Chapter 61

351 22 1
                                    

Mula sa isang sulok ay biglang nagpakawala ng tatlong metal spikes si Wailey patungo sa isang orc na aatake sana sa isang lalaking demon. Tumama ito sa mata ng orc na naging dahilan ng pagkabulag nito at mabilisang pagkatalo. Lumingon naman ang lalaki sa kanya at binuka ang bibig na para bang sinabi niyang 'salamat'. Tumango lamang si Wailey sa kanya at naging seryoso na ulit sa pakikipaglaban.

"Hindi ba't iyon ang babaeng fallen na close kay Black?" tanong ni Red kay Orange kahit hindi niya ito nililingon. Napalingon naman sila King Hermes sa direksyon na tinitignan ni Red. At totoo nga.

"Traydor." parang inis na saad ni Orange.

"Sayo talaga nanggaling yan?" natatawang saad ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa harap nila. Ang prinsesa ng Desagno Kingdom. Violet.

Agad na binatuhan ng ice ball ni Orange si Violet. Ngunit hindi nag-aksaya ng panahon na umilag si Violet at simpleng sinalo ang atake ni Orange na nag-uumpisang matunaw sa kamay niya.

"Did you forgot? Once I caught a projectile, it can be erased by my poison." aatake na sana si Violet ng bigla niyang maramdaman ang parang libo-libong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan.

"Not unless the projectile is fast enough for you not to catch it." nakangising saad ni Red na nakatutok ang kamay kay Violet.

Nakaramdam ng matinding sakit si Violet dahilan para siya ay mawala sa konsentrasyon at balanse. Naglaho rin ang kanyang pakpak kaya naman siya ay unti-unting nahuhulog pabagsak sa lupa.

"What in the world did I just witnessed?" gulat na saad ni Indigo na halos kapareho lang din ng reaksyon ng lahat.

Alam nilang lahat na ang isang shogan ay hindi maaaring magkaroon ng kapangyarihan ngunit si Red ang buhay na patunay na kahit mga shogan ay maaaring magkaroon nito. Yun nga lang ay sa maling paraan. Ang mga magulang ni Red ay tila nasaktan din sa nakitang kinahinatnan ng anak. Si Res ay tila nababagabag din sa nakitang ginawa ng kanyang kapatid at hindi makalaban nang maayos.

"Violet!" sigaw ni Blue habang may kinakalaban na dalawang python mag-isa. Dahil nalipat ang kanyang atensyon kay Violet ay nakalmot siya ng isa sa mga ito sa tagiliran.

"Ahh!" daing niya habang sapo ang sugat na natamaan. Ininda niya ang sakit at tinakbo ang lugar na babagsakan ni Violet. Tumalon siya at maingat na sinalo ang dalaga.

Dinaluhan sila ng isang babaeng estudyante. Hinawakan niya ang balikat ni Blue at tineleport ang dalawa sa loob ng clinic ng academy.

"Salamat." pagpapasalamat ni Blue. Si Violet naman ay nanghihinang ngumiti sa babae. Yumuko lamang siya tanda ng paggalang bago muling magteleport papalabas.

"Please, heal her." wika ni Blue sa isang lalaking student na isa sa mga estudyante na may alam na iba't ibang klase ng healing spells. Ang mga katulad niya ay naghihintay lamang sa mga masusugatan pero hindi rin magtatagal ay paniguradong mauubusan na sila ng enerhiya.

Totoong ang pamilya Xyroneon na lamang ang natitirang buhay na light user ngunit hindi ibig sabihin ay nawala na ng tuluyan ang mga nilalang na may kakayahang magpagaling. Healer ang tawag sa mga biniyayaan ng kaunting kapangyarihan ng liwanag na sapat lang para makapagpagaling. Mas marami rin silang enerhiya kumpara sa iba ngunit sa sitwasyon ay baka kulang pa ito.

"I will but you need assistance too, Prince Blue." tumango na lamang si Blue at hinayaan ang mga healer sa kanilang gagawin at makabalik agad siya sa laban.

Sa pagbalik ni Blue sa labanan ay nagulat at nagtaka siya sa nasaksihan. Ito ay sa kadahilanang may mga Fallen Angel na sa kanilang panig at mayroon na ding kontroladong mga nilalang. At karamihan pa sa mga nakokontrol nito ay ang mga pythons at goblins na kahit maliliit ay kung magsasama-sama ay makakapinsala.

"Wailey did that." biglang sulpot ni Gold sa kanyang tabi. Nagawang kumbinsihin ni Wailey ang ilan sa mga fallen angels. At habang tumatagal ay parang parami nang parami ang pumapanig sakanila.

Si White ay natutuwa sa nangyayari. May mga nagkaroon ng malubhang sugat ngunit sa kabutihang palad ay wala pa siyang nakikitang namamatay.

"Nagugustuhan ko ang pangyayari. Kung papalarin ay matatapos ang digmaan na walang namamatay sa ating lahat. Yun ay kung susuko ka, Hermes." wika ni Zues.

"Ang anak ko! Hermes nasaan ang anak ko!?" sigaw ng reyna ng Deciel Kingdom na si Queen Persephone.

Doon na lamang muling sumagi sa isip nila si Prince Black. Kanina pa nagsimula ang laban ngunit walang Black na nagpakita.

"Mukhang totoo nga ang sinabi ng matandang yon. Wala siyang kinampihan." kunot-noong paglalahad ni Orange sapagkat ang akala niya ay papanig si Black kela White kaya ito nawala.

"Red, Orange, lumaban na kayo. Sumama ka na rin Scarlet." utos ni King Hermes.

Agad na tumalima ang tatlo. Si Orange ay likas na maabilidad pagdating sa malayuang pakikipaglaban kaya naman hindi pa siya nakakalapit ay agad siyang nakatama ng apat na studyante gamit ang mga ice spikes na kanyang nilikha. Hindi naman namatay agad ang mga ito ngunit napatalsik naman sila sa pwersa ng pagkakabato nito sa kanila kaya matindi talaga ang kanilang naging tama. Nanganganib ang buhay nila.

Si Red naman ay nagpakawala ng kuryente sa kanyang mga daliri. Walo ang kanyang natamaan, anim na fallen at dalawang estudyante mula sa Xyriel. Lahat sila ay nanghina kaya naman tinulungan sila agad ng iba na dalhin sa mga healer sa loob ng paaralan.

Ang kapangyarihan naman ni Scarlet ay parehong namana niya sa mga magulang. Nagpatama siya ng dark needles sa ilang mga studyante na nagtataglay ng lason. Dark and poison. Dark from her father and poison from her mother. Hindi ang buong kakayahan ng reyna ang kanyang nakuha. Kapansin-pansin na naparalisa lamang ang mga natamaan. Hindi nakakamatay ang kanyang lason katulad ng kay Violet at kay Queen Alexa ngunit delikado pa rin dahil may isa pa siyang kapangyarihan. Sa oras na mapalarisa ang kalaban ay malaya niyang maaatake ito gamit ang dark.

"Ilabas ang ilan sa mga healer! Mahihirapan pa tayo dahil labas pasok tayo sa loob ng Academy." utos ni Queen Dia, Gold's mother. Sumang-ayon naman ang iba pa kaya naman maya-maya ay napadali na lamang ang pag galing ng iba.

May mga fallen angel na sadyang tapat kay King Hermes, dagdag pa ang dalawang Royal na nasa panig niya kaya medyo nahihirapan pa rin sila. Hindi pa lumalaban sila King Hermes at Queen Alexa. Ganon din naman ang mga hari at reyna ng angel at demon realm.

"Magic Circle: Pain!" biglang sigaw ni Orange. Nakaramdam ng sakit ang malawakang bilang ng mga studyante. Hindi na nakakapagtaka pang nagawa niya na itong gawin. Marahil ito ay epekto ng pag-eensayo at kagustuhang makuha si Black.

"Magic Circle: Cancel." sabi naman ng isang binata. Agad nawala ang nararamdaman nilang sakit. Napalingon silang lahat sa binatang kakarating palang. Ang binata na kanina pa nila hinihintay. Ang binata na hindi nila alam kung kanilang kakampi ba o kaaway.

"Shadow." bulong ni White sa hangin na kahit bulong ay nagawang marinig ng prinsipe na si Black.

Iba ang kanyang itsura. Ang kanyang pakpak ay parang sa dragon. Ang kanyang mga mata ay pula na parang sa mga dragon. Walang suot na pang-itaas ang binata marahil dahil sa bagong pakpak na mayroon siya.

"Merge Mode? Pero imposible! Ang unang nakagawa niyan ay isang diyos! At tanging mga diyos at diyosa lamang ang nakakagawa nito!" gulat na saad ni Hermes. Tumawa si Prince Black.

"Poor Killios. The king doesn't know that you can merge with your partner as well." wika ng prinsipe na tila nang-aasar. Nagtaka man ang iba dahil binanggit nito ang pangalan ng dark guardian ay nawala rin ang pagtataka ng mga ito dahil sa biglang litaw ni Killios. Iba rin ang kanyang itsura sa mga impormasyon na naglalarawan sa kanya sa mga libro.

May pakpak siya ng katulad sa isang paniki at mayroong nagtatalasang mga kuko. Itim na rin ang kanyang balat.

Those who can merge with their dragons are only the gods and goddesses. Not even the guardians.

And from what Black said, everyone noticed that instead of saying 'your dragon', he said 'your partner'.

"You sneaky bastard. Kaya ka pala nanggaling sa higher realm ay para manghingi ng tulong para makipagmerge kay Darko!" naging maluwag ang paghinga ni Hermes kahit papaano sa sinabi ni Killios. Ang buong akala ni Hermes ay maituturing na ring diyos si Black.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon