Nagpatuloy na muli ang duel pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Sylph. Actually, nagtaka ako dahil pwede naman nilang ipagpatuloy ang duel habang naguusap kami diba? It turns out, gusto nilang malaman ang pag-uusapan namin. Kaso dahil sa ginawa kong barrier, wala ring silbi.
"Xian Dalham vs. Gold Kairi Ravah." pumunta naman si Gold sa gitna ng arena at hinintay yung Xian.
"Hi Xi! Sorry pero kahit boyfriend kita, hindi kita hahayaang manalo." nakangisi na sabi ni Gold. So that Xian is her boyfriend. Hindi na masama.
"Not gonna go easy on you, Kai." ganti naman nung Xian. Kinda like his attitude.
"Three, two, one, duel start!"
Mabilis na naglaho si Xian sa harapan ni Gold. Sa ngayon ay mabilis niya munang iniikutan si Gold.
"Summon, Fulboil Bow." say what now?
Napatayo ang ilan sa mga studyante maski ang mga magulang namin dahil ang bow ni Xian ay one of the mythical weapons. Meaning, hindi alam kung totoong nag-exist o hindi.
Medyo nainggit ako. I never got one. At ngayon lang napatunayan na nageexist nga ang mga mythical weapons.
Siguradong malakas si Xian. Para kasi magkaroon ng ganoong klase ng weapon ay kailangan mo pang hanapin ang mga nangangalaga dito at talunin ito para tuluyan mong makuha ang weapon na iyon. Atleast, that was the Book of Myths said.
'Woah! Can you believe it!? Isang mythical bow!'
'I never realized na totoo ang mga ganyan.'
'He must be strong.'
'Let's not be so sure. Royal pa rin ang kalaban niya.'
'He's an earth controller. But with that weapon, he can actually defeat a Royal.' sabi ni Pydo sa aking isip.
'Is there any chance that he'll defeat Gold?'
'Around sixty percent.'
'And the chance to defeat me?'
'If you will be fair, then around thirty percent I guess.'
Two Royals defeated in a row? Hm.
Naglaban na sila. Gold didn't summon her weapon and just kept on using her powers.
Sa bawat bato ng metal spikes ni Gold ay nagpapakawala agad si Xian ng mga arrows para matapatan ito. Grabeng accuracy ang ipinapakita ng dalawa.
Nakita naman naming lahat na parang may naiipon na energy sa arrow na nasa bow ni Xian. Ginamit naman ni Gold ang pagkakataong ito para patamaan si Xian ng metal spikes. Tumama ito sa dibdib ng lalaki pero parang wala siyang naramdaman at pinakawalan na ang arrow.
"Eagle Arrow!"
Habang nasa ere ang palaso, nagbago ang anyo nito papunta sa isang agila. Tumalon papataas si Gold upang umiwas pero nang tumama ang palasong agila sa lupa ay nagdulot ito ng pagsabog. Nakita kong tinanguan ni Tito Zues si Dad. Tumango rin si Dad tsaka nagsalita.
"Air users and controllers, please remove the smoke. Thank you"
Tumalima naman ang mga Air Users at Controllers kasama si Green. Hindi na ako nakisali. Marami naman na sila.
Nung nawala na ang usok, nakita nila si Xian nakatayo habang hinihingal at nakahawak sa kung saan siya tinamaan. Si Gold naman ay nakahiga na sa sahig at walang malay.
"Xian Dalham wins!"
"Son, heal them." sabi ni Dad habang naka-mic. Ayos lang naman sa akin dahil alam ng ibang students na meron akong alam na healing spell. Ang problema yung mga hindi nakakaalam. Iisipin nilang may Light Power ako.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...