We're doing this for you! For the safety of your realm! Hindi ka pwedeng masyadong ma-attach sa kanya! Paano kung siya nga yung traydor!? Anong gagawin mo!? Stop this selfish act of yours!" sigaw niya sa akin.

Natahimik ako saglit bago siya sugurin. Natalo ko siya noon. Matatalo ko rin siya ngayon.

"Dragon Fire Breath."

May lumabas na parang apoy mula sa bunganga ko. Hindi siya direktang tinamaan. Hindi naman kami sinubukang pigilan ng iba.

"Dark Piercing Arrows!" sigaw niya. Sunud-sunod na mga itim na pana ang papunta sa akin pero walang hirap ko lang yun iniwasan. Isa ang atakeng ito sa ginamit niya laban sa akin noong training. Wala ba siyang bago?

"Thousand Light Daggers!" wala siyang magagawa kung magka-counter attack siya. Sa oras na patamaan niya ng dark power ang mga light daggers ay mas malala ang aabutin niya. Kung sakaling gumamit siya ng dark void, may plano naman ako.

Ang dark void ay isang spell na obvious naman sa pangalan, dark users lang ang makakagamit. Isa itong itim na hugis bilog na kayang humigop ng atake ng kalaban.

"Paanong nagawa niya ang ganoong mga atake?" tanong ni Light. The goddess.

"Hindi namin siya tinuruan ng kahit anong atake." sabi ni Gail. Nagsalita naman si Chaos, "Interesanteng bata."

"Dark Void!" sabi niya. Nagkaroon ng itim na malaking bola sa harapan niya na kinain ang atake ko. As expected.

"Explosion." sabi ko at bago pa mawala yung void, lahat ng daggers na nahigop niya ay sumabog na nagdulot ng malakas na impact na nagpatalsik sa kanya.

"Isang kasalanan na lumaban ka sa isang taga-Higher Realm pero dahil siya ang nauna, siya ang makakatanggap ng parusa."

"Light will never betray us." sabi kong muli nang huminahon na ako ng kaunti.

"I'm sorry but you have to follow our orders. Avoid all of them. Avoid her. Hindi naman habambuhay mo itong gagawin." sabi ng pinakamatanda sa kanilang lahat.

"What if I don't want to?"

"The only choice is to bring all of them here para makasiguro ka na walang magagawa ang traydor." that sounds worse.

"Choose. Kaya ko silang dalhin dito agad." dagdag pa niya bago sumakit ang ulo ko. Makakabalik na ako.

Nagising ako sa kwarto namin ni Light. Halo-halong emosyon na ang aking nararamdaman.

'Calm down.'

Masisisi niyo ba ako kung ang taong mahal ko ng sobra ay kailangan kong iwasan? At mukhang wala akong magagawa tungkol doon?

'Killios have a point. It's for your safety.'

Safety? Kaya kong protektahan ang sarili ko.

Naramdaman ko ang presensya ni Sylph na pumasok sa bahay at dumiretso sa living room. Narinig ko siyang tinatanong kung nasaan ako pero bago pa siya masagot ng mga Royals ay nakababa na ako.

"Shad, ayos na ba-" hindi ko nagawang mapatapos si Light.

"Dalhin mo ako sa kanila." my voice is currently mixed with anger at mukhang napansin naman iyon ng iba dahil hinayaan lang nila ako.

Hindi naman kasi ako basta-basta lang makakapunta sa Higher Realm. Kailangan ay sila mismo ang magpapunta sa akin or pumunta ako sa Treoplac's Temple dahil nandoon ang portal pero masyadong maaaksaya ang oras ko. Hindi naman ako makakapagteleport dahil hindi pa ako nakakapunta doon. One of the factors to be considered in order to teleport is I have to know the exact location I want to be teleported.

"Trust me when I say that I tried to convince him. Actually, marami sa amin ang against-" nonsense.

"Enough with the lies!" sigaw ko na ikinagulat nila. Hindi ko hilig ang pagsigaw. Pero mas nakakagulat nang naramdaman ko nalang na nagluluha na pala ang aking mga mata.

"Enough. I'm tired." sabi ko. Niyakap ako ni Sylph. Nagtataka ang mga Royals pero nanatili silang tahimik.

"Hindi namin ginustong masaktan ka." sa sinabi niyang iyon ay inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin.

Pinainit ko ang katawan ko habang naglalakad palabas para mabilis mawala ang aking mga luha. Baka lumaki pa ang problema kapag maraming nakakita na kagagaling ko lang sa pag-iyak.

I summoned Darko at inutusan siyang lumipad papunta sa Deciel. Hinayaan ko na lamang na makatulog ako sa likod ni Darko.


Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon