"Shadow."
"Shadow."
"Hoy Shadow!"
Tuluyan na akong nagising dahil sa lakas ng boses ni Light. Unti-unti akong bumangon at nag-inat ng bahagya bago bigyan ng tingin si Light na... nakaligo na.
Hindi naman siya excited. Six palang ng umaga. "We'll leave at exactly eight in the morning. You're too excited." antok kong sabi sabay higa ulit. Buti si Zero ay hindi nagising. As a kid, hindi siya pwedeng makulangan ng tulog.
"Ligo ka na please? Para exact eight tayo makaalis."
"Maya." sabay taklob ng kumot. Nakakatamad.
"Shadow, you're acting like a kid right now. Should I laugh or what?" tila natatawa na niyang sabi. Ako pa talaga ang bata?
"Kid, huh? Sabagay, almost forgot that you are older than me." pahikab kong sabi. Naramdaman ko namang may nanghampas sa akin ng unan.
"Imbis na mang-asar ka diyan maligo ka na." utos niya. Utos na hindi ko gagawin.
"Ayaw."
"Shad, isa."
"Dalawa. I know how to count."
"Shadow, really?"
"Hm-hmm. Ouch!"
Hawakan ba naman ako sa kamay na may light power na nakalagay? Mahina lang naman pero... I'm a demon! Ang sakit kaya.
I can manipulate light power too but it is sealed again that's why I can't counter it para hindi ako masaktan.
"Gising ka na?" sabi niya na parang nang-aasar pa. Halikan ko kaya 'to?
"Yeah. Eto na nga oh maliligo na." wala na akong magagawa. Ang sakit ng kamay ko.
"Shad, sorry." tila guilty niyang sabi. For what exactly? Bahala siya diyan. Maliligo na ako.
Pabagsak kong naisara ang pinto sa banyo dahil medyo masakit ang ulo ko. Ganito ako kapag napuputol ang tulog.
Nag-umpisa na akong maligo at hindi ko maiwasang dumaing kada matatamaan ng tubig yung kamay ko. Alam ko rin na rinig ang daing ko sa labas.
The room is the one that's soundproof. Pero ang banyo sa loob, hindi. Hindi naman masyadong malakas ang pagdaing ko at paniguradong si Light lang ang nakakarinig kung nandoon pa siya sa labas.
Agad akong natapos maligo at lumabas ng may tuwalyang nakapalibot sa lower body ko.
"Shadow, sorry- Shit!" gulat niyang sabi sabay talikod. Ano?
"Bakit naka-ganyan ka lang!?" ano naman kung ganito lang ako?
"I didn't get the chance to take some clothes with me." kunot noo kong sabi. Nandito naman siya nung pumasok ako sa banyo at nakita niya rin naman siguro na wala akong dalang damit non.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad patungo sa walk-in-closet ko. Magkahiwalay ang sa amin ni Light. Kung titignan, ang laki talaga ng kwarto namin.
Bukod sa mga damit ay kumuha na rin ako ng mga dapat dalhin kapag magswimming. The sun block is for Light. Paniguradong makakalimutan niyang magdala.
Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako. Hindi ko na nakita si Light pero alam kong nasa baba lang siya at nagluluto na ng pagkain namin for breakfast at yung babaunin namin sa beach.
Pinag-iisipan ko kung i-unseal ko kaya muna ang light power ko at pagalingin ang kamay ko? Since Light is already aware of it, hindi na siya magtataka.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...