Red
"Bye muna. Uwi na kami ni Shad. Baka hinihintay na kami nila Zero at Wailey." pagpapaalam ni White. Naglaho naman sila bigla. Teleportation.
Unti-unti na ring nagsi-teleport ang mga Royals na kasama ko hanggang ako at siya na lang ang matira.
"Alam mo bang sa ginawa mong pagkompronta kay Black, halatang-halata na may galit ka sa kanya?" sabi ng babaeng to bago humarap sa akin. Nagtataka namang tumingin sa amin ang mga natirang nilalang dito. Yan. Wala kasing preno ang bibig.
"Alis tayo rito." sabi niya sabay hawak sa akin at tineleport ako sa kung saan. Saang lugar naman 'to?
"You should feel honored. Ikaw palang ang nakakarating dito sa kwarto ko. Wala lang akong choice." sabagay. Pareho naman kaming taga-Angel Realm kaya madali nalang din ako makakabalik sa palasyo namin.
"So, bakit mo yon ginawa?" tanong niya sa akin.
"Ano bang pake mo? Masyado siyang pabida. Hindi ko naman alam na may alam talaga siya tungkol sa Clover na yon."
"Cloven hindi Clover."
"Whatever."
Nakakapagtaka. Papaano kaya nalaman ni Black ang mga impormasyon na tungkol sa lalaking iyon? Isa sa mga kakayahan niya? Pero imposible. Masyado na siyang makapangyarihan kung oo.
"Nagtataka ako kung bakit hindi tayo sinabihan ni King Hermes tungkol dito." nagtatakang sabi niya sa akin. Naupo muna ako sa kama niya habang siya ay nakatayo sa aking harapan.
Hindi lingid sa kaalaman namin na naghahanda ang mga Fallens para sa isang digmaan laban sa mga Angels at Demons. Oo traydor kami sa sarili naming lahi pero ano naman? Makukuha ko naman si White bilang kapalit. At makukuha naman ng babaeng nasa aking harapan si Black.
"Baka naman hindi kasali sa plano niya ang nangyari. Baka sariling plano lang ng Cloven na yun." pagbibigay ko ng aking opinyon tsaka tuluyang humiga. Nakita ko namang inirapan niya ako. Problema nito?
"Let's just go and ask Hermes ourselves. Walang silbi kung pagtatalunan pa natin ito." sabi niya sabay hawak sa aking kamay at teleport papunta sa portal na papunta sa Human Realm.
Nakakaewan nga lang dahil kaya kong magsummon ng mga salamanders pero simpleng teleport hindi ko magawa. Si Hermes naman kasi ang nagbigay sa akin ng kakayahan magsummon kaya naman wala akong karapatang magreklamo. Baka pag ginawa ko yon ay pugutan pa ako ng ulo.
Pagkapasok namin sa portal ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at nagteleport uli papunta sa bahay nila Hermes.
Agad namang nagsiyukuan ang mga Fallen Angels sa amin kahit nagulat sila sa biglaan naming dating.
Walang katok-katok na pumasok ang kasama ko sa bahay ng hari ng mga Fallens.
Kung inaakala ng iba na bastos ako dahil sa ugaling pinapakita ko sa ibang Royals, pwes mas bastos ang isang to.
Sa totoo lang, hanga ako sa acting skills ng babaeng ito. Kaya niyang umaktong masaya kahit sa totoo lang naiinis siya tuwing nagkikita silang dalawang magkasama.
Sumunod na ako sa kanya sa loob. Nakita kong nasa living room silang lahat. Nakaformal attire ang pamilya ni Hermes na para bang may pupuntahang okasyon.
"Bakit biglaan naman ata ang pagpunta niyo dito mahal na prinsipe at prinsesa?" nakangiting tanong ni Hermes. Itong matandang to minsan nakakaasar ang ngiti eh.
"May alam ka ba tungkol kay Bhlink Coven?" hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang kasama ko at agad na tinanong ang matanda. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Hermes.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...