Chapter 31

479 37 2
                                    

Sinipat ko ng tingin ang orasan at nalamang marami pa ang oras para makapaghanda ako bago pumasok. Ang aga ko naman nagising.

I tried to get up but couldn't. Lumingon ako sa aking gilid at nakita si Light na mahigpit na nakayakap sa akin. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko talaga magawa.

"Likot. Maaga pa." sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap kaya mas napalapit pa ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Sorry. Did I wake you up?" tanong ko.

"Hindi naman. Tulog ka uli." sagot niya. Teka, parang may mali. Masyado siyang malambing and usually ay mas nauuna siyang magising sa akin. Nilingon ko ang pinto at... hm, quite clever.

"Light?"

"Hmm?"

"Nanggaling ka na ba sa baba?"

"Yeah. Nagluto ako kanina. Why?"

"Cenalo."

At nawala na nga ang ilusyon na Light. Muli kong sinipat ng tingin ang orasan at nakitang nagbago na ang oras. Halos kalahating oras nalang bago ang unang klase.

Sa pinto ng kwarto na ito, may nilagay akong marka sa likod ng pinto. Pero dahil kulay itim din ang pinto, mukhang ako lang ang nakakapansin non. Yung pinto kanina, nakasara at hindi nakabukas. Kapag si Light ang unang nagigising, iniiwan niyang bukas ang pinto kahit na bumalik pa siya dito sa kwarto. Hindi rin ganito kalambing si Light. Nangungurot pa nga iyon. But may times na malambing siya pero yung hindi ganoon klase na sinisiksik niya talaga ako. Wala rin ang markang nasa pinto.

Sa totoo lang, buong bahay ang nilagyan ko ng marka. Para naman kung sakaling may umatake sa amin dito mismo sa bahay sa pamamagitan ng ilusyon, madali ko lang malalaman.

Nakaligo na at nakaayos akong bumaba. Habang bumababa ay naramdaman kong may mga bisita kami. Royals. Nasa living room silang lahat.

"Who made that illusion?" tanong ko pero walang sumagot at gulat lang silang napatingin sa akin.

"No one is answering my question."

"Kalma lang. Pumunta si tito Zues dito kanina at siya ang naglagay ng ilusyon na yon. Titignan niya raw kung may gagawin ka ba kay White na hindi niyo pa dapat ginagawa. Test niya raw yun. At nakapasa ka." kinakabahang paliwanag ni Blue. Oh, so that's why.

Magsasalita na dapat ako pero biglang lumitaw si Dad. Ay hindi pala. Just a copy. May spell para makagawa ng isang copy ng sarili pero nakalimutan ko kung ano. It's not a spell that I want to use anyways.

"Son."

"Hmm?"

"Go to the human realm and help some fallen angels. Si King Hermes ang nagpadala ng mensahe. Nakita ng ilang tao ang kakayahan nila at hinahabol na sila ngayon. Nasa isang gubat sila."

Nakita kong nagulat si Light pero agad ding binawi. Who wouldn't be? Ang mga fallens ay binabalak na makipagdigma sa amin pero tutulungan pa namin sila? At parang sobrang careless naman ng mga fallen na iyon.

"By the word 'help', what kind of help?"

"Kill those humans who are after them. Make sure rin na wala silang ibang taong sinabihan." papatayin agad?

"I'll be out for a while." sabi ko at magte-teleport na sana pero pinigilan ako ni Light.

"I love you! Ingat."

"I love you too."

--

Pagkarating ko sa human realm, agad akong nagfocus at pinakaramdaman ang mga aura ng Fallen Angels. Medyo mahirap dahil sobrang dami ng mga fallen dito sa human realm pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga lugar na maraming puno o nasa paanan ng bundok.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon