Chapter 57

391 21 1
                                    

Kasalukuyan na kaming nagba-barbecue ngayon. And by 'kami' is hindi lang kaming Royals. Lahat ng mga estudyante, maski ang mga teachers at magulang namin ay nandito.

Napansin ko nga rin sila Ms. Dexteria at Mr. Regio na madalas ata magkasama. Though four years ang tanda ni Mr. Regio sa kanya, they're both adults naman kaya walang nangingielam sa kanila except sa maya't mayang asar ng mga estudyante sa kanila.

Nagpahanda ang mga magulang namin ng tatlong sobrang mahahabang lamesa na halos sakupin na ang buong beach.

Ilang pili namang mga lalaki ang nagba-barbecue. Kasama na kaming mga Royals don maliban lang sa mga magulang namin na binabantayan ang mga bata.

Mahilig talaga sa mga bata ang mga magulang namin. Sila tito Zues, Dad at Mom palang na nanghihingi na agad ng apo.

Ang mga babae naman ay na-assign para tignan kung may mga kulang pa sa mga gagamitin namin sa pag-kain mamaya.

I admit, sa ginagawa naming ito ay parang nage-enjoy na rin kami. Masaya lang at payapa.

Palihim naming napag-usapan ni Dad na may plano na ang mga magulang namin para sa aming mga anak nila. Hindi kami sa school magte-training kung hindi sa kanya-kanyang palasyo.

That means, matagal-tagal bago ulit kami magkita ni Light after nito. Zero will come with me na si Light na rin ang nagsabi. Mas mapagtutuonan ko raw ng pansin si Zero at mate-train ko rin siya dahil halos pareho ang kapangyarihan namin.

About that traitor princess, I don't know what to do with her. Wala akong maisip na dahilan para gawin niya ito. I want to give her a chance to explain to us. Lalo na kay Light. Maybe King Hermes is just blackmailing her.

At ang isa pang bakante sa dragon necklace. Nasabihan ako nila Chaos na ako dapat mismo ang maghanap ng dragon na iyon pero wala na akong sapat na oras para pumunta pa sa dragon realm.

Sa sobrang bilis ng takbo ng oras doon at dagdag pa ang mga dadaanan ko para makapunta sa kung nasaan man ang portal papunta don, baka pagbalik ko ay natapos na ang digmaan at wala manlang ako naitulong.

Ang portal sa dragon realm ay kakaiba dahil palipat-lipat ito ng lugar pero makakasiguro naman na ang portal na iyon ay malapit lang sa kung nasaan ang portal papunta sa Human Realm.

Kung maaari lang sana ay hindi ko na aabalahin pa ang mga taga-Aleyva ukol sa magaganap na digmaan ngunit sila ama na mismo ang nagsabi na malaking tulong din ang kanilang magagawa. Ang mga taga-Aleyva na may kakayahan lamang lumaban ang isasabak namin sa digmaan. Ang mga matatanda naman at mga bata pa ay isasama sa mga nasa loob ng school.

Naisip ko, walang kasiguraduhan na ang lahat ng fallen ay aatakehin ang Academy. Maaaring may sumugod din sa kanya-kanyang palasyo. Kaya naman hahatiin ang mga studyante para dito.

Kaming mga Royals at ilang estudyante ay lalaban para protektahan ang school. Habang ang karamihan naman ay mahahati sa mga palasyo.

May tiwala naman ako sa mga kakayahan namin. Kahit na mababawasan kami ng dalawa at sila ay madadagdag sa bilang ng kalaban pagdating ng digmaan.

"Black." akbay sa akin ni Blue na nakalapit na pala. Nilingon ko naman siya na para bang nagtatanong kung bakit niya ako nilapitan.

"Masyado kang tahimik eh. Parang ang lalim ng iniisip mo. White asked me kung pwede raw ba kita tignan. Galing ako sa pwesto ng girls saglit, dinalaw si Violet."

"Bakit mo naman ako kakailanganin tignan?"

"Kung mambababae ka raw." sagot niya sabay tawa. Seriously?

--

After some minutes, handa na ang lahat para kumain. Magkakamay lang daw kami habang kumakain na wala namang nagviolent reaction.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon