Nandito ako ngayon sa isang parang open field. Gawang ilusyon ni Magiko. May apat na hakbang akong dapa gawin pagdating sa training ko sa bawat guardians.
Una, kailangan ko munang matutunan kung paano palabasin ang element na gamit nila.
Pangalawa, tuturuan na nila ako kung paano ko magagamit ang element na iyon sa isang laban.
Pangatlo, kailangan kong palabasin ang elemental partner ko sa elemento na iyon.
Bukod sa dragon partner, may iba pang uri ng partner. Ang partner na sinasabi ko ay parang mga hayop o halimaw na gawa sa elementong yon. They can fight very well even without instructions.
Panghuli, kailangan kong labanan ang guardian na nagturo sa akin ng mga dapat kong malaman. Syempre, kailangan kong manalo.
When it comes to the training under the Gods and Goddesses,
First, palabasin ang Element Dragon ng elemento ng kung sino man ang magtuturo sakin. Then fight to whoever God or Goddess is facing me.
The gods and goddesses will then ask me to summon a dragon that corresponds with their element before fighting them. Sabi nila, mahirap daw sa una pero magiging madali na lang daw iyon sa bawat elemento na matututunan ko. I didn't even know that we could have more than one dragon.
I'm too powerful. Ang dami ng magiging partners ko. Ilan uli sila? Twenty four? Damn.
Iniisip ko rin na sobrang overpowered ko na ata kung matututunan kong gamitin ang lahat ng elemento. Dito ko nalang ia-apply ang kasabihang sinasabi nila na 'mas marami, mas maganda'.
"Isipin mo lang na parang may apoy sa loob ng katawan mo at kailangan mong palabasin yon. Parang yung ginawa mo lang sa Dark Power mo noong una siyang pinalabas." pagtuturo ni Efreet. Napaka-detailed niyang magturo. Gets ko agad.
Ginawa ko nalang yung pinapagawa niya kaysa magreklamo pa. Few seconds later, mayroon ng pulang aura na nakapalibot sa akin. Hindi ko alam kung paano ko 'yon nagawa pero okay.
"Nagawa mo agad!" manghang sabi ni Efreet. Freet na nga lang. Nakakatamad. Ang haba ng Efreet.
"What's the next step?" tanong ko ngunit hindi ko narinig ang sinabi niya dahil meron akong boses na narinig sa aking isipan.
'Shad.'
'Wake up, please.'
Light?
'I miss you.'
"BLACK SHADOW DECIEL!" nabalik naman ako sa realidad nang may narinig akong sumigaw. Sinamaan ko naman ng tingin si Efreet. Kailangan bang buong pangalan?
"Hehe, sorry. You're spacing out. What happened? Nakarinig ka ng boses?" tanong niya na tinanguan ko bilang sagot. Siya na manghuhula.
"Normal lang yan pag nasa Higher Realm ka. Hindi lang siya madalas mangyari. Yun nga lang, hindi mo sila makakausap pabalik." paliwanag niya.
"Back to our training! Ngayon naman, subukan mong gumawa ng mga hugis." utos niya na ginawa ko naman. It's kind of hard but later on ay parang nasasanay na ako.
"Sandata naman."
I started with small weapons first. Needles, spikes, shurikens, daggers, then a sword, 'till I finally managed to create a broadsword.
"Noong ako yung nagtraining, it took me a month to master the fire element. You did it in just few minutes." manghang sabi niya. Uh, mastered ko na agad? Gumawa lang naman ako ng mga sandata?
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...