"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Light. Si Light at ako ang mauuna sa paglipad at agad na susunod ang iba.
"Ingat kayo sa biyahe. Baka inaabangan kayo ng mga kasamahan ng doktor na iyon. Hindi pa tukoy kung saang realm siya nagmula dahil may spell na nakabalot sa kanya pero gagawin namin ang lahat para mawala iyon. Ayaw rin naman niya magsalita." paalala samin ni tito Zues. Anong klaseng spell naman kaya yon at maski sila tito Zues ay hindi iyon magawang alisin?
Speaking of spells. Nag-cast na sila Dad ng spell sa mga taga-angel realm para malaya silang makasama sa amin. Nandito kasi kami sa demon realm ngayon.
"Para hindi mapagod masyado ang mga dragons niyo, by partners ang pagsakay sa mga Dragons. For example, si Black at White ang magpartner. Si Li muna ang sasakyan nila. Kapag napagod si Li, si Darko naman ang sasakyan nila." paliwanag ni Dad sa kanyang plano.
"Dahil kasama niyo si Wailey may isang magso-solo. Eto ang magkakapartners. Blue and Violet. Yellow and Indigo. Red and Gold. Green and Orange. Wailey and White. At ikaw lang muna mag-isa, Black." sabi naman ni Mom. Hm, walang dragon partner si Wailey. Paano kapag napagod si Li?
'Li will be fine. Believe it or not, her stamina surpasses mine.' rinig kong sabi ni Darko sa aking isip.
"Huy! Narinig mo ba yung sinabi ni tita Persephone?" tanong sa akin ni Wailey. Akala niya siguro hindi ko narinig. Nagreact kasi silang lahat maliban sa akin at kay Wailey.
"Itong kolokoy na to ang makakasakay ko kay Vian?" nainsulto naman si Blue sa tinawag sa kanya ni Violet.
"Para namang gusto kong sumakay sa dragon na nagmana sa kanyang amo!" mapili kasi si Vian. Pili lang ang taong pwedeng makasakay sakanya.
"Ano ba naman yan. Gusto kong makasakay kay Yen eh." nakangusong reklamo ni Yellow.
"Hayaan mo na muna. Next time nalang. Mabait naman si Dig ah." sabi sa kanya ni Orange
"Oo nga pero yung amo suplado." mahinang sabi ni Yellow.
"I heard you." narinig pa rin siya ni Indigo.
"Alam ko. May tainga ka kasi eh."
"Sa lahat naman ng pwedeng maging ka-partner ko, ito pa." may lihim na galit ba itong si Gold kay Red?
"No worries. Labag din sa loob ko 'to."
"Hindi magkapartner si Black and White? Bago yun ah." sabi ni Green. We summoned our dragons at sumakay na.
"Black."
"What?"
"Xin and the others want to say apologize."
"For what exactly? Sa hindi pagkausap sa akin?"
"We thought that you were mad at us."
"None of it was your fault."
"Black!" napatakip ako ng kaliwang tainga. Nasa kaliwa ko kasi yung sumigaw. Si Wailey na nasa likod ni Light na nakasakay kay Li.
"What?" tanong ko kay Wailey. Kailangan bang sumigaw?
"Tulala ka kasi. Aalis na tayo. Mas mauuna ka dapat kasi mas kabisado mo ang realm na 'to." sabi niya. May iba pa namang dito nakatira sa realm na to ah?
"Darko."
"Yes."
Binuka ni Darko ang mga pakpak niya at nagsimula na siyang lumipad. Nakasunod naman sila Light sa amin.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...