Chapter 42

374 29 1
                                    

"Handa na ba ang lahat?" Light asked them with a beautiful smile on her face. Naghanda na kami para sa pag-alis namin. All of us here have one backpack each. Yung akin ay naglalaman lang ng damit ko for one week. Wala akong balak na patagalin ang misyon na ito dahil kailangan ko na talagang magfocus sa training.

Um-oo naman silang lahat sa tanong ni Light. Matapos magpaalam sa mga magulang namin ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa gubat na sinasabi nila.

Habang naglalakad naman kami ay may mga nasasalubong kaming mga kauri namin. Ang iba ay binabati kami habang ang iba naman ay nagbibigay-galang lang.

Katabi kong naglalakad si Light habang ang iba naman ay nasa likod namin at nagku-kwentuhan lang.

"Black, sa tingin mo, mga ilang buwan natin matatapos yung misyon? Kasi hindi ba, magpapagaling tayo, tutulong, tapos hahanapin pa natin yung may gawa ng problema." tanong sa akin ni Blue.

"Not more than a week." nagulat naman silang lahat sa naging sagot ko.

"Nice joke. Sabi ng mga magulang natin ay pwede tayong umabot ng dalawang buwan sa misyon tas sinasabi mong matatapos natin agad?" hindi makapaniwalang sabi ni Orange.

"Just like what Dad said back in the academy, kung gusto natin matapos ang misyon kaagad, bilisan natin ang kilos."

Nakarating na rin kami sa bukana ng gubat. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng excitement. Ramdam kong ganoon din ang iba. Hindi ito ang unang misyon ng bawat isa sa amin pero ito ang unang misyon na magkakasama kaming lahat. Dito masusukat ang teamwork namin kung sakaling mapalaban kami.

I saw some persons who shot a curious gaze at us. Nagtataka siguro kung bakit kami naglalakad papasok sa gubat.

"There's no turning back." sabi ni Indigo. Sa oras na maglakad pa kami papasok sa gubat na ito, alam kong hindi na dapat kami magpakampante.

"Lakad na tayo?" aya sa amin ni Light at hinawakan ang kamay ko. Pagka-tango naming lahat ay nagsimula na kaming maglakad.

Ako at si Light ang nakapwesto sa harapan. Habang sila Red, Green at Blue naman ay nasa likod namin. Ang mga natira ay nasa likod naman nila.

"Nakapagbaon ba kayo ng tubig? Walang water user sa atin or controller kaya mahihirapan tayo niyan." nag-aalalang tanong ni Yellow

"I have two big bottles of water with me. Pero imposibleng magtagal yung tubig na yon sa ating lahat kaya naman we have to find some source of water before the sun goes down." sagot ni Indigo sa tanong ni Yellow.

"We already have our own source of water though" sabi ko. Tumingin naman sila sa akin na may halong pagtataka.

"What do you mean? Huwag mong sabihing water user ka?" pagbibiro ni Blue.

"Orange and Yellow."

Saglit silang nagtaka pero agad naman itong nakuha ni Orange.

"Ah! Sa tingin ko medyo naintindihan ko. Ice user ako then fire user naman si Yellow. Kung sakaling maubos yung tubig sa bote ni Indigo, pwede kong gamitin yung kapangyarihan ko para lagyan yon ng yelo sa loob habang ang gagawin naman ni Yellow, papainitin niya slight para matunaw hanggang sa maging tubig." pagpapaliwanag ni Orange.

"Talino naman." Light said to me through telepathy.

"No. It's just pure common sense. Ice is originally from water. Kung ang ginawa sa tubig ay pinalamig ito para maging yelo, ang kailangan naman nito para bumalik sa dati ay ang painitin ito."

Naramdaman kong hinigpitan ni Light ang hawak sa kamay ko sabay ngiti sakin. Ngumiti rin ako pabalik ngunit agad ko ring binawi nang makaramdam ako ng kakaiba.

"Goblins from the west." sabi ni Indigo. Perks of being an earth user. Kaya niyang malaman kung saan manggagaling ang kalaban basta ang mga paa nila ay nakaapak sa lupa.

"Ayos. Laban na!" excited na sabi ni Blue pero nawala agad ang excitement sa mukha nito nang makitang hindi basta-bastang goblins ang makakalaban nami. Kataka-taka ang kanilang itsura. May mga parte ng katawan nila ang may halong kulay violet.

"Ilan sila?" mahinahong tanong ko kay Indigo.

"Less than forty." kind of few but it will do.

"Grego Sword."

"Quartz Bow."

"So Black, anong plano?" tanong ni Blue sa akin matapos ilabas ang bow niya.

"You and Orange, mas magaling kayo sa long range kaya akyatin niyo ang mga puno at doon kayo umatake. The rest, bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin. Just don't let them touch you. They are infected by something."

Sinunod naman nila Blue at Orange ang sinabi kong pag-akyat sa puno. Nagpakawala ng tatlong palaso si Blue nang sabay-sabay. Tatlo rin ang tinamaan.

Si Orange naman ay hindi tumigil sa pagbabato ng ice spikes. Agad bumaba sa tatlumpu ang bilang ng mga goblins. Hindi ko ginamit ang Killiard Sword at wala akong balak.

May sumugod sa akin na tatlong goblins pero dahil mas mabilis akong kumilos ay madali ko lamang naiiwasan ang kanilang mga atake. Hindi rin ako nahirapan sa pagtapos sa kanila.

Itinuloy ko lang ang pakikipaglaban nang makita kong muntik na makalmot si Light ng isa sa mga goblin kung hindi lang siya nakaiwas.

Agad kong sinugod ang goblin na iyon at pinatay. Pansin kong halos nasa sampu nalang din ang bilang nila kaya hinayaan ko na ang mga kasama ko nalang ang tuluyang tumapos sakanila. Nilapitan ko si Light at kinausap.

"Are you okay?"

"Yup. Hindi naman ako nahawakan ng goblin na iyon." ngumiti siya sa akin.

Ah. I love her so much.

"Napansin niyo ba yung mga goblins na yon? May kakaiba sa katawan nila." biglang sabi ni Gold.

"Mayroong part sa katawan nila na kulay violet." sagot ni Yellow.

"Tsaka na natin problemahin yan. Maglakad na tayo." si Red ang nagsalita. Nauna na rin siya maglakad.

May kinalaman kaya siya sa nangyayari?

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon