Chapter 40

427 35 1
                                    

Pupunta ako sa Higher Realm ngayon. Kailangan ko na ng mga sagot sa mga dati ko pang tanong.

Rest day namin ngayon. Nagpaalam sa akin si Light na aalis muna siya kasama ang iba para mamasyal. Niyaya pa nga niya ako pero tumanggi ako. Kasama nila si Zero.

Nagteleport ako sa underground library nitong bahay at kinuha ang librong nabasa ko noon tungkol sa Death Magic Circle.

"Chaos."

Bigla akong nakaramdaman ng matinding sakit ng ulo bago mawalan ng malay.

"Kamusta na, Black?" bati sa akin ni Firno. Tinago ko muna ang libro.

"Ayos lang. May mga tanong lang ako." sabi ko. Nakita ko namang present silang lahat dito. Maliban kay Killios at Ivy. Nasaan ang dark at poison guardian?

"Hindi namin alam pero malamang ay inaabala nanaman ni Ivy si Killios mula sa kung anong ginagawa ng lalaki." sagot ng nakangitingin si Aira sa tanong na nasa aking isipan.

"Sigurado naman kaming wala ka dito para hanapin lang ang dalawang guardian. Ano ang mga katanungan mo?" tanong sa akin ni Chaos.

"Uunahin ko yung tungkol sa sinabi sa akin ni Metalo. Yung ikalawang diyos ng metal. May nabanggit siya nung kinalaban ko siya." sabi ko habang inaalala ang nangyari noon. Alam kong alam na nila Chaos kung ano ang tinutukoy ko.

"Kung nasabi niya iyon, mukhang hindi siya updated sa kabilang buhay. Lahat kami na naririto ay hindi na tatanda pa at walang hanggan ang aming kapangyarihan. Ang akala niya siguro ay ikaw ang papalit kay Shadow at si Princess White naman ang papalit kay Light kung sakaling sila ay mawala." ang sabi ni Chaos. Hm. Parang need ko pa ng mas maraming impormasyon pero ayos na muna ako sa naging sagot niya.

"Yung Darker God's Aura, papaano ko iyon nagawa?" tanong ko. Hindi ko naman talaga inaakalang gagana siya.

"Hindi rin namin alam. Siguro kasi sadyang malakas ka talaga. Dahil din siguro sa kagustuhan mong iligtas ang mga kasama mo noon. Nagawa mo pa ngang pagsamahin ang ilang elemento na hindi naman dapat." sagot uli ni Chaos. Nilabas ko ang libro mula sa likod ko at ipinakita kay Chaos.

"Death Magic Circle. Nabasa ko lang dito." sabi ko sabay hagis nitong libro kay Chaos na nasalo niya naman.

"Pati ba naman isang sinaunang libro ay wala ka ring galang? Gaya ng nandito sa libro na ito, sa oras na gumamit ka ng Death Magic Circle, malaki ang tyansa na ikamatay mo ito. Pwede ka namang mabuhay pero mawawalan ka ng mga alaala. Yun ay kung maswerte ka. Wala ka naman sigurong balak gamitin ito kaya naman hindi na namin sinabi sayo ang tungkol dito noon." paliwanag nito. Nakita ko namang biglang naglaho ang libro sa kamay niya.

"Si Light, I mean, Light na anak ni tito Zues. Kailan pa siya nakakuha ng permiso na gamitin ang Light Goddess Aura?" lingon ko sa pwesto nila Light.

"Yung mga panahon na nasa Human Realm ka at nagpapalamig ng ulo. Naisipan kong handa naman na si White para doon kaya binigyan ko na siya ng pahintulot gamitin yon." sagot ni Light.

"At yung kay Wailey naman, binigyan ko siya ng pahintulot ngunit binalaan ko siya sa paggamit nito. Ang sabi ko sa kanya, hangga't maari ay tsaka niya na ito gamitin pag natapos mo na ang pagte-train sa kanya." biglang sabi ni Tiria. Training na hindi pa nasisimulan hanggang ngayon. Oops.

"Si Zero. Yung batang inampon namin. Shadow user siya. Walang ganoong klaseng user sa mga librong nababasa ko." mukhang si Shadow ang sasagot.

"Pwede mong i-consider na dark user siya pero mas malakas pa rin ang dark kaysa sa shadow dahil ang kahinaan nito ay kahit anong gawa sa mahika subalit ang dark ay light lang ang katapat. Isa pa, ang mga Shadow Arts na alam niya, halos lahat yon ay maaaring masira agad dahil sa magic. Malakas naman si Zero. Kaya niya ang sarili niya. Malay natin, baka sa pagdating ng panahon ay may iba pang uri ng users na hindi pa natutuklasan." paliwanag ni Shadow.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon