Since nanggaling na rin naman na ako sa palasyo, kumuha na rin ako roon ng mga kakailanganin namin para kumain.
Lahat kami ay kasalukuyan ng kumakain. Wala pa rin dito sila Indigo at Yellow. I hope that they're enjoying.
"Black, papaano mo nga pala nagawa yon? Hindi ba sabi huwag magteteleport kasi baka maligaw tayo? Bakit ikaw nagawa mo?" tanong ni Blue pagkalunok ng kinakain niya.
"It's easy. Just remember the path that we took and then, yeah. You can teleport back now." sagot ko sa tanong niya. Nakita ko namang napanganga sila sa sinabi ko except kay Red na kumakain lang.
"Palibhasa matalas memorya kaya ganyan eh." pailing-iling na sabi ni Orange. Ano naman kung matalas memorya? Sila rin naman.
"Aw, ganon? Hindi naman kasi ako tumitingin sa dinadaanan natin kanina eh." tawa ni Blue kaya nakatanggap siya ng hampas mula kay Violet.
"Bakit naman kasi di mo tinitignan dinadaanan mo?"
"It's because I'm always looking at the beautiful one infront of me, Violet my loves." sagot ni Blue sa tanong ni Violet sabay kindat dito na sinuklian naman ng pag-irap nung isa.
"Okay guys, that's enough. Matulog na tayo. Siguro bukas makakarating na rin tayo don. Huwag na natin hintayin sila Indigo, kaya naman nila protektahan ang mga sarili nila kung sakali."
--
Naglalakad na uli kami. And seriously, I'm starting to get pissed because of Blue.
"Malayo pa ba?" there he goes again.
"Jusko naman Blue! Pang-ilan na tanong mo na ba yan!? Naiirita na ako ha!? Sa tingin mo ba alam namin? Hindi pa nga tayo nakakapunta doon diba? So paano natin malalaman kung gaano pa tayo kalayo!?" iritadong sabi ni Gold sa kanya na sinamahan pa ng irap. Totoo naman kasi. Pang-isang libo na tanong na ata niya yan.
"Sorry na. Huwag kang sumigaw. Iiyak ako, sige ka."
Habang naglalakad kami, hindi pa rin maiwasan na makaharap kami ng mga kalaban. Lahat naman goblins lang so kayang-kaya namin. At katulad ng mga nauna, may mga color violet kaming nakikita sa mga katawan nila.
"Nakakadama ako ng mga kung ano mang creatures. I think they're the ones we're looking for. Just walk straight ahead. Malapit na tayo." biglang sabi ni Indigo. Na-excite naman silang lahat dahil sa sinabi nito. Ako rin, actually.
Nagsimula naman na silang lahat na tumakbo. Excited talaga tong mga to. At dahil tumakbo na nga sila, nakitakbo na rin ako.
Hmm, from this distance, nararamdaman ko na ang presence nilang lahat. I guess sila Light din.
Hindi namin inaasahan ang madadatnan namin dito. Pagkarating namin sa tarangkahan ng bayan ay madaming mga goblins ang nasa labas at sinusubukang pumasok. Nag-alala kaming lahat and at the same time ay namangha dahil sa nakita naming itsura ng guwardiya na sinusubukang pigilan ang mga ito mula sa pagpasok sa pamamagitan ng pagharang sa pinto. Mayroon siyang sungay at buntot na parang sa isang toro. Masasabi kong malakas siya dahil nagagawa niyang pigilan sa pagpasok ang mga goblins. May mga medyo maliliit na butas mula sa bandang gitna ng gate pataas kaya kita mula sa labas ang mga nangyayari sa loob. Nahaharangan naman ng metal na medyo mas mataas sa mga goblins ang parteng ibaba.
Kitang-kita dito sa pwesto namin na nagkakagulo sila dahil sa bantang mga goblins pero nang nakita nila kami ay parang namangha sila at kumalma.
"Ang mga Royals! Ang mga Royals ang pinadala ng mga hari at reyna! Ligtas na tayo!" sigaw ng isa sa kanila. Nakita namin na mayroong mga kumot na nakalatag sa labas at nakahiga don ay mga hybrid na may mga iba't ibang injuries.
"Hoy, Shad." maka-hoy naman tong si Light.
"What?"
"Anong 'what' ka diyan? Anong plano?"
"Get their attentions. Some of us will get their attention and fight them. You will have to go inside and try to heal the injured hybrids. Ang mga gustong sumama kay Light, sumama kay Light. " sabi ko na ikinatango nilang lahat.
Nakita kong kumuha ng bato si Blue at binato sa isa sa mga goblins. Napatingin naman ang iba sa kanya na parang gusto na siyang patayin.
"What? Sabi ni Black." sabi nito sabay nguso. Bigla na lamang siyang namula nang mabilis siyang hinalikan ni Violet tsaka siya sinabihan ng isang simpleng 'bye' bago mag-teleport paalis. Sila Green, Gold and Orange naman ay sumunod na rin sa kanya. Si Indigo ay hinalikan sa noo si Yellow.
"Be safe."
"Of course."
Parang baliktad? Kasi dapat si Igo yung sinasabihan ni Yels eh. Kasi hindi ba siya yung lalaban?
"Hoy."
"Hoy ka rin."
Natawa nalang kaming mga natira dahil sa sinabi naming dalawa ni Light. Eh paano kanina pa siya hoy nang hoy.
"Ubusin niyo lang yang mga goblins then sunod na agad kayo sa amin ha? Wala ng ibang gagawin."
"Yup."
Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago magteleport papaloob. Nakita ko naman ang saglit na pagsimangot ni Red. Hm? Hindi niya susundan si Light? That's new.
"Ilan sila?" tanong ni Blue kay Indigo
"Seventy... eight."
Inilabas na nila Red at Blue ang kanya-kanya nilang weapon at tsaka umatake. Habang si Indigo naman ay nagsimula na rin.
Nagsimula nalang muna ako sa paggawa muna ng dalawang dark sword at pag-atake gamit ito. We're all fine not until we heard the girls scream. We can't waste any time here.
"Tapusin na natin 'to. Kailangan tayo sa loob." sabi ko. Mas lalong bumilis ang pag-atake ni Blue at Indigo. Halatang gusto na talagang puntahan sila Violet. Gusto ko na ring makita si Light kaya naman sinabayan ko na rin ang pace nila.
Agad kaming pumunta sa loob. Agad nagpasalamat ang hybrid na gwardya sa amin bago tuluyang isara ang tarangkahan. Mukhang sa pag-atake ng mga goblins na iyon ay nagawa nila itong buksan.
"Anong nangyari?" sabay-sabay na tanong naming apat.
"Yung mga injured na hybrids, nagawang i-heal ni White yung iba pero may natira pang tatlong hindi. Nagulat kami nung bigla na lang muntik kagatin nung isa si White. Tapos nagsimula na ring bumangon yung dalawa pa. Para silang zombie. Kinulong ko muna sila sa isang metal cell." nakangiwing paliwanag ni Gold sabay turo doon sa mga kulungan.
"Are you okay?"
'What a dumb question. She was almost bitten by a zombie-like creature then you're asking if she's okay?' si Darko ang nagsalita sa aking isip. May point siya.
"Yeah. Pero ayos lang ba kung magpahinga muna tayong lahat? Masyadong maraming energy ang nagamit ko kanina... sa pagpapagaling... kaya naman..." bago pa bumagsak si Light ay sinalo ko na siya.
Nakita ko sa mga mukha ng mga residente ang iba't ibang reaksyon. Ang iba ay natatakot para sa kung ano man ang posibleng mangyari. Ang iba ay nag-aalala para kay Light. Ang iba naman ay parang nakakita ng bagong pag-asa na para bang maliligtas namin sila.
Tinignan kong mabuti si Light. Medyo maputla siya at halata sa kanyang mukha na napagod talaga siya.
Ang ganda niya pa rin.
"Mamaya mo na titigan." kalabit sa akin ni Blue.
"Shut up."
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...