Chapter 55

360 26 1
                                    

It's been a while noong magkaroon ako ng ganitong klaseng pahinga. And I'm not with the Royals that time. Ang mga Defroysa ang nakasama ko but this time, it will be different. Nandito rin naman kasi ang ibang students.

Si Zero ay hindi pa namin nahahagilap simula kanina but it's fine. Para naman kasi siyang binata na nakulong lamang sa katawan ng isang bata ngunit hindi mawawala ang pagka-inosente niya.

Ang mga babaeng Royals ay kasalukuyang naglalaro ng volleyball ngayon together with the other girls at our school. Si Indigo at Xian ay kasalukuyang naglalaro ng chess sa isa sa mga cottage. Si Blue, Red at Kent naman ay nowhere to be found but if I'll guess it, baka nasa bilihan lang ng pagkain lalo na si Blue. Nandito naman ako sa isa sa mga cottage at pinapanood sila Light maglaro.

Hindi naman sa hindi ako marunong magsaya or what. It's just I'm already satisfied by watching my friends and co-students enjoying theirselves.

At isa pa, hindi pa ako nagpapalit ng damit.

"Dad!" oh. Nandito na pala si Zero. And he is with Akki too. Napadako ang tingin ko sa mga kamay nila na magkahawak at sa nasaksihan ko, hindi ko malaman kung mapapangisi ako o mapapataas ang kilay.

"Dad, I want you to meet my friend." friend lang?

Akala ko best friend.

"Akki Chisaka is her name. She's the second strongest in our class. Ako na ang first eh." may pagkamahangin din palang natatago itong si Zero.

"I'm glad to meet you, Akki." bati ko sabay lahad ng kamay. Nanginginig naman niyang inabot ito. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o ano.

"He-hello po Prince! Masaya rin po akong makilala ka! Uhm, idol po kita! Sana po... maturuan niyo po ako minsan ng techniques sa pakikipaglaban!" ang cute niya. Mukhang nahihiya pa siya sakin.

"Are you nervous?" tanong ni Zero sa kanya at ipinatong pa na niya ang kanyang kamay sa balikat ni Akki. Itong batang to...

"O-oo. Idol ko talaga kasi Dad mo." bulong na sagot niya kay Zero na narinig ko naman.

"Don't be. And drop the 'prince' thing. You can call me tito or mas mabuti kung Dad nalang din." sambit ko sabay palihim na kindat kay Zero na sinuklian niya naman ng palihim na thumbs up.

"Ahh, ano po... sige po. Tito nalang po hehe." I can feel na nahihiya pa rin siya pero nababawasan naman na ito.

"Akki! Gawa tayo ng sand castle!" sigaw sa kanya ng isang batang lalaki. Agad namang napalingon si Akki dito at kumaway. Habang si Zero naman ay napasimangot ngunit bumalik din agad sa dati niyang ekspresyon.

Matapos mabilis na magpaalam ay agad na tumakbo si Akki papunta ron sa direksyon ng batang lalaki na iyon na mas lalong nakapagpasimangot sa batang to.

"So that kid is Lard?" wala sa sariling sambit ko kunwari pero pinaparinggan ko lang talaga si Zero.

Inis na ginulo niya ang buhok niya bago umupo sa tabi ko. Aba. May pag-gulo ng buhok na nalalaman.

"Dad, why am I like this? Bata pa ako. Maybe this is just an infatuation?" takang sabi niya.

"You should ask yourself. You are the only one who can answer and prove it." sagot ko. Yes, bata pa siya pero alam kong he is the type of kid na ayaw niyang pinapangunahan siya especially if kaya niya naman at magagawan niya ng paraan. And knowing him even though he is just a kid, kaya niya ito.

"Dad, you know, I'm just a kid." wika niya sabay pout pero biglang sumeryoso ang mukha niya bago muling magsalita, "Pero aware ako na mas mature ang pag-iisip ko kaysa sa iba."

That's what I'm talking about.

--

White

"White, look. Yung mag-ama mo oh." turo ni Orange sa pwesto nila Shadow na mukhang may seryosong pinag-uusapan kaya naman napataas ang kilay ko. Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng dalawang to?

Akmang lalapitan ko na sila pero hinarangan ako ni Yellow, "Hayaan mo na, White. Boys talk yan." sabi niya sabay tawa.

"At papano mo nalaman?" takang tanong ko. May nginuso naman siyang direksyon. Nakita ko si Akki na gumagawa ng isang sand castle kasama pa ang isang batang lalaki. Siya siguro si Lard?

Jusko. Akala ko kung ano na napag-uusapan nung dalawang yon. Masyadong seryoso.

"White." agad akong napalingon sa lalaking tumawag sakin. Red. May bitbit siyang fries na inabot niya sa akin pero hindi ko kinuha.

Ngumiti na lang ako sa kanya at sinabing, "Not to be rude Red ha? Kakain na rin kasi tayo maya-maya eh." saglit itong nagpasama ng aura niya pero agad din bumalik sa normal.

Pasensya na pero takot akong tumaba.

"Ah sige. But can I talk to you?" tanong nito. Nakikipag-usap naman na siya.

"You are already talking to her." see? Tama si-

"What the- Shad!" palo ko sa balikat ni Shadow nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko na nagpaatras kay Red.

Hindi ko alam kung umatras siya dahil sa takot o sa gulat. Hindi naman kasi nakakatakot si Shadow. Huwag lang gagalitin.

Agad binalik ni Red sa ayos ang posture niya. Yung fries na bitbit niya ay hinagis niya sa malapit na basurahan. Sayang yung pagkain!

"Black, nag-uusap kami." tila inis na sabi ni Red pero hindi nagpatinag si Shad.

"Nag-uusap then yet you still asked her if she can talk to you?" Shadow said with a sarcastic tone. Hindi ko alam if matatawa ako or what, actually.

"You are the one who butted in our conversation. Iwan mo kami. Magkaroon ka naman ng respeto." galit na sabi ni Red.

"I am her boyfriend." some students are already watching us. Heck.

"Ano naman? Hindi pa kayo kasa-" hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya noong hawakan siya ni Shadow at bigla silang nawala. Napailing na lamang ako. Sana mapigilan ni Shadow ang sarili niya.

--

Black

I brought him in the middle of the forest malapit sa Kellow Beach. And I must say, I was irritated because of him.

I punched him. Hard. He's just a Shogan so I want to be a little fair. Kung ginusto ko siyang lamangan, sinunog ko nalang siya.

"What the heck, Black? Anong problema mo!? You have serious issues, man." galit na sabi niya sa akin sabay tayo.

"Problem? It's you." sinuntok ko siyang muli.

"Heh. Sinasabi ko lang ang totoo, Black. Hindi pa kayo kasal at may chance pa na mapasaakin si White at wala kang magagawa ron."

Bullshit.

"Be thankful that I can't kill you yet, Red." curse it. Bakit hindi pa kasi hindi ko pa ipaalam sa iba ang tungkol sa traydor!?

"Yet? A-anong ibig mong sabihin? May balak kang patayin ako!?" tila galit niyang muling sigaw. Ngunit hindi nakaligtas sa aking matalas na paningin ang takot sa kanyang mata.

Tumalikod na ako sa kanya at naghanda na sa pagteleport ko pabalik pero bago ako tuluyang umalis ay nag-iwan na muna ako ng mga salitang siguradong magpapatahimik sa kanya kahit saglit lang.

"Watch your back. I can kill you quickly and silently without anyone knowing about it, traitor."

Hindi ko dapat sinabi ang mga salitang iyon pero hindi ko napigil ang aking sarili. Nakakainis.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon