"White, bangon na, may balak pa kayong umalis ng iyong mga kaibigan hindi ba?" rinig kong pag gising sa akin ng aking ama. Dahan-dahan akong umupo habang nagkukusot ng mata.
"Good morning po."
"Good morning. Prepare yourself para sa lakad niyong magkakaibigan." ngiti sa akin ni Daddy bago lumabas ng aking kwarto.
Agad akong naligo at nagbihis. Paniguradong naghihintay na sila sa Central Plaza kaya naman minadali ko na ang aking sarili.
Matapos gawin ang lahat ng kailangang gawin ay hindi na ako nagpaalam pa sa aking ama dahil alam naman na niya na aalis na ako. At isa pa, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.
Agad akong pumasok sa portal papunta sa central realm at nagteleport agad papuntang Central Plaza. Doon ko nakita ang napakaraming nilalang na mostly ay mga estudyante rin sa Academy.
But of course, kahit sobrang dami ng nandito ay mabilisan ko lang din nakita ang aking mga kaibigan. They stand out too much.
"Princess White is beautiful as ever, isn't she?"
"Agreed. I just hope na magawa niyang makasama uli si Prince Black."
"I ship them so much. Kapag hindi sila nagkabalikan, aba. Baka mapatulan ko ng ano si King Hermes."
'Sira.Wala kang laban don. He's not a king for nothing.'
Bakit namin kailangan magkabalikan kung in the first place naman ay hindi kami naghiwalay?
Habang naglalakad papunta sa mga Royals na kasalukuyang nakaupo sa mga bench ay nakita na nila agad ako. Kumaway sila na ginantihan ko rin naman.
Hindi lang Royals ang nandito. Kasama rin namin si Kent, Wailey at Zero na agad akong niyakap pagkalapit ko.
"I missed you, Mom."
"Same here, Zero." wika ko sabay gulo ng buhok nito. Napabitaw naman siya mula sa pagkakayakap sa akin dahil ayaw niya na ginugulo ang buhok niya. Maarte rin to eh, mana kay Shadow.
"Okay, si Black nalang talaga ang kulang at magmumukha na talaga kayong happy family." natatawang sambit ni Yellow.
"Magmumukha? No. Isa talaga silang pamilya." napangiti at tango naman ako sa sinabing yon ni Indigo.
"Well, ayaw kong sirain ang atmosphere pero tara na. Libot na tayo at sobrang mapapalaban tayo bukas." yaya sa amin ni Violet na sinunod naman namin.
Una muna kaming nagpunta sa karaoke bar. Good thing at kahit papano ay updated pa rin kami sa mga musics, movies, at kung ano-ano pa na mula sa human realm.
Kumuha kami ng isang malaking private room since may karamihan kami. At dahil wala namang killjoy sa amin ay lahat kami ay napakanta.
Duet na kinanta nila Blue at Violet ang Like I'm Gonna Lose You.
Sila Indigo at Yellow naman ay ang Lay Me Down.
Sa Ngalan Ng Pag-ibig naman ang kay Gold na nagawa pa naming asarin dahil feel na feel talaga niya ang pag-kanta. Nakarinig din kasi kami ng rumor na nag-away si Gold at Xian. Pero hihintayin na muna namin na siya mismo magkwento bago kami maniwala.
Si Green naman ay kinanta ang That's What I Like habang titig na titig kay Kent at tinataas-baba pa ang mga kilay.
Fall For You ang kinanta ni Kent na siya ring titig na titig kay Green habang kumakanta. Gumaganti.
At nakakagulat lang dahil maski si Zero ay kumanta rin. I Wouldn't Mind ang kinanta niya. Medyo nagulat ako saglit dahil ito ang unang beses na kumanta siya at sobrang ganda pala ng boses nito. Kinanta ko nalang ang A Thousand Years.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...