Chapter 37

452 35 2
                                    

I teleported back to our house. About the child of him, a-absent ako bukas para makuha siya. Konti lang naman din ang papasok dahil sa birthday ni Light, siguradong marami ang uminom sa party at makakaranas ng sakit ng ulo.

I stared at Light that is peacefully sleeping right now. Tumabi na ako sa kanya hanggang sa unti-unti na akong makatulog.

--

"Shadow gising na. Male-late na tayo kapag hindi ka pa bumangon." wika ni Light sa akin. Dahan-dahan ko namang minulat ang aking mata hanggang sa tuluyan ko nang maaninag ang isang anghel sa aking harapan.

Literal.

"Hindi ako papasok." simpleng sabi ko bago bumangon at mag-inat.

"Bakit?"

"Pinuntahan ko yung lalaki na nahuli kahapon sa birthday mo and asked him some questions. Hinabilin niya sa akin ang anak niya bago siya mamatay." sagot ko. Her eyes widened when she heard that the guy already died.

"Sasama ako." sabi niya na bahagyang nagpagulat sakin.

"You sure? It's dangerous there." sabi ko sa kanya na may halong pag-aalala.

"Of course. Tapos bili na rin tayo ng aso. You promised, right?"

"Yes. I did promise that I'll buy you a dog." wika ko nang maalala ko yung oras na yon.

I'm having second thoughts now. I do not want to bring her into the enemy's territory.

"Don't even think about leaving me here."

"Fine. Let me change my clothes first." paalam ko. Kailan kaya ako mananalo sa kanya pagdating sa arguments?

Minutes later, sabay na kaming lumilipad papunta sa portal. Pagkalapag namin ay siya namang pagsulpot ng mga goblins.

Lalabanan dapat sila ni Light pero pinigilan ko siya. Hindi rin naman kasi sila makakapasok sa portal.

Katulad ng dati, sa gubat kami lumabas. Inalala ko ang address. Hinawakan ko ang kamay ni Light at tineleport ko na ang aming mga sarili sa tapat ng bahay ng address na sinabi ng lalaki bago noya subukang sabihin kung sino ang mga traydor Buti nalang at walang mga taong nakatingin noong nagteleport kami.

Kinatok ko na ang bahay at maya-maya lang ay may nagbukas na isang maid.

"Ano po yon?" magalang na tanong niya pagkabukas ng gate pero nagulat siya nang nakita kami. Pinakiramdaman ko ang aura niya. Isa siyang demon. She's supposed to be living in our realm.

"Can we come in?" tanong ko.

"Of course Prince Black, Princess White." magalang na saad niya at pinapasok na kami.

"Ano po ang sadya niyo?" tanong niya sa amin pagka-upo namin sa may sala.

"The child of your master." sagot ko. Si Light ay nanatiling tahimik sa aking tabi.

"Mukhang pinagbayaran na nga niya ang ginawa niya sa inyo. Kung ganoon, hindi ko na rin kailangan pang mabuhay. Nandoon ang bata sa taas sa may asul na kwarto. Isa siyang half demon half fallen angel. Demon ang kaniyang ama na nahuli ninyo. Ang nanay niya naman ay isang fallen na matagal na silang iniwan. Alagaan niyo siyang mabuti na parang isang tunay na anak, pakiusap. Paalam." sabi niya bago magkaroon ng itim na aura sa kanyang kamay at tinutok sa bandang dibdib niya.

"Teka, miss!" pipigilan pa sana siya ni Light pero tuluyan na siyang nawalan ng buhay. Ang itim na aura ay tumagos sa kanyang katawan.

"Hindi ako makapaniwala. Basta-basta niya nalang pinatay ang sarili niya." sambit ni Light sabay iwas ng tingin sa bangkay. Maya-maya ay umusok ang katawan ng babae hanggang sa tuluyang mawala ang buong katawan niya. Hm. Must be some sort of spell.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon