Chapter 27

564 36 1
                                    

Sinusubukan kong mas maging approachable. It's because of Light. Sinabihan niya ako na dapat maayos ang pakikipagsocialize ko sa iba.

Napagdesisyonan na naming bumalik sa loob dahil medyo lumalamig na at para na rin mabalita sa kanila kung ano na ang meron sa amin which is si Light nalang ang magsasabi. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bahay.

"Tagal ah. Baka naman may ginawa pa kayo sa garden?" ang pagka-berde agad ni Green ang sumalubong samin pagkadating namin sa loob ng bahay.

"Meron nga." sagot ni Light na may nakakalokong ngiti na ikinagulat ng lahat.

"Sabi mo meron kaming ginawa sa garden then sinagot ko lang na meron. Bakit gulat kayo?" alam kong nagpipigil ng tawa itong si Light.

"Oh my gosh! Kamusta? Masakit ba?" agad akong nagtaka sa sinabi ni Orange. What? Ano ang masakit?

"Nagbibiro lang naman ako pero masarap ba?" tanong ni Green. Si Orange, masakit, ito namang si Green, masarap. Ano bang pinagsasasabi ng mga to?

"You should be more formal! Dapat sa kwarto niyo yon ginawa." pinaikutan kami ni Gold ng mata. Goodness. I think I'm starting to know what they think we did.

"Hindi ko alam na ganyan pala kayo. Akala ko pa naman kayo ang pinakamatino sa ating lahat." gulat na saad ni Blue.

"I can't wait for the little versions of you guys." great. Pati ba naman si Indigo ay nadamay na sa kanila?

"Ano feeling?" feeling ng what, Violet?

"Mga baliw! Niyakap lang naman namin ang isa't isa. Ang wild naman ng mga imagination niyo." sabi ni Light habang tumatawa. Tumigil naman si Light sa pagtawa at nagsalita.

"And I have a good news for you guys. Kami na ni Black." dugtong ni Light sa sinabi niya habang nakangiti ng malawak at itinaas pa niya ang kamay namin. Hinalikan ko naman ang kamay niya. At syempre ang balita, mas mabilis pa sa kidlat kumalat.

Nandito kami ngayon sa arena. Ngayon kasi ang unang araw ng Grand Competition. Which means, magdu-duel ang lahat ng studyante, even us. Nakahiwalay ang upuan namin sa ibang studyante. Nasabi ko na ito pero sasabihin ko ulit. I hate these kind of treatments. Estudyante rin lang naman kami hindi ba?

Randomize ang pagkakapili kaya siguradong lugi ang makakatapat ng Royals kung sakaling hindi kapwa Royals ang kakalabanin niya. Nanonood din sa amin ang mga magulang namin kaya kailangan naming gawin ang best namin.

"Ayokong pahabain pa to. Let the duel begin!" sabi ni tito Zues kaya naghiyawan ang mga studyante.

Katulad ng sabi ni tito Zues, nagsimula na nga ang duel. Merong mabilisang duel meron ding nagtagal ng ilang minuto. Si Blue at Violet palang ang nakakalaban. At syempre ang resulta, sila ang panalo.

"Red Shino Bhroplan vs. Sylph Elaire." a royal versus a guardian. Not bad.

"Three, two, one, duel start!"

"Summon, Grego." may bagong weapon na pala siya.

"Summon, Air Falcons."

Mabilis na lumipad ang mga Air Falcon papunta kay Red.

"Summon, Invisible Geckos." pag-cast ni Red sa isip niya na mukhang ako lang ang nakabasa dahil kung may nakabasang iba, paniguradong mahahalata ang kanilang pagkagulat.

He's a shogan. For a shogan like him, there's no way to cast a spell. I have to warn Sylph.

"Sylph, I know that it's impossible but Red casted a summoning spell."

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon