Red
"Watch your back. I can kill you quickly and silently without anyone knowing about it, traitor." nawala siya matapos bitawan ang mga salitang yan.
'Traitor.'
'Traitor.'
'Traitor.'
Tila bang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa aking isipan ang mga salitang yan.
"Hoy!"
"Ay traitor! What the heck!? Huwag ka ngang nanggugulat!" singhal ko sa mahal na prinsesang lumitaw.
"Para ka kasing tanga. Nakakita ka ba ng multo? And hey, sa nakikita ko naman wala kang bali. Mukhang sinapak ka lang." maka-lang itong babaeng to. Palibhasa hindi siya yung nasapak. Makapagsalita.
"Alam ni Black na isa akong traydor." sa sinabi ko ay siya naman ang napahinto. Unti-unting kumunot ang noo niya. Pag ganyan siya, nag-iisip yan.
"Papaano naman ha? Wala ba siyang ibang sinabi? May alam ba siya tungkol sa akin?" sunud-sunod niyang tanong. Umiling naman ako.
"Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Mukhang ang alam niya ay ako lang ang traydor." hindi ako duwag pero si Black iyon. Kung mamamatay man ako, ayoko sa kamay niya.
"Mabuti naman." hindi ko maiwasang mainis sa sinabi niya.
"Wow. Kapag talagang nabuking ka rin, who you ka sa akin." sabi ko rito sabay tayo.
"As if mabubuking ako. Magaling kaya ako umarte. Hindi ako katulad mo na masyadong nagpapadala sa emosyon." balik niya sa akin na sinamahan niya pa ng irap.
"Hindi ba sila magtataka? Bigla kang nawala ron." wika ko habang nagpapagpag.
"Nagpaalam ako na magsi-cr saglit so hindi naman siguro." sagot niya. Hinawakan niya na ako at tineleport sa bukana ng gubat. Kung saan tanaw na namin ang iba pang mga studyante ngunit sinuguro niyang hindi kami makikita ng mga ito sa pwesto namin.
"Babalik na ako don. Kahina-hinala kapag sabay tayong nakabalik." sabi niya bago muling mawala. Naglakad naman ako papalabas. Nakatanggap ako ng ilang masasamang tingin pero ang mga tingin ng paghanga ng mga kababaihan ay nangingibabaw pa rin.
"Narinig niyo ba kanina yung mga sinabi niya kay Prince Black?"
"Oo. Nasuntok siguro siya. May dugo pa labi oh."
"Pag ako man sabihan ng ganon magagalit din ako."
"Nandito naman ako kaya huwag na niya ipilit sarili niya kay Princess White."
"Ha. Patawa ka. Walking red flag yan."
"Flagpole ako hehe."
--
Black
Hindi ako bumalik agad sa pwesto nila Light at nagbihis na muna.
Naglakad na lamang ako pabalik kela Light dahil malapit na lang din ito. Hindi maiwasan ng mga kababaihan na mag-tilian habang ako ay dumadaan.
Noong papalit na ako kela Light ay napalingon agad siya sakin. Sinadya kong hindi itago ang aura ko. Nakita ko siyang bahagyang napanganga noong dumako ang mata niya sa may bandang tiyan ko. Bahagya akong napangisi dahil don. Topless ako ngayon.
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy at tumakbo na papunta sa kanya. Nagpalinga-linga na rin ako at hinanap si Zero ngunit hindi ko siya makita.
"Where is he?" kaagad kong tanong. Nag-iwas naman ng tingin si Light.
"Ah, ano, nagpaalam siya na sasamahan niyang kumain si Akki." hm, a date?
"Bakit hindi ka makatingin sa akin?" though may hula na ako kung bakit.
"Ang... dami..." ano raw?
"Anong madami?"
"Yung mga parang bato diyan sa kwintas mo ang dami." ah. The dragons.
"These are the dragons I got from the Higher Realm. Nakwento ko na to sayo. Did you forgot about it?" pag-telepathy ko sa kanya na.
"Magsuot ka nga ng sando or what!" sabi niya sa akin sabay tulak sa akin sa bandang tiyan ko.
"And why would I do that?" ngayon, nakukumpirma ko ng tama yung hula ko. Light ha.
"What did I miss?" biglang sulpot ni Orange. Saan siya galing?
"Bakit di kayo sabay ni Green?" tanong sa kanya ni Light. Oo nga. Wala si Green.
"Bakit naman kami magkakasabay?" kunot-noong tanong ni Orange. Edi sila na nag-usap. Inaasar ko pa si Light eh.
"Nagpaalam din siyang magsi-cr." sagot ni Light. Kumunot ang noo niya saglit bago muling magsalita.
"Baka sa magkaibang cr kami." wika nito sabay hagikgik. Bigla ko namang nakita si Green na naglalakad papunta sa amin na kasama na si Kent. Yung boyfriend niya.
Noong makarating sila sa pwesto namin ay mas nakita ko na ang mukha ni Green na nakanguso pero nung nakita niya ako ay bigla niyang hinampas ng pabiro si Light.
"Shems Light! Akin nalang si Black please." sabi niya rito habang inaalog-alog pa si Light. Pabiro naman siyang sinampal ni Light.
"Sira ka. Nakakita ka lang ng abs eh. But anyway, akala ko ba magsi-cr ka? Bakit ngayon kasama mo na si Kent?" tanong ni Light dito. Ako ay nakinig na lamang sa isasagot ni Green nang biglang suminghap si Orange.
"Green, don't tell me..." wika niya na may pagtakip pa ng bibig na nalalaman na parang nagulat siya.
"Utak mo Orange ha. Nahahawa ka na kay Green. That's bad." sulpot naman ni Violet na kasama sila Blue, Yellow, Indigo, Xian at Gold. Sama-sama yung mga magjo-jowa ah? Napanguso naman si Orange.
"Ang sama mo sa akin Violet ha. But to answer your question White-" naputol ang sasabihin niya nang sumabat si Blue.
"Naks. English. Pinaghandaan mo ba to?" nakatanggap naman siya ng batok kay Green na ikinatawa ng iba.
"Manahimik ka. So yon, oo nga susundan ko na dapat si Orange papuntang cr kaso itong lalaking to bigla akong hinatak at nagpasamang bumili ng pagkain niya." paliwanag niya.
"Pagkain ko pero nakikain din siya." tahimik na bulong ni Kent na narinig din namin kaya natawa sila. Nakatanggap naman siya ng pingot kay Green. Namimisikal tong babaeng to ngayon. Anong meron?
"Ah wait. Black saan mo dinala si Red? Baka maligaw yon." tanong sa akin ni Xian. Bakit kaya hindi ko gamitin ang tanong niya para magkaroon ako ng ideya kung sino ang traydor sa mga prinsesa?
"Don't worry about him. Baka may sumundo na rin sa kanya don. An accomplice or something." tinignan ko ng mabilisan ang reaction nila isa-isa. Pare-pareho silang nagtaka maliban sa isa na naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso hindi dahil sa kilig or what. Dahil sa kaba at takot. First time na hindi gumana maayos ang acting skills niyan
Napadaan ang tingin ko sa prinsesang iyon saglit.
Why? Isa ka sa mga malapit na kaibigan ni Light. Bakit mo to nagawa?
Ilan lamang yan sa mga gusto kong itanong sakanya ngunit hindi ko magawa. Hindi muna ngayon.
"Parang ang sama pakinggan ng accomplice. Acquaintance pwede?" reklamo ni Light. Pumwesto ako sa likod niya at niyakap siya. Pumikit ako.
"I'm sorry that I can not do anything about the other traitor."
Nagtataka sa akin si Light sa sinabi ko through telepathy. Hinalikan ko na lamang ang gilid ng kanyang noo at nginitian.
"Wala na. Dami ng langgam. Guys, alis na tayo. Kaya na nila Black yung mga langgam." natawa na lamang sila sa sinabi ni Orange.
What did Hermes told to that princess para pagtraydoran kami? How did that man convince her?
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...