"Ang tagal na nating naglalakad pero mukhang malayo pa rin tayo." reklamo ni Orange habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
Sinipat ko ng tingin si Light sa tabi ko nakita kong mukhang inaantok na siya. Malapit na rin magdilim.
"Mas maganda siguro kung magpalipas na tayo ng gabi rito." suhestiyon ni Yellow sabay lapag ng backpack niya at upo sa isa sa mga ugat ng puno na nasa paligid lang namin. Nagsiupo naman na kaming lahat.
"Sino sa inyo yung may dalang pagkain?" tanong ni Light. Nilabas naman ni Violet at Blue mula sa mga backpack nila ang ilang karne at gulay na maingat na nakabalot. Kakaiba mag-isip ang dalawang 'to. Karne at gulay talaga? Hindi nalang ako magugulat kapag naglabas din sila ng kawali.
"Shadow at Indigo, maghanap kayo ng mga sanga para sa magiging fire place natin. Kaming mga natira dito ang bahala sa pagluluto." utos nito sa amin na agad naman naming sinunod tutal wala namang tutol sa sinabi niya.
Umalis na kami at nagsimula ng maglibot-libot para makapaghanap ng sanga. Madali lang naman siguro makahanap ng mga sanga tutal puro puno naman dito.
"Black." dinig kong tawag sa akin ni Indigo.
"Yes?"
"I'm planning something and I need your help." napahinto naman ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.
"Gusto kong maging official na kami ni Yellow bago matapos ang gabing 'to." determinadong sabi nito. Ngumiti ako. Grabe naman ang timing ng lalaking 'to. Sa loob talaga ng gubat.
"I'm in."
--
White
Masyado na atang natatagalan sila Shadow ah? Nag-aalala na ako.
"Ang tagal naman nila Indigo." naiinip na sabi ni Yellow. Nakahanap kami ng mga sanga malapit lamang sa pwesto namin kaya naman may apoy na kami pero hindi iyon magtatagal. Kailangan namin ang mga sanga na nakuha nila Black.
Maya-maya naman ay nakarinig kami ng kaluskos. Naging alerto naman kami sa paligid namin. Hindi ko maramdaman ang presensya niya. Nilibot ko lang ang paningin ko hanggang sa makakita ako ng anino mula sa isang puno sa may bandang kaliwa namin.
"Lumabas ka diyan!" sigaw ni Red sa kung sino man ang may-ari ng anino na yon. Tumalima naman agad ang kung sino man na nasa likod ng puno. Dahan-dahan siyang lumabas hanggang sa makita na talaga namin kung sino siya.
"Shadow!/Black!" isang Shadow na nagdudugo ang kanang balikat ang lumantad sa amin. Napaluhod siya at hindi na makatayo. May sugat din pala siya sa binti.
Imposibleng mangyari 'to. Hindi ko pa siya nakikita sa ganyang klase ng kalagayan.
"Black! Ano nangyari!? Nasaan si Indigo!?" nag-aalalang tanong ni Yellow.
"We were caught off guard by a chimera. Nagawa kong talunin ang chimera pero si Indigo... patawad Yellow. Hindi ko siya nagawang iligtas." napatakip ng bibig si Yellow sa sinabi ni Shad. Nag-umpisa na rin siyang umiyak. Lahat kami ay nalungkot sa binalita niya sa amin.
Wala naman kaming nagawa kung hindi ang damayan si Yellow na umiiyak lang sa isang tabi. Noong medyo kumalma na siya, lumapit siya sa pwesto ni Shadow. At lahat kami nagulat sa sunod niyang ginawa. Sinampal niya si Shad. Ang akala pa naman namin kumalma na ito. Lumayo ako saglit sa pwesto nila. Hindi ko naman magagawang magalit kay Yellow dahil lang sa pagsampal niya kay Shadow. Hindi naman siya mamamatay sa isang sampal.
"Bakit hindi mo nagawang iligtas si Indigo!? Akala ko ba malakas ka!? Isang chimera lang naman yon ah! Bakit isang higanteng dragon natalo mo pero isang chimera hindi!? Bukod kay White, alam kong si Indigo ang pinaka-close mo sa lahat ng Royals dahil ikaw ang nagtrain sa kanya nung bata siya pero bakit parang wala lang sayo ha!? Kung kailan naman alam kong mahal niya ako! Kung kailan naman na kailangan na kailangan ko siya, tsaka ka pa naging mahina! Bakit ngayon pang balak ko na siyang sagutin? Bakit!?" umiiyak na sigaw ni Yellow kay Shad habang patuloy itong hinahampas hampas. Inawat naman na siya ni Blue.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...