Chapter 36

424 35 2
                                    

Light's birthday party at the arena already ended pero nagkaroon pa ng celebration sa bahay namin ni Light. Kami-kami lang ng mga Royals except kay Gold at kay Red. Si Red ay hindi nagpaalam habang si Gold naman ay sinabing may lakad sila ni Xian.

"Happy birthday ulit bes. Paano ba yan? Mas matanda ka na kay Black. Gurang ka na. Haha." pang-aasar ni Green.

"Magbi-birthday rin naman si Black ah? Tsaka 20 years old palang ako. Anong gurang!?" kunyaring nagagalit na saad ni Light sabay talikod. Bigla naman siyang nilapitan ni Green at niyakap.

"Sorry na. Don't worry. Kahit matanda ka na, love pa rin kita." sabi ni Green sabay halik sa pisngi ni Light.

"Love mo nga ako, hindi naman kita love. Si Shadow lang love ko." sabi ni Light tsaka ngumisi at lumapit sakin.

"Wala ka pala kay White eh." sabi nila Yellow.

"Di bale, love ko naman si Blue eh." sabi niya at lalapit sana kay Blue kaso muntikan ng tumama sa kanya ang isang poison ball na alam ng lahat kung kanino galing.

"Sige, lapit pa." pagbabanta ni Violet.

"Sus. Nagkasabihan lang kayo ng I love you, ganyan ka na. Pasalamat kayo wala dito si Kent." sabi ni Green kay Violet. Umirap lang si Violet sa kanya. Buti na lamang at hindi tumama sa mga pagkain yung poison ball.

"Black, bakit ang tahimik mo?" tanong sa akin ni Blue. Hindi ako sumagot.

Iniisip ko kasi yung lalaki kanina sa birthday ni Light. Sana hindi pa siya tinatapos ni Dad. May mga gusto pa akong itanong.

"Hala ka, White! Kabahan ka na. Baka kaya tahimik yan kasi iniisip niya yung isa pa niyang jow- AHHHHHHHH! ALISIN NIYO TOOOOOOOO!!!" sigaw niya nang nag-summon ako ng isang maliit na dark zombie sa may paanan niya. Kumapit kasi sa binti niya yung zombie. I removed the zombie from his foot by grabbing it bago ito i-unsummon.

"Don't forget to wash your hands, alright?" tumango ako sa sinabi ni Light.

"Violet babes, inaaway ako ni Black oh!" sumbong niya kay Violet.

"Okay." ang sweet ni Violet. I approve.

"I'm just thinking about what happened earlier." sagot ko sa tanong ni Blue kanina.

"Bakit naman?" tanong ni Green.

"Noong araw na iyon, yung araw na sumugod ang Gagorno Dragon. It seems like planado ang lahat. Sa oras na sumugod ako, maglalagay yung lalaking iyon ng magic circle. Paano niya nalaman na ang lahat ng residente ng dalawang realm ay nasa Central Realm para sa pagbubukas ng academy?" paliwanag ko.

"Hindi niya naman malalaman yon maliban na lang kung-" ani ni Light.

"May traydor." sabay ngunit seryosong sabi nila Violet, Yellow, Blue, at Green.

Tumagal ng ilang minuto ang katahimikan hanggang sa basagin ito ni Orange.

"Guys, sa tingin ko naman hindi magta-traydor ang isang Royal hindi ba?" sabi niya. Sumang-ayon naman sila Blue.

"Oo nga. Lahat ng Royalties ay sumumpa na hindi magkakaroon na ng kahit anong alitan sa pagitan ng lahat ng realms." sabi ni Yellow.

Kung alam niyo lang.

Saglit na nagkatinginan kami ni Light. Kaming dalawa lang naman ang kasalukuyang nakakaalam na talagang may traydor sa amin.

"Tama na nga ang usapang traydor. Birthday ng isa sa mga prinsesa tapos ganito ang usapan?" sabi ni Orange kaya naman itinigil na namin ang paguusap tungkol sa pagtatraydor at tinuloy ang kasiyahan. Silang lahat kasama si Light masayang nagkwekwentuhan. Hanggang sa magyaya si Blue na uminom.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon