Lahat ng hybrids at Royals ay tulog na sa oras na ito. At syempre, magkakatabi ang mga couple. Violet and Blue, Indigo and Yellow, at syempre, ako at si Light. Siniguro kong tulog silang lahat dahil pinaplano kong puntahan yung mga zombie. May susubukan lang akong gawin. Bukod sa ayaw kong may makakita, ayaw ko rin ng distraction.
Kanina bago matulog ang lahat, inutos kong huwag munang tatapusin ang mga zombie na yon at may mga gagawin ako sa kanila. Agad namang pumayag ang mga hybrids basta raw siguraduhin kong walang makakawala.
Gumawa ako ng dark fire sa kamay ko habang naglalakad upang magsilbing liwanag. May itim na awra na nakapalibot dito at hindi namamatay ang apoy sa oras na gamitin ito maliban nalang kung ang may-ari ng apoy na mismo ang papatay nito.
Which reminds me, matalas ang memorya ko pero parang may nakakalimutan ata ako.
Naririnig ko na ang mga zombie na kinakalampag ang metal cell na ginawa ni Gold. Ibig sabihin lang non, nakapasok na ako don sa area kung saan ako naglagay ng sound barrier.
Hindi naman kasi pwedeng hayaan ko ang mga ito na mag-ingay nang mag-ingay at hindi makatulog ang mga kasama ko.
"You guys look normal." wala sa sariling sabi ko habang pinapasadahan ng tingin yung tatlo na pilit akong inaabot. They really look normal. Ang kakaiba lang talaga sa kanila is may kulay violet dun sa paligid ng sugat na meron sila.
Now let's see if I can heal these guys. Gumawa ako ng dark fire sphere na nakapalibot sa amin para makasigurong wala talagang makakakita ng gagawin ko.
Nag-concentrate akong mabuti para marating ng isip ko ang isip ng Light Goddess. Nasa magkaibang realm kami kaya medyo mahirap.
Maya-maya naman ay narinig ko ang boses ni Chaos sa isip ko. Ang Light Goddess ang puntirya ko ah?
'Sabihin mo lang ang unseal then yung power na gusto mo para hindi ka na mahirapan pa sa pagpunta sa mga isip ng mga diyos at diyosa.'
'Okay, then. Thank you.'
'Sure. Sige na, matutulog na ulit ako. Istorbo.'
Kailangan pala nila ng tulog?
Nawala naman agad siya pagkatapos kong magpasalamat. Parang hindi naman ako nanghihingi ng permiso kapag ganoon? Parang nagka-cast nalang ako ng spell? Ay ewan. Bahala sila. Pumikit ako at sinabi sa isip ko ang mga katagang,
"Unseal Light."
Unti-unti kong naramdaman ang light power sa katawan ko. Actually, medyo nakakapagtaka kasi nakokontrol ko ang kapangyarihan ng liwanag even though I'm a demon. Pero ramdam kong mas nade-drain ang stamina ko tuwing ginagamit ko ang light kesa sa ibang elements. But that doesn't matter anymore. May kailangan pa akong gawin.
Sinubukan kong i-cast sa kanilang tatlo ang healing spell na 'heure' pero mukhang walang epekto.
Huminga ako ng malalim at itinapat ang kanang kamay ko sa lalaking nagngangalang Atom. Nalaman ko ang pangalan nito sa isa sa mga nakakakilala dito. Tinanong ko rin ang pangalan ng dalawa at ang tawag naman sa kanila ay Blaz at Kaito. Si Atom ay isang hybrid ng tao at aso. Si Blaz ay kalahating anghel at lobo. Habang si Kaito naman ay kalahating anghel at leon.
May kulay puting liwanag na lumabas sa kamay ko diretso kay Atom. Mas lalo naman siyang nagwala kaya alam kong may epekto ito sa kanya. Mariin akong pumikit at finocus pa ito sa kanya. Nade-drain na yung stamina ko.
Sana gumana. Sana gumana.
Nang hindi ko na narinig ang pagwawala niya ay binaba ko na ang kamay ko at binuksan ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasiaLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...