Chapter 58

390 25 1
                                    

Third Person

Sa bahay ng mga Faljel sa human realm kasalukuyan na tumutuloy si Black. Sa unang dating niya ay nagulat pa si Scarlet ngunit mapapansing napalitan din ito ng pagkasaya.

Inalok pa nga ni Scarlet si Black na sa kwarto niya na lamang matulog ang binata ngunit hindi pa man nakakatanggi si Black ay iwinaksi na agad ni King Hermes ang ganitong pag-iisip ng anak sa pamamagitan ng pagsabi na pinsan niya si Black na totoo naman.

Ang prinsipe na si Red at prinsesang Orange ay may sariling kwarto sa bahay ng mga Faljel ngunit handang-handa ata si King Hermes dahil may isang bakanteng kwarto na ang nakahanda para kay Black.

Bihira lang siya lumabas. Lalabas lamang siya kapag kakain na.

Hindi na kinompronta pa ng hari si Black tungkol sa paggamit nito ng kapangyarihan ng lupa. Inisip na lamang niya mas nakadagdag lang ito sa tsansya nilang manalo sa paparating na digmaan.

--

Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Gabi na at kasalukuyang naghahapunan sila King Hermes, Princess Scarlet, Queen Alexa, Prince Red, Princess Orange at Black.

Ang mga fallen na nagbabantay sa paligid ay mas nauunang kumain sa kanila. Sa kahilingan ito ni Queen Alexa dahil ayaw nitong may nakakasabay sa pagkain na hindi naman niya kilala ng mabuti. Parang si Black.

Kung tutuusin ay nagulat din siya nang nadatnan niya si Black sa kanilang pamamahay. Hindi niya inasahan na mapapasama ito ng kanyang asawa.

Habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan sila Princess Orange, Princess Scralet at Queen Alexa. Girls talk tuloy ang datingan dahil ang mga kalalakihan ay tahimik lamang na kumakain.

Nabulabog lamang sila nang biglang bumukas ng malakas ang pinto at isang naghahabol ng hininga na lalaking fallen ang pumasok.

'Tumakbo ba siya? Sa pagkakaalam ko may kakayahan naman na mag-teleport ang mga Fallen ah.' ang nasa isip ni Red na hindi naman sinasadyang nabasa ni Black. Bahagya siyang napailing. Papaano kung makita ng isang tao ang gagawing pagteleport ng lalaki?

"Ano ang problema at para bang sobrang halaga niyan na nagawa mo pang tumakbo makarating lang dito?" tanong ni King Hermes sa lalaking Fallen Angel na nakaluhod na ngayon bilang pag-galang.

"Ang pamilya... ng mga Defroysa." maikling sabi ng lalaki. Yon lang ang kanyang nasabi dahil hanggang ngayon ay hinihingal pa rin siya.

"What about them? Magbibigay ka nalang ng balita, paputol-putol pa." mataray na wika ng reyna.

"Nawawala sila. At bago pa sila mawala, nakita ko pa ang isang babaeng pinapalutang ang walang malay na kawatan nila. Ang babaeng iyon ay isang anghel at naramdaman kong malakas siya. Hindi ko nakita ang kanyang mukha dahil masyadong nakayuko ang kanyang ulo at bahagya pa siyang nakatalikod mula sa aking pwesto." tuluy-tuloy na paliwanag ng lalaki kaya naman hiningal siyang muli. Masyadong naka-focus ang lahat sa lalaking nagsasabi ng balita kaya may isang bagay silang hindi napansin.

Ang bahagyang pagngiti ni Black na hindi nagtagal ay bumalik agad sa pagiging walang emosyon.

"What!? Sinasabi mo bang dinukot sila!?" galit na sambit ng reyna. Agad naman siyang pinakalma ng kanyang asawa.

"Hayaan mo na. Ang buong pamilya ng Defroysa ay binubuo lamang ng isang may katandaan na lalaki, ang kanyang asawa, isang dalaga at isang bata. Hindi sila kawalan. Mga hamak na mga metal users lang naman ang mga iyon. Hindi ako natatakot kung patayin pa silang lahat ng anghel na iyon." mahabang sabi ni Hermes.

"Black, ano sa tingin mo? Nalaman ko na naging kaibigan mo ang dalagang Defroysa. Ano ang masasabi mo?" baling niya kay Black

"They're probably trying to lure me out. And you're right. They're just metal users. You have me so what's there to be scared about?" sagot ng prinsipe na hindi manlang nagbaling ng tingin sa hari. Ang sinabi niya ay naging dahilan para mapatawa si Hermes.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon