Chapter 48

359 31 1
                                    

Third Person

Naglalakad na pabalik sa Aleyva Village ang mga Royals at ang mga limang hybrids na kanilang nakasama sa kanilang pag-atake.

Masayang nagku-kwentuhan ang lahat maliban lamang sa isa. Nakikisali rin naman si Black kung siya ay nasasali sa usapan o kung kaya naman ay kapag siya ay tinatanong. Katulad kung paano sila umalis sa bayan ay ganoon din ang ayos nila pabalik. Magkahawak ang mga kamay ng mga magkasintahan.

Ang isang iyon ay walang iba kung hindi ang prinsipeng si Red. Walang nakakaalam kung ano man ang nasa isip niya ngayon. Pero sa totoo lang, kayang-kaya ni Black na basahin ito kahit naka-block ng walang kahirap-hirap pero naisip niya na wala raw 'thrill' kung babasahin niya ang tumatakbo sa isipan nito.

"Kuya Black, babalik na ba kayo ngayong araw rin?" tanong ni Alex. Hindi nag-abala ang prinsipe na balingan ito ng tingin at tumango na lamang bago sumagot.

"Later in the afternoon." nagtaka naman sila sa sagot nito. Maaga silang umalis sa Aleyva at tatlong oras lang ang kanilang ginugol sa pagtapos ng misyon kaya naman sa tanghali ay maaari na rin silang umalis.

"You're good in blocking your minds but not hiding your expressions. Halata naman na gusto niyo pang i-celebrate ang pagkapanalo natin." sa pagkakataong yon ay lumingon na si Black sa kanila tsaka sila binigyan ng isang tipid na ngiti. Napangiti na rin naman silang lahat.

"Nice! Gusto ko pa talagang makasama sila." pagdidiwang ni Blue na hindi naman na tinugunan pa ni Black.

"Sus. If I know gusto mo lang kumain nang kumain." pang-aasar ni Orange dito na nagpatawa sa iba. Kasi sigurado naman na sa oras na sila ay magdiwang, hindi mawawala ang kainan.

"Hindi lang naman ako yung matakaw sa grupo ah! Si Green din kaya." wika nito habang nakanguso. Saglit na hinatak ng kanyang nobya ang nguso nito bago sinabing,

"Nandamay ka pa. Tsaka tigilan mo nga yan. Mukha kang pato sa totoo lang." mas lalo naman silang tumawa dahil sa sinabi ni Violet. Hinalikan naman ni Blue sa pisngi ang dalaga kaya naman nagulat siya.

"Yiee, si kuya Blue dumadamoves." tila kinikilig na sabi ni Alice.

"Violet, you're blushing." sabi ni Indigo habang nakangisi. Nagfocus naman ang iba sa mukha nito at nakita ang namumulang tenga at pisngi nito.

"Tigilan niyo ako kung ayaw niyong malagyan ng lason yung kakainin niyo mamaya." pambabanta ni Violet ngunit parang walang nakarinig dahil patuloy pa rin sila sa pag-asar dito. Napangiti nalang si Blue sa kanyang kasintahan.

"Malapit na tayo." biglang singit ni Red sa usapan na ngayon lang nagsalita. At totoo ngang malapit na sila. Base sa nakikita nila, mukhang walang ibang sumugod habang wala pa sila.

Ang limang hybrids ay tumakbo pabalik sa kanilang bayan. Napangiti naman ang Royals sa mga inasta nila bago rin tumakbo.

"MALIGAYANG PAGBABALIK!" nagulat man dahil sinurpresa pa sila ng mga hyrbids, ay agad naman silang napangiti. Halata kasing nag-effort ang mga ito. May nakahanda na agad na mga pagkain at mayroon ding banner na gawa sa pinagtagpi-tagping dahon na mukhang ang mga batang hybrids ang gumawa.

Pumunta sila sa lugar kung saan din sila nagtipon kaninang umaga. Ang pinakagitna ng Aleyva.

"Maraming salamat po sa pagsalubong namin. Katulad po ng sinabi ni Shadow kaninang umaga, sa oras na bumalik po kami dito ay masisiguro na po ang kaligtasan niyo. Sa totoo lang po, ang akala po namin ay matatagalan pa po kami pero dahil kay Shad, mas napabilis po kami. Salamat po sa pagpapatuloy sa amin dito habang isinasagawa namin ang misyon." magalang na sabi White sa mga hybrids sabay yuko. Yumuko rin ang mga Royals at sabay-sabay na nagpasalamat. Nag-alinlangan si Red pero walang nagawa kung hindi ang makisama sa ngayon.

"Magsitayo na kayo mga iho at iha. Kami nga dapat ang magpasalamat sa inyo. Ligtas na kami ngayon. Salamat." sabi ng isang matandang lalaking hybrid.

Pumunta si Kaito sa harap ng mga Royals at lumuhod na sinundan nila Atom at Blaz. Luluhod din sana ang kambal pati na rin ang ibang hybrids ng pinigilan na sila ni White. Hindi naman nagpapigil ang tatlo.

"Maaasahan mo kami sa kahit anong oras, Black, kung pagdating ng panahon ay kailanganin mo rin kami." wika ni Kaito. Pinag-isipan ni Black ang sinabi nito at inisip kung dapat niya bang idamay ang mga hybrids sa magaganap na digmaan. Wala pa siyang nagiging desisyon.

"Tayo na nga diyan. Crush niyo nanaman ako." nakangising sabi ni Black na nakapagpatawa sa mga hybrids at ibang Royals.

Agad namang tumayo at tumanggi ang tatlo na mas nakapagpatawa pa sa iba. Maya-maya naman ay lumapit kay Black ang kambal. Napatingin si Black dito. Naka-puppy eyes pa ang kambal na parang nagmamakaawa. Binasa ni Black ang isip ng dalawa.

'Gutom na po kami.'

Bahagyang natawa si Black sa nabasa niya. Mukhang nanghihingi pa ng permiso ang kambal bago kumain. Ginulo ni Black ang buhok ng kambal bago bumaling sa mga hybrids.

"Kain na po tayo!"

Agad namang natuwa si Blue na nagawang iwanan si Violet at mabilis na pumunta sa lugar ng pagkain.

"Kainan na!"

--

Naghahanda na sa kanilang pag-alis ang mga Royals. Wala na silang masyadong ihahanda dahil napagdesisyunang magteteleport na lamang sila pabalik. Si Black ang gagawa nito dahil tanging siya lamang ang may kakayahang magteleport pabalik sa kanilang pinanggalingan sa kanilang grupo. Maliban sa kanya ay wala ng nakakaalala pa ng daan na kanilang tinahak.

"Bibisita po kayo, 'di ba?" sabay na tanong ng kambal. Nacute-an naman ang prinsesa na nagawa pang kurutin ang matatambok nilang pisngi.

"Oo naman. Kayo din, pwedeng-pwede kayo bumisita sa amin." nakangiting wika pabalik ni White.

"Paano na kami Black kung wala ka?" nag-aalalang sambit ni Kaito. Nalipat naman sa kanila ang atensyon.

"What do you mean? Ikaw na ang pinuno ng bayan na ito. I saw your potential while you and the others are fighting those pythons. You can protect them without me." mahabang sabi ni Black. Napangiti naman sila sa sinabi nito.

"I guess this is a goodbye then? See you next time!" masiglang pagpapaalam ni Blaz. Si Atom naman ay isang simpleng paalam lang ang sinabi.

"Paalam po!"

"Magi-ingat kayo!"

"Salamat uli!"

Ngumiti sa kanila ang mga Royals. Lahat sila ay nagkapit ng kamay.

"We'll definitely see each other soon. I promise you that." huling salita na narinig nila mula kay Black bago sila mawala.

Sumulpot na lang bigla ang mga prinisipe at prinsesa sa bungad ng gubat kaya maraming nagulat sa biglaan nilang dating.

'Three... two... one...' pagbibilang ni Black sa isip nito.

"THEY'RE BAAAAAACCCKKK!!!" sabay-sabay na tili ng mga kababaihan at kalalakihan na hindi nalalayo sa edad ng mga Royals. Ang mga mas matatanda naman ay ngumiti lamang sa kanila bilang pagbati. Iisa lang ang nasa isip ng lahat ng Royals.

'We're really back.'

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon