Nag-start na ang klase at kasulukuyan akong nakikinig kay Sir Regio na nagtuturo about some skills na kailangan sa pakikipaglaban.
...
Nagtuturo siya pero hindi ako nakikinig.
"Pst." dinig ko ngunit hindi ko pinansin. Baka si Blue lang yon.
"Hoy, Shad." sabi niya kaya napalingon naman ako.
"Yes, Light?"
"Nag-aalala ako kay Zero."
"Don't be. Nakita naman natin ang kakayahan niya. Kaya niya ang sarili niya. Isa pa, makikita rin natin siya mamaya, okay?"
"Okay, okay."
Natahimik naman siya at humarap na uli sa board pero ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya kay Zero. The truth is, nagtataka talaga ako sa identity niya.
Habang may nagsasalita sa harap ay may biglang kumatok na naging dahilan ng kanyang paghinto. Pinagbuksan naman ni Sir Regio ang nasa labas. Si Sylph.
"Good morning po. Pinapaexcuse po ni King Hades at King Zues si Prince Black." magalang na saad niya.
"Prince, you heard her. You have my permission to leave." sabi naman sa akin ni Sir Regio kaya agad naman akong tumayo at naglakad papalabas.
"Lead the way, Sylph." sabi ko sa kanya. Nasa likod niya ako ngayon ngunit hindi naman kami masyadong malayo sa isa't isa.
"Chaos sensed na gusto mong pumunta sa Higher Realm. Ang sabi niya kung maaari ay kinabukasan na lamang." sabi niya. Tumango naman ako at pumayag na rin.
Matapos ang medyo mahaba-habang lakaran ay nakarating na kaming dalawa sa office nila Dad.
"Pasok na."
Walang katok-katok akong pumasok since hindi naman sinabi ni Sylph na need ko pang kumatok. Nakita ko naman agad sila Dad na nakatayo sa harap ko at mukhang inaabangan talaga ako.
"What?"
"Some staffs reported that you and White enrolled a kid." sabi ni Dad.
"Close raw kayo sa isa't isa at pagdating naman sa ibang tao, ang bata ay nagiging tahimik na parang ikaw Black." sabi naman ni Tito Zues.
Mukhang alam ko na ang iniisip nila. Slight.
"Sabihin mo Black Shadow Deciel." nakakatakot na sabi ni Dad though hindi naman ako natakot.
"Kailan pa nabuntis at nanganak si White at bakit hindi namin alam huh?!" galit-galitan na sabi nito. Feel ko lang na hindi talaga siya galit. Gustong-gusto niya ngang magka-apo.
"Please let me explain first." saad ko habang nakatingin pa rin ng diretso.
"Remember yung lalaking nahuli natin nung araw ng birthday ni Light? May sinabi siya about sa pagkuha ng anak niya hindi ba? Si Zero ang anak na tinutukoy niya." paliwanag ko.
"Oh. Sorry. Nag-over react kami. Excited lang magka-apo." sabi ni tito na patawa-tawa pa.
"Talagang inampon niyo na siya ni White?" tanong nilang dalawa. Tumango naman ako bilang sagot.
"Ibig sabihin, apo na namin siya right?" natutuwang sabi ni Dad. Ngumiti naman ako tsaka muling tumango.
"So, kailan naman namin pwedeng makita ang apo namin?" tanong ni Dad.
"Any time."
--
Wailey
Nandito ako kasalukuyan sa bahay kasama sila papa. Nanonood kami ng balita ngayon. Bored na bored akong nanood pero may balita na pumukaw ng atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...