"Ready?" tanong ni Mom pagkapasok sa kwarto ko. Ngayong araw ako lilipat sa bahay na titirhan namin ni White. Hindi ko lang alam kung sino sa aming dalawa ang mauuna.
"Yeah. I was told that some of my things are already there so I chose not to bother. Are you sure about this, Mom? You know, about me and White living in just one house?" tanong ko sa kanya. I mean, it's a little weird for a guy and a lady living in the same house unless they are in a relationship or something.
"May tiwala naman kami sa inyong dalawa ni White. By the way, nasabi nga pala ni Zues sa akin na sa iisang kwarto at iisang kama lang kayo matutulog but may couch din naman sa room niyo kaya being the guy, kung ayaw niyong magkatabi, sa couch ka." sabi ni Mom. Tumango lang ako at sinabayan niya ako maglakad papalabas ng kwarto.
"Goodbye son, and about that 'apo' thingy, I'm serious about it." sabi ni Dad sabay kindat. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil ang nasa isip ko ay biro lang naman talaga iyon.
Lagi naman kasi silang ganyan. Si tito Zues kasi, gusto ako para kay White habang si Mom and Dad naman gusto rin si White para sa akin.
Ang Demon Realm ay nahahati sa limang kingdom. Ang una ay ang Cregocion Kingdom. They are the ones that possess the abilitiy to transform into something. However, they can only transform into one certain creature. No one has ever transformed into a dragon though. Cregocion Family ang may hawak sa kingdom na ito which is kind of obvious. They are a family of demons who can turn themselves into vampires. Sa ilalim ng lupa matatagpuan ang kingdom nila.
The second kingdom is the Forciel. Those who resides in this kingdom have the abilities and appearance of creatures that are often found in myths. Vampires, werewolves, sirens, you name it. But again, no dragons. Napapaligiran naman ng mga puno ang kingdom nila but not to the point na hindi ito kita. Sa taglay ba namang laki nito.
Ang ikatlo. Ravah Kingdom. Kilala sila sa taglay nilang bilis. They are fast whether they are running or flying. The family of Ravah has been the fastest so they are the ones who are seated in the throne. Sa langit matatagpuan ang kingdom nila. Not totally sa langit. I mean, nasa mataas na lugar kasi ang kingdom nila to the point na akala mo ay nasa langit na.
Fourth one is the kingdom of Shogans. Sphelton Kingdom. Sila yung gumagamit ng mga sandata at walang kapangyarihan. Kadalasan katana, kunai, at broadsword ang ginagamit nila. Meron ding gumagamit ng darts, shurikens tsaka daggers. Sila ang may pinakamaliit na kingdom. Sa paanan ng Treoplac's Mountain matatagpuan ang kingdom ng mga ito. The mountain where you can find the Treoplac's Temple. The sacred temple of the Twelve Guardians.
Ang ikalima. Ang Deciel Kingdom. Obviously, kami ang namumuno dito. Ito rin ang pinakamalaking kingdom. Sakop namin ang mga demons na normal lang. Ang ibig kong sabihin ay yung may mga kapangyarihan but at the same time ay hindi sila nakakapagtransform into any other beings.
Mayroon din namang ibang Realm maliban dito. Halimbawa na ang Angel Realm kung saan nagmula sila White. Human Realm kung saan kasalukuyang nakatira sila King Hermes at mga Fallen Angels. Ang Dragon Realm kung nasaan ang mga dragon. Bawat isa sa aming lahat ay may dragon partner maliban sa mga Shogans.
Ang dragon partner ko ay si Darko. Itim na dragon na may pulang mata. Yung kay White naman ay si Li. Puting dragon na may asul na mata. Asul ang kulay ng apoy na binubuga nito. May mga mode din ang mga dragon partners.
Mount Mode, kung saan pwedeng sakyan ang dragon. Nakafocus sila sa flight ability kaya naman hindi sila masyadong makakapag-execute ng atake habang nasa ganitong mode.
Pet Mode. Ito ang mode nila na pansamantala silang liliit upang makasama mo sila mamasyal, maglakad, or kung ano man nang hindi nakakasira sa paligid.
Spirit Mode. Ang mode na pwede silang imerge sa kung anong accessories na mayroon ka.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...