Nakauwi na rin kami after i-announce ang pagkakaroon ng three days break ng mga studyante. After nga ng announcement na yon ay tinuloy pa rin ang klase. Gabi na tuloy kami nakauwi.
Buti nalang talaga at may beach dito sa Central Realm. Dahil kung nagkataon mang wala, kailangan pa naming pumunta sa human realm.
Noon siguro pwede pa kami na roon na lang pumunta pero aware na ang mga studyante tungkol sa pagbabalak ni Hermes na makipagdigma sa amin. They will think about some negative thoughts like baka doon palang ay i-ambush na kami or something like that.
Ang purpose ng break na ito is to let the students have enough time to accept the truth. Katotohanan na makikipagdigma kami at sa katapusan ng digmaang yon, hindi lahat ay maaaring manatiling buhay pa rin.
Para na rin mag-enjoy, I suppose.
"Papaano nga pala sila Wailey at ang pamilya niya?" tanong sa akin ni Light. Nandito kami sa garden ngayon. Pinapanood si Zero makipaglaro kela Hiro, Darko at Li na naka-pet mode naman. May ilaw naman dito eh.
"We'll take them bago ang digmaan. As soon as possible sana pero padaanin muna natin ang dalawang linggo dahil paniguradong ipaparating na ng mga traydor kay Hermes na alam na natin ang plano niya. Baka magtaka si Hermes kung bakit natin kinuha ang Defroysa Family gayong kakaalam palang natin ang plano niya." sagot ko. Posibleng maideklarang ang Defroysa Family ay isang traydor at sila ang pag-initan pagdating ng digmaan. Kaya ang balak kong gawin ay papalabasing binihag namin sila para hindi sila paghinalaan. Though si Wailey lang naman ang nagsabi sa amin ni Light, kilala ko si Hermes. Hindi niya hahayaang mabuhay si Wailey kasama na ang pamilya nito.
Hindi ko na rin siya tinatawag na 'King' Hermes. Kung magiging hari man siya, hari ng kasamaan dapat.
Tungkol naman sa mga fallens, sisikapin naming hikayatin ang iba sa kanila na huwag na silang makipagdigma o lumaban. Hindi namin sila papipiliin kung kanino sila kakampi, bahala sila sa desisyon nila.
Pwede rin naman silang bumuo nalang ng sarili nilang bayan dito sa Central Realm tutal halos puro kagubatan lamang ang nakapalibot dito at bihira lang makakita ng bayan lalo na kung hindi ka malapit sa Central Plaza nakatira.
"Mom, Dad, enough talk about the war please?" biglang sulpot ni Zero sa aming harapan. Natutuwa naman si Light na kurutin ang pisngi ni Zero dahil sa kacute-an niya.
"Okay, okay. Gusto mo bang sumama sa amin sa Kellow Beach o stay ka nalang dito?" tanong sa kanya ni Light. Hula ko, sasama lang to kapag kasama si Akki.
"Uh, is Akki coming?" tanong niya sabay bahagyang yuko ng ulo. Nakita pa namin kung paano namula ang pisngi niya ng bahagya.
"Akki? You mean the girl you dueled with?" tanong ko kunwari. Of course, alam kong si Akki Chisaka naman talaga ang tinutukoy nito.
Napag-alaman ko kay Ms. Adrill na laging sinasabihan ni Akki si Zero na matatalo niya rin ito pero susuklian lamang siya ng ngisi ng anak ko sabay bigay ng mahinang pitik sa noo nito. Mga galawan.
Hindi ko alam kung anong mangyayari in the future but let's just say that I'll be investing in them.
"Yes. I have this kind of a weird feeling. Tapos gusto ko rin po mag-sorry sa kanya." sabi niya. Weird feeling? What weird feeling?
"For what, Zero?" tanong ni Light. Nakita ko ang paglunok ni Zero bago sumagot.
"Hindi ko po kasi siya pinansin because he told me na crush niya daw si Lard na kaklase namin. Tapos kinulit niya po ako tas nasigawan ko siya sabi ko 'Don't waste your time on me at si Lard ang kulitin mo!' tas nagteleport ako paalis tas sabi ng isa pa naming kaklase sakin umiyak daw si Akki kasi nga sinigawan ko siya." I liked the way he reenacted the way he shouted at Akki. Papasa siyang actor.
Nagkatinginan kami ni Light. Nakita kong kinagat niya ang labi niya para pigilan ang kilig.
"Mas gwapo at mas malakas at mas cool at mas matalino naman po ako kay Lard." dagdag pa niya sabay nguso. Napataas naman ang isang kilay ko.
"Are you saying that you are more deserving to be Akki's crush?" tanong ko habang nakangisi. Agad naman nag-angat ng ulo si Zero.
"Uhh... no?"
"Denial."
"No, dad!"
"You like her."
"Hindi po."
"Aminin mo na Zero, you like Akki noh?"
"Mom hindi po!"
"You like her. Denial ka pa."
"Eh, crush ko lang siya hindi ko pa po siya like." bingo.
Mukhang nagulat pa siya sa sinabi niya at napayukong muli. Hindi naman na ako nagulat ng bigla siyang niyakap ni Light at tumili.
Hope that Zero's ears are not damaged.
"Ah- Mom! Let go." sabi ni Zero. Binitawan naman siya ni Light na nakangiti ng malawak ngayon. Napapangiti na lamang ako habang umiiling.
"Zero, sa like din ang punta niyan promise!" tila siguradong sabi ni Light. Like tapos unti-unting pupunta sa love as they grow older.
"Sulatan mo ng love letter-"
"Dad!" nagsa-suggest lang naman.
"Hmm, I will call Mr. Chisaka to confirm if Akki's coming later. I'll inform you. Gusto mo tanong ko na rin kung pwede mo siyang ligawan- Ouch!" daing ko nang kurutin ako ni Light sa tagiliran. Nilingon ko siya at pinanlakihan niya naman ako ng mata.
"Black ha? Bakit ligaw lang? Diretso mo na kung pwede na silang ikasal!" tila galit kunyaring sabi ni Light. Alam ko namang hindi siya seryoso don kaya napatawa ako. Maya-maya ay sumunod na rin siya sa pagtawa pero si Zero ay nakatitig lamang sa lupa at nakangiti. Iniimagine?
"Zero, stop imagining. Pwede namang totohanin." sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko. Kids really do have the most creative minds, don't they?
"Po? Wala po!" sigaw nito.
"Edi wala. Let's climb upstairs. I'm sleepy." sabi ko sa mga ito. Sabay-sabay kaming umakyat sa kwarto at nahiga and as usual sa gitna nakapwesto si Zero.
Ginawaran ko silang dalawa ng halik. Kay Zero sa noo. At kay Light naman ay sa labi na tumagal ng ilang segundo.
Natawa kami pagkahiwalay namin sa isa't isa dahil si Zero ay nagtago sa ilalim ng kumot.
"I love you and good night to the both of you." sabi ko bago umayos ng higa.
"I love you too, Shad."
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...