Chapter 22

604 47 2
                                    

"Ano ba naman yan Blue!" singhal ni Yellow kay Blue matapos nitong dumighay.

"Sorry naman. Ang sarap ng pagkain eh." sabi ni Blue sa kanya.

"Mga prinsipe't prinsesa, huwag kayong mahihiya. Kuha lang kayo." sabi sa amin ni tita Jane.

"Opo tita!" tugon ni Green.

"I'm done. Excuse me po." sabi ko tsaka tumayo at pumunta muna sa labas. Naglalakad-lakad lang ako nang biglang makarinig ako ng sigaw.

"May mga python na sumusugod!" agad akong pumunta sa lugar kung saan nanggaling ang sigaw. Ang dami nila.

"One hundred six pythons." report sa akin ni Pydo.

Buti nalang hindi pa sila bumubuga ng apoy-

"Tulong! Nasusunog ang tahanan ko!"

Wow.

Patay. Gagamitin ko na ba ang water power ko?

Bahala na. Nasaan na ba yung iba?

"Humanap po kayo ng matutungtungan na hindi mababasa! Siguraduhin niyo rin pong hindi niyo makikita ang gagawin ko para po hindi kayo madamay sa spell na gagamitin ko!" utos ko sa kanila. Gumilid naman silang lahat. Yung iba medyo umakyat sa bundok. Yung iba umakyat sa mga bato. Syempre kasinungalingan lang yung tungkol sa spell. Hindi naman ako gagamit non. Para lang hindi nila makita na gagamit ako ng ibang kapangyarihan.

Sana hindi sila mabasa.

"Tidal Wave." sa isip lang ako nagcast para walang makarinig.

May malaking alon na bumasa sa lahat ng mga Python at sa lupang kinatatayuan nila.

"Lightning Shot."

May lumitaw na arrow na gawa sa kidlat at tumama sa isang python. Dahil nga basa ang kinatatayuan ng lahat ng pythons, lahat sila naapektuhan sa atakeing iyon.

Nararamdaman ko na ang aura nung iba. Bakit sobra naman ata silang natagalan? Pero mukhang magandang bagay rin naman ang pagkahuli nila dahil hindi nila ako nakitang gumamit ng ibang power.

"Sorry kung huli kam- Black!" sigaw ni Light nung napaluhod ako. Nanghihina ako.

"Huwag ka na magtaka pa."

Chaos.

Tiningnan ko si Wailey, "The Gods are calling me. Gigising din ako agad."

Ang pagtango niya nalang ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.

"Black, gising." paggising sakin ni Efreet. Minulat ko ang aking mga mata. Nandito pala ako sa palasyo nila. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

"Ano nanaman ba?" bigyan nila ako ng matinong sagot.

"Yung tungkol sa babaeng nagngangalang Wailey. Gusto lang namin sabihin sayo na iba ang magiging training niya kaysa training mo. Iba siya sa iyo. At meron pa siyang isa pang kakayahan maliban sa pagiging Aura and Power Detector." sabi ni Sylph.

"Yun lang ba?" umaasa akong babawiin na sana nila ang utos na pag-iwas sa mga Royals pero,

"Wala na." sagot ni Chaos.

Pumikit na ako at hinintay na makabalik na ako. Nakahiga nanaman ako sa kama. Dahan dahan akong bumangon tsaka napahawak sa ulo ko.

Minsan natatanong ko sa sarili ko,

Bakit ako pa? Bakit sa dinami-dinami ng pwedeng magkaron ng kapangyarihan na ganito, ako pa ang napili?

Kung hindi ako ang napili, siguro kausap ko si Light ngayon o kaya kasama ko ang mga Royals.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon