Naglalakad kami ni Light ngayon papasok ng school. Medyo awkward lang kasi pareho kaming tahimik hanggang sa mag-tanong siya.
"Kamusta ka na pala?" buti nalang. Akala ko mapapanisan na ako ng laway. Kahit na parang wala lang din ang kanyang tanong. Kinakamusta niya ako pero sa iisang bahay lang naman kami nakatira?
"Okay lang." sagot ko. Medyo nagulat pa nga siya kasi sumagot ako.
"Ano bang relasyon niyo ni Wailey sa isa't isa?" tanong niya pa.
"She's a friend. Bakit mo natanong?"
"Nothing. Bakit ka nga pala umiiwas sa amin?" tanong niya ulit. Dami naman nitong tanong.
"It's about the traitors. Inutusan ako ni Chaos na-" huli na nung malaman ko ang mga sinasabi ko. Bwisit kang bibig ka. Alam niyang may traydor pero hindi niya alam na nakapunta na ako sa Higher Realm.
Bigla namang lumitaw si Light sa harap ko na nakapameywang at nakataas ang isang kilay.
"You have some explaining to do Mr. Deciel." pinaliwanag ko agad sa kanya ang lahat. Sorry Chaos.
"Kaya naman pala. Sa susunod hindi na ako magugulat kung gagamit ka ng ibang elemento."
"Fine. Sorry about these past days."
"Teleport na tayo." tinamad na siguro tong mag-lakad.
Tumago lang ako at nagteleport na sa tapat ng pinto ng room namin. Nasa tabi ko naman si Light.
"You two are late. Since first time niyo naman, I'll let this pass okay?" tumango naman kami ni Light at pumunta na sa upuan namin. Late na pala kami?
Pagdating namin galing sa Treoplac's Temple ay pinaliwanag nila tito Zues at Dad sa akin na kami dapat ni Light ang magpakasal sa isa't isa. And take note, sa harap mismo ng Royals. Kaya sila Yellow? Inasar kami nang paulit-ulit maliban kay Red na tahimik lang sa gilid.
"Ang topic natin today ay ang higher realm." panimula ni Mrs. Herashi.
"Ang higher realm ay ang realm kung saan naroroon ang mga gods, goddesses pati na rin ang mga guardians. Ang treoplac's temple ay tsaka lang pinupuntahan ng mga guardians kapag naramdaman nilang mayroong papunta o pupunta sa templo."
"Totoo po bang pili lang ang makakapunta sa higher realm unlike the other realms?" tanong ni Orange.
"Yes. Kung makakapunta ka roon, maswerte ka." I don't think so. Grabe ang training na dinanas ko sa realm na iyon.
"Yun muna sa ngayon. Punta kayo sa arena sabi ni Mr. Regio. Doon niyo gagawin yung activity niyo." sabi ni Mrs. Herashi sabay labas. Grabe naman atang iksi ng lecture niya?
"Kayo ah! Ilang rounds ang nangyari at late kayo?" tanong sa amin ni Green. Ha?
"Ano?" takang tanong ni Light.
"Ay? Hindi tinanggi? So mayroon nga?" sabi naman ni Blue habang tinataas baba pa ang kilay.
"Ano bang rounds sinasabi niyo?" tanong ni Light.
"Duel. Ilang rounds ng duel." sagot ni Indigo na nagawa pang ngumisi sa akin. Mukhang pati siya ay unti-unting nahahawa na kayla Blue.
"Hindi naman kami nagduel."
"Alam mo, sure. Tara na nga lang. Lakad o teleport?" tanong ni Gold.
"Lakad nalang. Matagal na hinding nae-expose ang kagandahan ko." sabi ni Violet sabay hawi ng buhok.
"Talagang hindi naeexpose kasi wala ka naman non!" asar sa kanya ni Blue na sinundan ng tawanan ng iba.
"C'mon. Mr. Regio is waiting for us. " sabi ni Indigo.
"Sungit." bulong ni Yellow.
"I heard you."
"May tainga ka nga kasi." sabi ni Yellow sabay irap.
Wala pa yata silang balak umalis. Tumayo na ako sa upuan ko at nagsimula na maglakad paalis. Nakita ko naman na humabol sa akin si Light.
"Galit ka?" tanong niya sa akin. Nakasunod na sa amin yung iba.
"I'm not. Baka ma-late uli tayo." sagot ko kay Light.
Habang naglalakad kami, hindi maiiwasan yung bulungan ng mga nakakasalubong namin. Yung iba hindi nakuntento sa bulong at sumigaw pa ng mga papuri sa amin. Nginingitian naman sila ng iba.
"You really took your time, you know?" bungad samin ni Mr. Regio pagpasok namin sa arena.
"Sorry po. Eto kasing si Violet busy sa pagpapaganda sa harap ng mga students." pagdadahilan ni Blue.
"Pwede naman kayong magteleport nalang. Anyways, magkakaroon tayo ng duel ngayon. Black laban kay White. Unang bumagsak, talo. At para hindi boring, I called some audience." sabi ni Sir tapos nagsilitawan ang mga students sa mga upuan dito sa arena. Pero hindi naman lahat. Yung mga studyanteng vacant ang schedule siguro.
"Pumwesto na kayo." utos ni Mr. Regio. Umupo muna ang Royals kasama ang ibang studyante. Pumwesto naman na kami ni Light. Sa kabilang dulo siya, ako naman sa kabila. Kanya-kanyang cheer naman ang mga students. Napansin ko na mas nangibabaw ang mga cheers kay Light. Sikat.
'GO PRINCE!'
'LET'S GO PRINCESS WHITE!'
'HINDI MATATALO NG DILIM ANG LIWANAG! WOOH!" huh?
"Alliard Sword."
"Killiard Sword."
Bigla siyang sumugod papunta sa pwesto ko at sinugod ako. Wala pang gumagamit ng power sa amin. Bigla siyang tumalon papalayo sa akin.
"Light Goddess' Aura." kailan pa siya binigyan ng pahintulot ng Light Goddess?
"Dark God's Aura."
'Woah! Pareho silang may basbas ng god at goddess.'
'Swerte naman nila.'
"Light Aura vs. Dark Aura, huh? Exciting." sambit ni Sir.
Sabay naming sinugod ang isa't isa. She caught me off guard kaya nadaplisan ako sa kaliwang bahagi ng tiyan kaya tumalon muna ako papalayo. Hindi ko nga pala nilabanan sila Gail at Light.
We continued to exchange blows. Maya't maya ang kunot ng aking noo dahil kahit na sumailalim ako sa pag-eensayo sa higher realm ay nasasabayan ako ni Light.
Napatigil kaming parehas at naghabol ng hininga. Kinabahan ako nang mapansin na nakangiti si Light.
"I think our bed seems a bit too big for us. Maybe we should buy a smaller one. It will be cozier."
"Huh?"
"Princess White wins!" sabi ni Sir Regio kaya nagsigawan ang mga studyante. Napatingin ako sa aking leeg at nakita ang dulo ng espada ni Light na nakatutok doon.
"Kinakalawang ka na."
"I- Goodness." nailing nalang ako. Sa simpleng tanong niyang iyon ay nagawa niya akong madistract.
"So, a smaller bed?"
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...