Nandito ako ngayon sa rooftop ng Xyriel Academy. Tumatambay. At baka matulog na rin. Sa dami ng elemento na kaya kong gawin, madali nalang naman siguro ang paggawa ng malambot na hihigaan.
'Calm down.' sabi sa akin ni Darko.
'I am calm.' hindi naman ako nagwawala o kung ano man.
'Ritos.' banggit ko sa isip ko. Spell na pinipigilan ang mga partner ko na makipagcommunicate sa akin. Kailangan ko muna ng katahimikan.
I planned on surprising the Royals especially Light kaya naman hindi ko sinabing papasok na ako ngayon.
Dumiretso ako sa garden dahil doon ko nararamdaman ang presence nila. Nagtago muna ako at sinilip sila.
Si Blue ay inaasar muli si Violet. Si Yellow naman kakwentuhan sila Green at Orange. Si Indigo naman nakatingin sa malayo na para bang may iniisip. Si Gold naman ay tila walang pakialam sa mundo na nakahiga lang sa damuhan at nakatingin sa langit.
Pero sa isang banda, nakita ko si Light na katabi si Red habang nakasandal sa puno. Tumatawa sila habang kausap ang isa't isa. They look real close.
Napansin ko namang nagpalinga-linga si White at parang may hinahanap. Naramdaman ata ang presensya ko. Agad kong tinago ito.
'Shadow? Where are you?' tanong niya through telepathy.
'School garden. Enjoy your break for now. May aasikasuhin lang ako.' sabi ko bago magteleport sa rooftop ng academy.
At ang aasikasuhin ko ay ang antok na aking nararamdaman. Ang boring.
"Black!" sigaw ng isang pamilyar na tinig. Efreet? Agad akong lumingon. Muntik na akong mahulog dahil sa pagkakayakap niya sa akin. Yung yakap niya, halos tackle na.
"Namiss kita!" sabi pa ng isang tinig na sinalubong din ako ng yakap pero parang naging tulak dahil tuluyan na akong nahulog. Masabihan nga si Dad na magpagawa ng harang sa mga rooftop.
Napadaing ako sa aking pagbagsak. I might be trained by the people in Higher Realm but still, I am just a simple creature. Nasasaktan.
Nawala ang concentration ko dahil sa pag-iisip kung bakit dalawa silang nandito. Alam kong pupunta ang isa sa mga guardian pero dalawa silang dumating.
'Oh my gosh! Prince Black, ayos ka lang ba?'
I know that the student who just talked is just concerned pero kahit sino naman atang mahulog mula sa mataas na lugar, hindi magiging okay.
"Prince? Si Shadow? Tara! Dito tayo dali!" rinig kong sabi ni Light. Ang talas ng pandinig.
"Ayos ka lang ba, Shadow?" tanong sa akin ni Light pagkalapit nito. Isa pa siya eh. Ihulog ko kaya siya sa rooftop para malaman niya kung ayos pa rin siya pagkatapos?
Problema lang, hindi ko magagawa 'yon. Baka ma-exile ako nang wala sa oras.
Tumayo na ako pero may yumakap uli sa akin. May event ba today? Something about hugs?
"Sorry." bulong niya tsaka mas lalong sumiksik sakin.
"Who is she?" mataray na tanong ni Violet. Mabait naman siya pero sa mga kilala niya lang.
"I don't know either." sabi ni White na halata ang confusion sa mukha.
"Yan kasi, masyado kang malikot. Magagalit na siya sayo." biglang dating ni Efreet. Napanguso naman si Sylph.
"Nagsorry na nga eh!"
"It's alright." maikling sabi ko.
'You're not mad?' tanong ni Sylph through telepathy.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...